Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Fairy of Hearts
Gender: Female
Age Bracket: 11-15 years old
Location: Philippines
Eksena:
"Nagkagusto ako sa taong hindi ko kilala. Yung sa text lang kasi magkaclan kami. Ilang months din ang lumipas at umamin yung guy na mahal niya ako. Pero crush ko lang naman yung guy.
Lumipas ulit ang ilang months at sinabi ko na wag na magtext si Guy kasi kasinungalingan lang lahat. Narealize ko kasi na fake lahat dahil nga sa text lang yun. Tapos nung tumigil na si Guy sa pangungulit sa akin, parang gusto ko namang kulitin ulit sya. Na magkausap ulit kami."
Pag-iinarte:Ate, pwede po bang ma-in love sa isang stranger?
Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:Alam mo habang binabasa ko ang kwento mo, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Guilty ako eh, hahaha biktima din ako ng love text. Hahaha nakakarelate ako ng bongga. :) Nakakatawa na ang mismong tagapayo sa Boses ng mga Umaarteng Puso nakarelate sa isang entry, :D Well, biktima eh, not once, not twice but thrice. :P Rebelasyon. Hahaha ano ba yan. Oh sya, tama na sa akin. Gora na ako sa kwento mo. Next paragraph please..
(Insert song, courtesy of VLC Player. Don’t Say You Love Me version of Krissy and Ericka.)
Sa panahon ngayon na ang bilis ng teknolohiya, pati ang puso napapasok na rin nito. Pati tuloy nararamdaman ng ibang tao, nang dahil lang sa isang text na gawa ng cellphone maaari ng maapektuhan. (Insert song, courtesy of VLC Player. Always by Gary V And Jingky. *P.S.Nagso-soundtrip ako eh, haha) Isa kang living evidence sa sitwasyon na ito.
Alam mo, maiintindihan ko naman kung magkagusto ka kahit hindi mo pa sya nakikilala o nakikita ng personal. Dahil yun sa mga text nya sayo malamang. The way he texted you, sa mga sinasabi nya. Ang mga Clan na yan, talagang marami ang nadadali dyan. Paano sa mga Clan na yan may mga makikilala na ibang tao at eventually magugustuhan na lang basta-basta. (Insert song for the third time, courtesy of VLC Player. Lie About Us by Avant ft. Nicole S..) Sa text kasi kaya nating sabihin lahat, kahit hindi totoo, kahit imbento, kahit kwentong barbero lang. Sa text malakas ang loob na magsabi ng mga bagay na malayo sa katotohanan, malayo sa tunay na sitwasyon nya. Madaling mandaya sa text, madaling magpaniwala sa kausap. Yun ang masaklap na realidad sa mundo ng keypad at charger. Pero aminin mo, challenging di ba? Mas exciting.
(Insert song, courtesy of VLC Player. That’s The Way It Is by Celine Dion. *P.S. Sorry sa lumang kanta, hahaha pakisisi si VLC. :p)
Iba naman kasi talaga sa text, may ibang ngiting nagagawa ang pakikipagtext lalo na kung mabait ang katext mo. Sa bawat paggising sa umaga, cellphone agad ang unang hahanapin at hahawakan, aasahang text nya ang unang mababasa. Sa buong araw, ayaw ihiwalay ang cellphone sa katawan lalo na kung alam na unli sya. At sa gabi, matutulog na lang katabi pa ang cellphone, sisiguraduhing maggo-good night muna bago matulog. Yung iba nilalabanan pa ang antok dahil alam nyang magagalit ang katext pag natulugan dahil hindi pa tapos sa topic na pinaguusapan. Hahaha alam na alam ko yan. Lols. (Insert song, courtesy of VLC Player. Collide by Howie Day. *P.S. Ayan, nakakakilig na. haha) Iba ang nagagawang kilig to the bones ng katext mo na alam mong may gusto sayo.
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.