CHAPTER 6

23.4K 343 21
                                    


Chapter 6

Clarisse's POV

"Bakit ba kasi nagbakasyon pa 'yan dito?" inis kong saad kay Jeff. Nandito kami ngayon sa kwarto niya at nag-uusap tungkol sa sinabi kanina ni Shane.

"Ewan ko din, oh pano na 'yan? Naka-oo ka na pala sa kanya tapos magrereklamo ka jan?" sabi naman ni Jeff kaya tinignan ko lang siya ng masama.

"Ano na gagawin natin? Baka mabuking niya tayo, tsaka don't tell me dito ako matutulog sa kwarto mo habang nandito 'yan? " nagpapanic na kasi talaga ako sa mga mangyayari sa mga susunod na mga araw.

"Oo malamang, dito ka na muna sa kwarto ko habang nandito siya. Maya-maya lalabas siguro yan kaya ikaw ilagay mo muna 'yung mga gamit mo sa isang closet ko jan." sabi niya. Sumimangot lang ako. Hay buhay! Bakit ba kasi ako napasok sa sitwasyon na ito? "Oh siya, maliligo na ako. Tumawag si Grandma, may pinapagawa na naman eh." sabi niya at tumayo na.

"Ok, ako din may pupuntahan." sabi ko nalang at lalabas na din sana nang bigla siyang nagsalita..

"San ka naman pupunta diba wala ka pang trabaho ngayon?" tanong niya

"May date ako eh. Sige babye~" masayang sabi ko sabay takbo papalabas at sinarado ko na ang pintuan niya.

Jeff's POV

"May date ako eh. Sige babye~" sabi niya sabay takbo at sinara na 'yung pintuan. Tatanungin ko pa sana kung sinong kasama niya, syempre 'yung boyfriend nga pala niya.

Hay, hayaan ko na nga lang siya para naman makapagliwaliw siya. At para na din hindi siya parating nandito sa bahay. Makaligo na nga lang. Nang matapos akong maligo, nagbihis na ako tsaka lumabas sa kwarto nang papalabas din si Shane mula sa kwarto niya na bihis-bihis.

"Oh? May pupuntahan ka?" tanong ko agad sa kanya

"Oo, pupuntahan ko lang 'yung bestfriend ko. Ikaw? Bihis na bihis ka ata ah?" saad niya

"Pinapapunta ako ni Grandma sa company eh, sabay ka na sa'kin?" alok ko sa kanya

"Sige." sabi lang niya

Habang pababa kami ng hagdan, naalala ko si Clarisse. Balak ko din sana siyang isabay din pero wag na nga, itetext ko nalang mamaya. Nang nakapasok na kami ng sasakyan, walang nagsalita sa amin. Ang awkwark tuloy, so I just turn the radio on.

"So san ka?" tanong ko nalang

"Ah jan sa mall lang." sagot naman niya

"Ok." sabi ko nalang at nung nakarating na kami sa mall nagsuot siya ng glasses na napakalaki bago lumabas ng sasakyan ko.

"Salamat sa paghatid, ingat!" nakangiti niyang saad bago tuluyang isinara ang pintuan ng sasakyan ko tsaka naglakad papalayo.

Shane's POV

"Hello? Where the hell are you?" tanong ko agad nang sinagot niya ang phone niya.

"I'm on my way okay? Late akong nagising, sensya." sabi lang niya

"Kahit kailan talaga late ka pa din, bilisan mo." sabi ko nalang tsaka tuluyang pinatay ang tawag.

Andito ako sa starbucks ngayon, tinext ko siya kagabi para magkita kami ngayon dito. Kailangan ko lang kasi ng makakausap ngayon. I'm really depress at hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa na si Kent.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon