Umaarteng Puso No.10: Checky Chic

427 9 7
                                    

Propayl ng NAG-IINARTE:

Alyas: Checky Chic

Gender: Female

Age Bracket: 16-20 years old

Location: Spain

Eksena:

"May bf ako ate, 3yrs na kmi sa 23. 3rd bf ko po sya, this time mas nag iingat na ako kasi naranasan ko na BUMITAW (1st bf kasi ayw pa ng parents ko before) at naranasan ko nading BITAWAN/MAIWAN (2nd bf, kasi diko dw npalitan sa heart niya ung 1st love niya, 1yr po kmi). So I really want this relationship to last forever. Nagstart kmi after HS, 1yr kmi sa stage na getting to know MORE (kc classmates naman kami from 2ndyr to 4thyr HS pero di kc kami close kasi siya pinagselosan sya ng 2nd bf ko na classmate din naming that time), courting at MU. Naging classmates din kami ng one sem sa Baguio, tapos lumipat na ako sa province naming. Pareho na kasing pumunta sa Spain si mama at si little sis ko, so kinailangan kong tirhan yung house namin. So dun ko siya sinagot after ng 1styr, 2nd sem.  Ang problema sa akin ate is that CLOSE ako sa boys, mas madali ko makagaanan ng loob ang boys plus best friends ko are boys. AND LAHAT ng pinsan ko (father and mother side) eh lalaki, kami lang ng sister ko ang rose. After 6 months, nagkaroon ako ng barkada sa barangay namin, before kasi taong bahay lng ako kaso nung nakaalis na sina mama natutong na akong gumala ng konti. Kaso kasama ko lagi pinsan kong gay.  10 Gays, 3aBoys and 4 Girls kami. Then after ilang buwan nang samahan at galaan may 1 boy na talagang MAS naging close ko, hindi ko na alam kung san nagstart yung DEVIL na tawagan nmin, siguro dahil sa pareho kaming mapang asar. Hanggang sa nakakasabay ko na rin siya sa uwian, pag ginagabi na ako, lalo pag may activities sa school, hinihintay niya ako sa sakayan.

And then medyo nagkakatampuhan kami ni bf kasi may sinasabi syang cute girl daw pagkatapos eh naging barkada na nila, tapos feeling ko may nagbabago samin. Hanggang naging madalas yung away namin, umabot pa sa point na I wanted a break up kasi naman lumalabas silang barkada hindi niya sinasabi sa akin eh alam niyang nagseselos ako sa girl na yun.

Nagkagusto kami ni Devil sa isa’t isa pero alam naming mali yun at alam din namin kung hanggang saan lng kami, pero may sweetness MINSAN pag magksama kami.  So nung nalaman ni bf, nagalit siya, we broke up. And then si bf sabi niya iconfess ko lahat sa kanya ang about kay Devil, detail by detail so sinabi ko lhat. After that sabi niya sa akin putulin ko daw communication namin ni Devil. So ginawa ko, and then naging ok na kami ulit. He trusted me again.

Pero yung Girl na nakaclose nya, matagal na din naming pinagaawayan kasi IBA talaga yung pakiramdam ko towards her. Then eto nung Oct last yr na inamin na nga ni bf CRUSH daw niya kasi we possess some characteristics daw, Fave food, fruit, same pa kaming may sakit sa puso tapos close daw kmi sa boys, ayun.  I admire his honesty PERO kasi masakit malaman na kinompare ako sa taong HINDI KO GUSTO from the start pa lang. Tapos talaagang IBA yung pakiramdam ko. I told him na kalimutan na niya yung pagka CRUSH niya sknya, kahit sino namang crush niya before ok lang sakin, IBA lang kasi itong Girl. Ang init ng dugo ko sa kanya. Then sobra na akong nagseselos, SOLID na kasi yung grupo nila, tapos kasi FLIRTY yung girl. Sobrang madikit sa boys, tapos palagi pa kay bf nagpapasama, humihiram ng jacket. Last monthsary namin, we talk for 30mins over the phone, then out of the blue tinanong ko if may gusto p rin siya sa Girl, nag OO siya, so NAGALIT ako. Kasi ang tagal-tagal na niyang crush yun, for me kasi pakiramdam ko IBA na yung feelings na yun kasi MATAGAL na.

Ang sabi naman ni bf, marami siyang crushes, pero ako lang mahal niya, na hindi siya gagawa ng ikasisira namin, and those girls eh pang mata lang dw niya, ako daw, he sees me as his wife in the future.

One day OK sa akin, the next day inaaway ko na naman si bf dahil lang sa naiinis ako sa Girl nabri-bring out ko yung tagal ng feelings na yun na meron siya for her. Sobra lang kasi akong nasasaktan pag naiisip ko si girl at yung pagkacrush nya dun. Wala naman po kaming ibang problema kundi yun lang po, yung SOBRANG pagiisip ko po, praning siguro."

Boses ng mga Umaarteng Puso (Advice Book) (CASE CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon