Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Not-that-kinda-Girl
Gender: Female
Age Bracket: 16-20 years old
Location: Philippines
Eksena:
"Two years ago, fourth year high school, lahat ng kaibigan ko nagkaroon ng lovelife! Pressure overload! Kaya naisip ko, ako din dapat magkaroon ng lovelife! Haha. Being the modern girl that I am, duma-moves ako sa crush ko. I told him na crush ko siya kasi natutuwa ako sa pagiging tahimik niya tsaka sa galing niyang mag-drawing. So yeah, from there, I told him (half-joking) na liligawan ko siya! Na-shock si kuya! But later on, umamin din siya na matagal na siyang may gusto sa akin.
Naging kami before graduation.
What I did not expect was this: Hindi niya ako nilalapitan nor tinitingnan o kinakausap. Mga three days din 'yun. Pinalagpas ko na lang kasi in-explain niya na nahihiya daw siya. So ako naman, okay lang. Pero nung umabot hanggang graduation day na hindi niya ako pinapansin,dun na ako mangiyak-ngiyak kasi feeling ko napapahiya na ako sa mga kaibigan ko pati na rin sa sarili ko. Despite the first move I already made, ako na ulit lumapit sa kanya nung grad party kasi nagseselos na pala siya sa bestfriend ko. That night, we ended up staying at my friend's house with our classmates and barkada. Yun din yung time na naayos kami, thank God.
Days passed, nag-bakasyon na kami, halos text na lang communication namin. Okay lang, wala namang problema kasi nakakausap/nakakatext ko naman siya. Until one day, bigla siyang hindi nagre-reply sa texts ko. Nor he's answering my calls. Kausap ko noon mga kaibigan niya na hindi rin niya kino-contact.
What shocked me was, noong nag-text siya ulit... nakipag-break ang loko. -_- He told me na nalaman ng parents niya at ayaw ng mga yun na magka-girlfriend siya. Sabi ko sa sarili ko: "Wow!" Sobrang nagalit ako pero hindi ko sinabi sa kanya. I told him it was okay when it was not. Nasa akin man simpatya ng lahat ng kaibigan namin, nagalit pa din ako. Para siyang hindi lalaki. Nakakaasar. Btw, ginawa niya 'to before our first monthsary.
Don't get me wrong, I did loved him. Nasaktan din naman ako pero lumamang yung galit at hiya. Maybe, pride? ganyan. After that, nagpaparamdam pa rin siya. Akala ko nga magkakabalikan kami, but no. Those 'I love you's' after the break up was what caused my pain. He loved me but did not have the balls to fight for me! Kaya tinigilan ko na ring magparamdam/mag-text sa kanya. What's the use naman di ba? It's not as if tatapang siya para ituloy namin kung ano meron kami. So yeah, for the past two years, kapag nagte-text siya nire-reply-an ko, nagpapahaging siya na gusto niyang maging kami ulit. I just shrugged it off kasi choice ko ang magpaka-single. Freshman college student eh, sine-savor ko pa yung moment. Pinagbigyan ko na rin sarili ko na kiligin sa ibang guys. Siya? He did not make it to college dahil sa financial status ng family nila which is for me is ridiculous kasi ang dami namang murang college pero pinipilit niya dun sa isang school kumuha ng course na alam kong hindi niya gusto at lalong hindi niya forte.
Then recently, out of nowhere, he texted me, kung pwede daw bigyan ko sya ng chance ulit. Para maparamdam nya na mahal nya ako. Then I agreed, basta ayako lng ng kagaya dati. This time I want an effort from him. As in effort.
NAG-BACK OUT SI KUYA. Doon na ako nainis. Two years, nothing had changed! Effort lang naman hinihingi ko aayaw na siya. Nung kami pa, effort ko lahat yun!
Pero wala eh. Hindi niya kaya.
I know I deserve more than what he's giving. Pero natuliro rin ako kasi, if he cannot, will not exert an effort.
Pag-iinarte:
"Will there be another guy who's willing enough to do it for me?"
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.