Umaarteng Puso No.16: Witty Babe

276 2 1
                                    

Propayl ng NAG-IINARTE:

Alyas: Witty Babe

Gender: Female

Age Bracket: 11-15 years old

Location: Philippines

Eksena:

"Naging close po kami ni Boy nung 2nd yr HS kami. Niligawan niya pa nga ako nun weh, pero alam kong biro lang yun. Kahit hindi niya sabihin alam ko, sobrang sweet niya nun eh. Pinipigilan ko yung sarili kong ma-fall sakanya dahil alam ko namang pinaglalaruan lang ako. Pagkatapos nung ligawan portion na yun, back to normal ulit. Hanggang sa naging 3rd yr na kami.

Naging mas super close na kami this time. Sinasabihan niya ko ng mga secret niya. Then, niligawan niya ulit ako. Nakakainis kasi parang gusto niya lang akong painlabin tapos gagawin lang akong tanga. Kahit na alam ko yung mga past niya at alam kong hindi siya ganung tao, may doubt pa rin sa sarili ko. Beb pa yung tawagan namin nun, sinabi ko na rin na hindi ko siya mahal kaya tumigil na siya. Saka bata pa ko. BASTA LAHAT NA NG PALUSOT NASABI KO NA.

Then sakto nung tinanong ko siya kung pwede ko siya maging kuya pero echos ko lang yun, hehe at kapag may nanliligaw sa akin ay sa kanya ako lalapit. Sasabihin ko sa kanya kung ano tingin niya. Nanligaw yung crush ko sakin. Kinwento ko sa kanya yun tas ayun hindi na siya nagtext sakin. EVER.

Back to normal ulit. Hindi naman naging kami nung crush ko. Tapos nung mga bandang magbabakasyon na. So feeling ko pinatamaan niya ko sa mga simpleng bagay na sinasabi nya.

Feel ko po talaga eh. Hayyyy. Then bakasyon na po. Nagulat po ako kasi puro love quotes yung GM niya. So tinukso ko siya. Tas nalaman kong may liligawan pala siya. Pinakilala niya sakin , binigay sakin yung number, text ko daw tulungan ko daw siya. Nakakainis nga eh. Para bang nananadya siya. Pero hindi naman kasi ako nagpakita ng motibo na may gusto ako sa kanya, as in NEVER. Tas po ayun, napagselos po namin yung girl na nililigawan niya, which is kinatuwa ko. Nakakatuwa na nakakaselos din, kasi yung girl yung susuyuin niya, at hindi ako. :(("

Pag-iinarte:

"Anu po ba to? Mahal ko po ba yung tao? Anu pong gagawain ko? Gulung-gulo na po ako weh."

Ang Payong Kaibigan, May Halong Personalan:

Hi girl! Bungad lang haha. Game, ayoko na ng echos, wala ako sa mood umaarte ng bongga, very very light lang. Charot! :P

Okay, nagmatigas ka teh? Eksena naman yan. Kunwari ayaw-ayaw? Eto na naman tayo sa salitang Tiwala. :/ nasaktan ka na ba ng bonggacious dati? Bakit ayaw mong magtiwala? Hindi naman porke may past na sya dati na nanloko or nangtrip ng isang babae dati, gagawin na nya ulit yun pagdating sayo. Iba-iba naman ang tao, hindi tao pare-parehong ugali. Sa ginawa mo, para mo na ding sinabi na hindi ka kaseryo-seryoso. Dahil paano pala kung gusto nyang magkaroon ng serious relationship with you, pero hindi mo sya binigyan ng chance. Para mo na ring sinabi na hindi sya katiwa-tiwala, kasi kahit kakaonting chance lang na maging kayo, hindi mo rin sya binigyan. Sasabihin mo sa akin na nagpaligaw ka, binigyan mo na sya ng chance. No, it’s not. Oo nagpaligaw ka, pero hindi kasi lahat ng nagpapaligaw, 100% sure na sasagutin na ng babae. Kaya nga may panahon ang panliligaw, sana binigyan mo sya ng sapat na panahon para patunayan ung sarili nya sayo. Hindi yung agad-agad may pagdududa ka na sa kanya, mahirap yun ah.

Pagdating sa moment na naging Kuya-Kuya mo sya, SM ka din eh, simpleng makatetchiwa. :/ eh strategy nating mga babae yun eh! Para mapalapit sa lalaking gusto mo, para may special connection. Gagawa ng tawagan at ng mga sweet endearments. Gagawa ng mga secret-secret chuva. Ginawa ko na din yan dati eh, :/ Lols, naging Jowa ko pa. hahaha hindi lang once, hindi lang twice. Kundi thrice na yan nangyari sa akin, kaya basing-basa ko na yang mga ganyang eksena. Pero ung pang thrice pala, sya na yung boyfie ko ngayon, my better half. Ahihihi hi Baby! Lols, simpleng bati :D

Pero ang masaklap lang na part sa ganyang closeness chuva, yung ayan, magsasabi at magkwekwento ng kanya-kanyang love life. Naglolokohan lang kayo eh. :/ bakit kasi kailangan pang ikwento yun, makakasakit lang ng damdamin eh. Simpleng paselos effect yung ganyan, alam na alam ko na yan eh. Alam mo na nga yung maaarign mangyari ginawa pa, alam mong niligawan ka nung tao, tapos magkwekwento ka ng about sa nanliligaw sayo. Kung hindi ka ba naman bastos. :/ sinampal mo sya ng malakas na kamehame wave sa ginawa mo, hindi mo alam. Ay hindi, alam mo un. :/ pero ginawa mo pa din. Matuto tayong makiramdam at makiaalam sa nararamdaman ng iba, maging sensitive pa din. Hindi porket okay na kayo, yun nay un, tandaan, niligawan ka nya at hindi mo sya sinagot, matutong gumalang sa nararamdaman nya. Mamili ng mga dapat lang na bagay na kinukwento sa kanya.

Wag kang asyumera sa simpleng parinig lang teh, paano kung sinasabi nya lang yun para may masabi sya? O kaya feel lang din nyang sabihin? Wag ka nga dyan. :/ sa mga love quotes nya, wag ka na ding nangaasar, tignan mo bumalik sayo. Haha nalaman mo pang may nililigawan na sya :P ano ka ngayon? Kahit na napagselos nyo yun, the fact na may napansin syang ibang babae para pagaksayahan ng oras, un na un. Kahit na halimbawa sabihin natin ginamit nya lang yung babae, halimbawa lang ha? Para lang maging close kayo ganyan, or maging magjowa effect kayo, the mere fact na nililigawan nya ung girl, wala na teh, minus ganda points ka na. Bawing-bawi na sya sa ginawa mong maging Kuya mo sya at sabihan ng mga drama mo sa buhay. Naramdaman mo na din yung naramdaman nya nung mga panahong ang manliligaw mo ang bida sa mga kwento mo. Sakit di ba? Dagdag pa? gusto mo pang masaktan? Lols. Gusto mo? Gusto mong gumulong? Lols part II.

Huling payo….

Hindi ko masasabing gusto mo sya, or mahal mo sya. Siguro nasanay ka lang na noon ikaw lang yung napapansin nya, naclose kayo. Kasi tulad ng sabi mo, wala kang pinakitang motibo sa kanya na mahal mo sya. Kasi ang isang tao, kahit anong ayaw nyan magbf/gf, kung gusto naman nya ang isang tao, hindi nyan mapipigilan magresponse sa mga acts ni boy or girl. Siguro ikaw, you like him pero hindi pa nasa love. Nagseselos ka, kasi dati ikaw lang ung nabibigyan nya ng atensyon. Tapos niligawan ka pa nya ulit, so nanduon ung feeling na alam mong ikaw lang yung gusto nya. Na hindi sya tumigil na magustuhan ka kasi naulit ung panliligaw nya, pero sa sumunod na pagkakataon binasted mo ulit sya. Saklap lang.

Or pwede ding mahal mo talaga sya, in denial ka lang talaga. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo na gusto mo sya kaya pilit mong sinasaksak sa utak mo na ayaw mong sagutin sya dahil sa mga doubts mo sa buhay. Mas pinatatalab mo kasi yang pinagsasabi ng utak mo, kaysa sa pwede mong maramdaman na pagmamahal sa kanya. Subukan mo kayang puso mo naman ang paganahin? Kasi pakiramdam ko, kung puso mo ang gagana, mas magiging masaya ka. Hindi complicated na ganyan. Pero hindi ibig sabihin hindi mo na gagamitin ang utak mo, syempre dapat balanse lang. Para hindi ka din naman magsisi sa huli. Subukan mo kasing magtiwala sa nararamdaman nya, sa mga sinasabi nya, subukan mo lang. Pero hindi ibig sabihin na sinubukan mo, hanggang subok na lang. Kapag nagwork out, continue lang. Kaso, sana hindi na huli ang lahat para sa inyo, malay mo may pangatlong pagkakataong pang ligawan ka nya. Bata pa naman kayo eh, marami pang pwedeng mangyaro. Makinig ka sa nararamdaman mo, subukan mong buksan ang isipan mo. Kasi minsan hindi pwedeng puro utak-utak lang, hindi mo dyan makukuha ang tunay na ibig sabihin ng kaligayahan. :)

Mas maganda ang ngiti mo kapag nagdesisyon ka ng gamit ang puso, kaysa sa utak mo na pinilit mo lang naman ang sarili mo.

*******

Go Girl! :D

Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon