Propayl ng NAG-IINARTE:
Alyas: Boy Patotski
Gender: Male
Age Bracket: 16-20 years old
Location: Province
Eksena:
"May Girlfriend po ako, okay naman kami. Lagpas 1 year na yung relasyon namin. Okay naman ang lahat kahit nung estudyante pa kaming dalawa. Pero ngayon po kasi graduate na ako. Sya nagaaral pa rin. Sa Manila na sya nagaaral, lumipat na rin sila sa Laguna ng pamilya nya. Ako dito sa Probinsya. Kahit magkalayo kami, okay naman kaso hindi na kami katulad ng dati. Kasi busy na sya sa studies nya. May thesis kasi sila. Kaya bihira na kaming magusap. Tumatawag pa rin naman sya kung minsan, pero hindi na katulad ng dati na halos araw-araw kaming nag-uusap. At kapag may pagkakataon sya, ginagawan nya ng paraan para lang tumawag sa akin. Naiintindihan ko naman sya kasi dahil nga sa thesis nya. Ganun din naman ako dati, nung sa thesis ko, naintindihan nya ako. Pero bakit ganun, parang hindi ko kaya ung sitwasyon namin? Sabi nya magtiis lag daw ako. Hanggang matapos lang ang thesis nya. Hintayin ko daw sya, yun lang ang pakiusap nya. Ayaw nyang maghiwalay kami, kaya hintayin ko lang daw sya. Para din daw sa amin yung ginagawa nya. Pero sa sitwasyon namin ngayon parang ang hirap. Nasanay ako na nag-uusap kami araw-araw. Nasanay ako sa kanya. Dahil sa wala syang sapat na oras para sa akin, may isang chat website akong natuklasan. Sumubok akong makipagkaibigan kung kani-kanino, lalo na sa mga babae. Hanggang sa makipagflirt na rin ako sa kanila. Wala lang, pampakilig lang sa araw-araw habang wala si Girlfriend. Alam ni Girlfriend na ako yung taong hindi mauubusan ng finiflirt. Tanggap nya yun. Sa lahat ng naging girlfriend ko, sya lang ang nakatanggap non, sumuko na sya sa tigas ng ulo ko. Pero kahit naman ganun, sya lang yung mahal ko. Alam nya rin yun. Sya lang yung mahal ko."
Pag-iinarte:
PANO NA TOH? MAHAL NA MAHAL KO SYA, PERO HINDI KO KAYA NG HINDI KO SYA PALAGING NAKAKAUSAP?
Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:
Unang una sa lahat, sayang ka, sayang kayong dalawa. Hindi na kayo bata ng girlfriend mo. Future nyo na ang nakasalalay sa panahon ngayon. Ramdam ko na masaya naman kayong dalawa eh, kung hindi ka lang umaarte dyan. Wala naman kayong prblema eh, hindi mo problema na malayo sayo ang girlfriend mo. Sinabi nyang maghintay ka, oo mahirap maghintay. Pero kung may hihintayin ka naman bakit hindi di ba? Hindi ka naman pinapaasa sa wala ng girlfriend mo sigurado ako. Dahil sabi mo nga, ginagawan nya ng paraan para lang tawagan ka pag may pagkakataon. Buti pa sya, kahit naging long distance kayo, kinakaya nya, eh ikaw? Pagninilandi ang naisip mong solusyon sa mga oras na hindi kayo maaaring magkausap.
Pangalawa, kung makaarte ka akala mo naman may pinalit na sayong iba yung girlfriend mo. Hoy. Nagaaral lang sya, makapagemote ka dyan, Isipin mo nga, ginagawa nya yan para makatapos sya. Dapat mo sigurong malaman, kapag nasa relasyon ka, wag kang makikipagkompitensya sa pagaaral. Isa yan sa pinakamahalaga. Wag mong gagawing problema ka ng girlfriend mo dahil masyado syang busy sa thesis. Hello? Future nya nakasalalay sa pagaaral nya. Tama bang maging ugali yan? Swerte ka nag eh, THESIS ang kaagaw mo sa atensyon ng girlfriend mo. Hindi IBANG LALAKI. Magpasalamat ka naman.
Tungkol sa pakikipagflirt mo, mag-isip isip ka. Ginagawa mo yan dahil walang oras sayo nag girlfriend mo. Matauhan ka nga. Konting pag-aalala naman sa kanya. Sa mga panahon na iakw nagninilandi, ung girlfriend mo nandun nagpapaitim ng eyebags. Habang ikaw kinikilig-kilig sa mga finiflirt mo, ung girlfriend mo nanginginig na sa gutom dahil hindi pa kumakaen sa kakagawa ng lintik na thesis. Habang ikaw nagpapakasaya, sya halos sumabog na ang utak kakaisip sa pag-aaral nya. Habang iakw ibang babae ang kinakausap hindi mo alam kung gaano ka nya ginugustong makausap. Konting hiya naman sa girlfriend mo. Ikaw dyan makapagnilandi wagas.
Isa pa, hindi solusyon ang pakikipagchat sa iba para mapawi ang pagkamiss mo sa mahal mo. Kung mahal mo talaga sya, dapat hindi mo un ginagawa. Kahit namimiss mo pa sya. Magpakabuti ka na lang kahit wala sya, irespeto mo sya kahit wala sya sa tabi mo. Makonsyansya ka sana.
Kung gusto mong magtagal kayo, hindi lang dapat sya ung lumaban para sa inyo. Sa kabila ng pinagdadaanan nyo, imbes na gumawa ka ng bagay na ikasisira nyo, subukan mo, ay hindi gawin mong kapakipakinabang nag mga oras na wala sya. Sa panahon na hindi kayo magkasama at tanging usap sa telepono lang ang meron kayo, sabihin mo na lahat ng bagay na nilalaman ng puso mo. Yung mga totoong nilalaman ng puso mo. Magtiwala ka sa sinabi nyang maghintay ka, dahil paniguradong sinabi nya un dahil may pangarap sya para sa inyong dalawa.
Huling Payo..
Ikaw ang mag-adjust para sa inyong dalawa, kung talagang mahal mo sya hindi mo naman talaga kailangan ng advice eh. Dahil alam na yun ng puso mo kung papaanong suporta ang dapat mong ibigay sa kanya. Kusa mo un mararamdaman. Bigyan mo rin ng halaga yung effort na binibigay nya na kahit nagthe-thesis sya naglalaan pa rin sya ng oras para magkausap kayo. Ikaw ung nagbibigay ng lakas sa kanya, kaya dapat iparamdam mo na nandyan ka lang para sa kanya. Be strong for her, for the both of you, like what she's been doing. Konting sakrispisyo lang, tulad na rin ng pagsasakripisyo nya.
Maging INSPIRATION ka sa kanya, kaysa makadagdag sa PERSPIRATION nya sa pag-aaral.
*******
Sa lahat ng katulad nya ang problema, mag-isip isip na kayo. :)
Naway nakatulong ako kahit papaano. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/3988339-288-k764619.jpg)
BINABASA MO ANG
Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)
HumorHindi ito ON-GOING SERIES o ONE-SHOT STORY. Ito ay para sa lahat ng nasasaktan. Feeling nasasaktan. Asyumero/Asyumerang nasasaktan. SAYO ANG KWENTO, SA AKIN ANG PAYO.