Umaarteng Puso No.9: Bebe Gal

419 10 2
                                    

Propayl ng NAG-IINARTE:

Alyas: Bebe Gal

Gender: Female

Age Bracket: 10-15 years old

Location: Manila

Eksena:

"My life is simple, full of happiness. Walang kaproble-problema until I met Guy 1, the guy who changed me. Because of love, I learned to be desperate and to give all (but of course not myself, not my first kiss and so on coz I'm too young..) But he just break my heart and flirt with my friends and classmates. From the start, he does not show even a dot of care for me. So I realize I have to move-on and then after that, naging man-hater ako but Guy 2 changed me.

He says that I'm beautiful, cute, smart and whatsoever. He always tells sweet words to me until I heard news about him and me, that he's just making our conversation a joke. So it hurts me a lot. I'm not that bad as what they think. Mukha lang but I'm very friendly. I don't have any enemies at all unless there are people around me making me angry or sometimes because of jealousness. But no one could hear me only myself and God, but I could not reach God so well I guess I'll just make myself bitter to boys or in short, a man-hater but not to my brothers, cousins, friends and my father."

 Pag-iinarte:

Ang pinagtataka ko lang ay bakit ganun? Lagi akong niloloko? Eh wla naman akong ginagawang masama?

 Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:

Nais ko munang humingi ng kapatawaran sa late ko ng pagbibigay ng advice sayo. Pero ganun pa man, eto na at didibdibin ko na ang advice ko para sayo. Pero since maikli lang naman ang kwento mo, magiging straight to the point na din ako sa mga payo ko sayo. :)

First dun sa Guy 1, ow well wishing well, actually wala naman syang fault sa nangyari eh. Kung hindi sya nagpakita ng pagmamahal sayo or ng care, it is not his responsibility na magcare sayo kung hindi ka naman nya gusto. Actually girl ha, wala ka namang rights na mag act ng ganyan hannga’t wala kayong commitment. It is just that you like him, pero ang tanong, does he likes you back? Alam mo kasi baka umasa ka na magiging ganun din ung feelings nya para sayo, eh ang totoo hindi sya ganun sayo? Ano naman kung sa friends mo sya magkagusto? Did you confess to him what you feel? Kung hindi, then it’s your fault. Sana sinabi mo sa kanya. Pero mali na nagalit ka sa kanya and dahil dun naging man-hater ka. Agad-agad naman ung changes na man-hater ka? Eh isang lalaki pa lang yun na nagkagusto sa friends mo, eh kung grabe ka naman baby girl. You’re still too young for love. Kaya yang nararamdaman mo na nagkagusto ung crush mo sa friends mo, wala pa yan sa kalingkilan ng problema sa love ng isang taong may mahal pero kahit na nagconfess na sya eh deadma pa din. Swear. Yang nafefeel mo Puppy Love lang yan, madaling mawala. Konting pakilig, konting saya. See? Madali mo nga ngang nalipat yung atensyon mo kay Guy 2 eh. Man-hater ba tawag dyan? Ang man-hater, kahit anong gawin mong pakita ng lalaki, galit agad yan. Ow well, siguro nga pag pogi exempted. Hahaha forget everything about hating Men. wahaha

Okay, let’s go kay Guy 2. This is so sad for you baby girl. I can feel it. This time you have the rights to get mad, lalo na kung medyo kapani-paniwala yung mga pinagsasabi nya. Nakakainis yung ganyan, ung pagsasabihan ka ng sweet sweet pero waley naman palang halaga yun sa kanya. Pero sabi nga nila, kahit anong kasweet-sweet pa yang pinagsasabi nya, hanggat walang I LOVE YOU, wala pa rin yan. A.S.A. ang bagsak mo nyan. Don’t assume. Minsan dyan nadadali ang isang tao, sa kapapaniwala sa matatamis na salita. Puro paasa lang pala, puro pakilig. Wala din namang patutunguhan. Sana nagalit ka sa kanya, kaso nakakatakot naman din yung ganun. Baka sumbatan ka nya, baka sabihin nya, “The hell na nagagalit ka? Bakit tayo ba?” Ow well well balon,it would hurt even more.  Baka ihulog ko sya sa well kung ako ang sasabihan ng ganyan. Aba, aba!

Gusto mo bang malaman kung man-hater ka na? Dahil sa sinabi mong man-hater ka na, nakahanap ako ng ilang sintomas sa tulong na rin ni Google para malaman mo kung man-hater ka na nga. Kapag wala pa ito sa iyong mga kinikilos o ginagawa, ibig sabihin hindi ka Man-Hater. Tulong na rin ito hindi laman sayo kundi pati na rin sa ibang maaaring magbasa ng entry kong ito.

1. Define Romance/Romantic.  Ayaw mo sa mga nakakakilig na bagay na ginagawa ng isang tao. Ayaw mo makakita ng mga magbf kung saan romantic ang lalaki sa girl. Hindi ka naniniwala o walang halaga sayo ang romantic thingy na ginagawa ng mga lalaki. Deadma. Hindi ka na kinikilig sa mga simpleng bagay na kahit pagtawag lang ng gwapong lalaki sa pangalan mo.

2. You don’t ask anything. Lahat kinakaya mo. Hindi mo naiisip na humingi ng tulong kahit na kanino, lalo na sa mga lalaki. Dahil ikaw bilang babae, tiwala kang hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay mo. Superwoman ang peg.

3.  You don’t care what boys would tell about you. You will just do everything and anything you want. Anpake nila? Boys hate you? Who cares? You hate them 10 million more.

4.You hate events. Ayaw mong pumupunta sa mga lugar na kailangan mo pang makihalubilo sa mga tao, lalo na sa mga lalaki. Mas gugustuhin mo pang mag-isa ka lang sa bahay, kaysa mainis ka lang sa mga lalaking makikita mo sa party. Maglilinis ka na lang ng bahay at maglalaba.

5. Anti-Social Networking Sites. Kung may account ka sa Facebook, Twitter, Tumblr or Plurk, dinelete mo na mula nung ayaw mo na sa mga lalaki. Ayaw mo na ng communication sa kahit na sinong lalaki. Kung hindi mo man binura, siguro once or twice a month ka na lang mag open ng mga ito. So ang mga notifications mo, tambak na for sure kung sakali.

 6.Self-centered plans. Lahat ng plano mo para sa buhay puro pang sarili lang. Magiipon ka para sa future mo. Bibili ka ng mga gamit para sa sarili mo lang. It’s not part of your plans na magkaroon ng kashare sa mga bagay na meron ka para sa hinaharap. You already. Ikaw na.

 7.You don’t believe in relationship anymore. Nagsisimula ka ng magkaroon ng idea na maging madre na lang someday. Na hindi mo na gugustuhin na magkaroon ng asawa sa sobrang galit mo sa mga lalaki. Mas gugustuhin mong si God na lang ang pagsilbihan at makasama habang buhay.

So ano, nasa level ka na ba nyan? Pag oo, eh di man-hater ka na nga.

Huling Payo..

Wag mong isisi sa mga lalaking nagustuhan mo kung bakit ka nasasaktan ngayon. Wala silang kasalanan na nagustuhan mo sila. At wala rin silang kasalanan na mas may gusto silang iba. Bata ka pa girl, don’t take this seriously. Hindi pa ito ang pinakamasakit na mararamdaman mo pagdating sa love kapag tumanda ka na. Wag mo agad sabihin na hate mo na ang mga lalaki, there’s still more persons in your life na dadating. Give them a chance. Dalawa pa lang yan na nakilala mo eh. Lalo na sa age mo pa, eh dapat nag-aaral ka lang ng mabuti. Alam mo, puppy love lang yan. :)

You don’t need to push someone to like you lalo na kung hindi yun ung nararamdaman nya towards you. Wag mo ring agad bibigyan ng meaning ang lahat ng bagay na sinasabi o ginagawa ng isang tao. Hanggat hinsi nanggagaling sa mga bibig nya, wala pa rin yung ibig sabihin. Wag kang magiging kampante sa kung anong friendship meron kayo ng isang lalaki, kasi anytime pwedeng mawala yun lalo na madaming babae sa mundo, hindi lang naman ikaw. Wag mong seryosohin itong nangyari sayo. Marami pang mangyayari na maganda  sa buhay mo. Marami pang mas poging lalaki ang makikiala mo lalo na pag high school ka na, college or even nagwowork na. Wag ka agad magagalit sa lalaki, paniguradong may dahilan naman ang lahat. At kung masaktan ka man ulit, ibig sabihin hindi pa sya ang para sayo. Wag kang matakot ibukas ulit sa iba ang puso mo. Tsaka kalma-kalma lang! Sige ka, ang bata mong magkakawrinkles nyan. Ikaw din. :)

Don’t assume, until he says so.

 *******

Ahmmm.. Gets? :)

Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon