Umaarteng Puso No.12: Sweety Tweeny

342 7 2
                                    

Propayl ng NAG-IINARTE:

Alyas: Sweety Tweeny

Gender: Female

Age Bracket: 13-17 years old (she gave her own age bracket. LOL)

Location: Province

Eksena:

"May ex ako na hanggang ngayon, mahal ko pa din. Pero hanggang magkaibigan na lang kami.

Naging kami ng ex ko nung Feb. 14 last year. Eh syempre malapit na din yung bakasyon nun so matagal din kaming hindi nagkita, through texting & video chats lang kasi nagout of town din sila. So, habang kami nung bakasyon, may nanligaw sa akin, si Boy 2, syempre, mahal ko si Boy 1 who happened to be my ex kaya hindi ko sinagot si Boy 2. Maghihintay na lang daw si Boy 2. E di yun, nalaman ni Boy 1 na nanliligaw si Boy 2. Nag away sila through texting. Kaya nilayuan muna ako ni Boy 2 para wala ng gulo.

Then, dumating na yung day na pasukan. Syempre maaga akong pumasok para makita ko na si Boy 1. Pero nakakadisappoint yung day na yun kasi hindi man lang niya ako pinansin. Yung gift niya saken pinaabot niya lang sa kapatid niya. Nakakainis diba? Kahit dumaan ako sa harapan niya, dedma lang. HIndi katulad ni Boy 2 na naggri-greet saken tuwing madadaanan ko siya.

One day, may meeting kami sa club namen, si Boy # kasi ang President dun sa club eh. Tapos, pinagawa kami ng essay ng moderator ng club. E di syempre ako naman magaling sa mga ganun kaya mag isa kong gumawa sa pinakasulok ng room. Tapos, nakita ko na lang si Boy 1 na linapitan at tinuturuan niya yung mga malalandi kong kaklase na gumawa ng essay. Syempre pinabayaan ko lang, tinuturuan lang naman diba? Pero nung break time na, hindi parin umaalis si Boy 1 sa mga malalandicious na babae, yung mga babae naman, gustong gusto nila kahit alam nila na kami pa ni Boy 1. Lumabas nalang ako para hindi ako masaktan. Ngayon, gusto kong itest si Boy 1 kung mahal nya pa talaga ako kasi hindi pa kami naguusap since pasukan. Kaya inutusan ko yung Friend ko na sabihin kay Boy1 na break na kame. Ginawa naman netong uto uto kong kaibigan. Tapos, ang sinabi daw ni Boy1 ay "Okay Lang". Masakit diba?! Sobra! kaya tinotoo ko na.

After a month, nalaman netong si Boy 2 kaya niligawan na naman ako. Syempre, gusto kong makaganti, kaya sinagot ko tong si Boy 2. Oo, rebound, pero hindi panakip butas. Minahal ko si Boy 2 noh. Tapos araw araw kaming magkasama. Etong si Boy 1 naman, laging dumadaan sa room at nakikipaglandian sa mga malalandicious na babae nanaman, samantalang kame ni Boy 2, nasa harapan lang ng classroom namen naguusap ng kung anu anong keme. Then, napapansin ko lang na sumungit at laging nagpaparinig saken si Boy1 nung nalaman niya na bf ko si Boy2.

Hanggang sa dumating ang isang araw na inamin ni Boy 1 na mahal niya pa ako at napakatanga niya daw at hinayaan niyang mawala ako sakanya. Syempre, hindi ko siya binalikan kase naiinis ako sa kanya.

Ngayon, break na kami ni Boy 2. Then, I woke up na ang hinahanap hanap ko na ay si Boy 1. But, may iba na siyang mahal.

Time is unfair.

The current situation is, Best friend na lang kami ni Boy 1. Pero ayaw akong katxt ng gf nyang malandicious. Pero nagtetext parin saken si Boy 1 ng patago kasi.. Ewan ko ang dahilan. Ayaw niyang sabihin. Then, ngayon lang nangyari toh, nag away sila ng gf niya dahil daw sa akin. Nahiya ako kaya linalayuan ko na siya pero tinadtad niya ako ng text na puro apologies. Kakausapin niya daw yung gf niya na payagan na siyang katext ako. Pero deadma lang ako kahit sobrang kilig but at the same time nasasaktan ako."

Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon