Chapter 8Jeff's POV
Pag gising ko ay gabi na pala. Kaya pala ang ganda ng tulog ko kahit medyo nangangalay ako eh, maganda kasi yung babaeng tulog sa may dibdib ko.
Ramdam kong medyo basa ang dibdib ko kaya napatingin ako sa tulog kong asawa. Kaya pala, lumuluha pa din kahit nasa pagtulog. Ganun ba niya kamahal 'yung ga*gong 'yun? Ang swerte naman niya.
Bakit kaya sila nagbreak? Kawawa naman si HonKo.
Nagulat nalang ako nung gumalaw siya at bumaba na sa dibdib ko at humiga nalang sa tabi ko. Nakapikit parin ako pero hindi na ako makatulog. Nang maramdaman kong gumalaw ang katabi at umupo sa pagkakahiga saka minulat ko na din ang mga mata ko.
"Oh gising ka na din?" tanong niya sa akin ang ganda pa rin niya kahit bagong gising pero yung mata niya namumugto parin.
"Oo kanina pa, hinintay ko lang na magising ka." sabi ko nalang
*kroook
*kroook
(Tunog ng mga tiyan na gutom)Tapos nagtawanan kami..
"Hahaha gutom ka na?" tawa niyang tanong
"Hahaha, ikaw din kaya." sabi ko din
"Eh hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga eh." sabi niya
"Ano? Hindi ka pa kumakain mula kaninang umaga?" gulat kong tanong sa kanya
"Oo nga, diba nadatnan mo naman ako kaninang tanghali na nandito pa rin. Hindi pa ako bumaba nun." paliwanag niya.
"Nandito ka lang nagmumukmok? Magkakasakit ka niyan" sabi ko "Tara kain na tayo sa baba" dagdag ko
Tumango lang naman siya. Kaya tumayo na kami tsaka bumaba.Nang makarating kami sa baba ay nagulat nalang kami nang may nakaupo sa dining table habang nagbabasa ng dyaryo. Si Grandma.
Bakit nandito si Grandma? Ano na namang ginagawa niya dito? Hinanap agad ng mga mata ko si Shane dahil hindi sila pwedeng magkita dito. Patay ako kung mangyari man 'yun.
"Good evening mga apo." nakangiting bungad ni Grandma sa'min habang nakatingin sa mga kamay naming nakahawak sa isa't-isa.
"Good evening din po Grandma." bati naman ni HonKo
"At bakit ganyan 'yang mata mo iha?" tanong ni Grandma kay HonKo biglang pinisil ni HonKo ang kamay ko na parang nanghihingi ng tulong.
"Umiyak kasi siya kagabi, kasi wala ako. Namimiss daw niya ako" sabi ko nalang "Ano pala ginagawa nyo dito Grandma?" tanong ko agad sa kanya
"Sinisigurado ko lang kung nakauwi ka na talaga dito at hindi kung saan saan naman pumupunta kasama ng barkada mo and good to see you here na tulog na tulog at mukhang namiss niyo nga ang isa't-isa kaya hindi ko na kayo ginising." sabi ni Grandma
Tinignan ko si HonKo, namumula pati tuloy ako naramdaman kong umiinit din yung tenga ko. Lokong Grandma 'to, pumasok na naman sa kwarto ko na hindi kumakatok.
"Oh namumula ata kayong dalawa? May nangyari na ba? Magkaka-apo na ba ako sa tuhod?" kilig na saad ni Grandma.
"Grandma natulog lang po kami." dipensa naman agad ni HonKo
"Si Grandma talaga oh, may pagkain kang dala Grandma? Nagugutom na kami eh." pag-iiba ko ng usapan
"Oo may dala ako jan, kumain na kayo jan at alam ko namang pagod kayong dalawa eh." asar pa ni Grandma
"Grandma!" saway ko
"Nagjojoke lang naman apo eh." sabi niya "Oh siya, mauna na ako. Enjoy!" saad niya tsaka tumayo na at nagsimulang naglakad papunta sa may pintuan.
Nang nakaalis na si Grandma.. Umupo na kami sa dining table at hinanda ang mga dalang pagkain ni Grandma, ang dami! Kumain lang kami nang tahimik.
Nang biglang may nagtext sa akin.. Si Shane at ang sabi niya ay hindi daw siya uuwi ngayon. May lakad daw kasi siya.
"Hindi daw uuwi ngayon si Shane." sabi ko nalang. Hindi nagsasalita si HonKo pero tumigil siya sa pagkain niya. "Oh bat ka tumigil? Akala ko gutom ka? Tsaka kailangan mong kumain, hindi ka pa kumakain mula kaninang umaga eh." sabi ko
"Busog na ako." sabi lang niya tsaka tumayo na papunta sa kwarto niya. Pinabayaan ko nalang siya. Basta ako nagugutom, ano kaya yung sinasabi ni Shane na lakad niya? Saan kaya 'yun? Hindi man lang niya sinabi kung saan.
Clarisse's POV
Pumunta nalang ako dito sa kwarto ko. Nakakainis lang kasi eh, ako yung nandito na alam niyang may problema tapos iba yung hinahanap niya? Nakakawalang gana lang diba?Binuksan ko yung laptop ko at naiiyak na naman ako, wallpaper ko lang naman kasi 'yung pics namin ni Mikael. At tinignan ko lahat ng mga pics namin at hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko. Tumutulo na naman. Huhuhu, ganito pala kasakit. Mahal ko eh.
Pinanuod ko lang yung mga videos namin. Paano ako makakamove on kung siya parati ang nasa utak ko?
Kakausapin ko sya bukas. Itatanong ko lahat ng gusto kong itanong at mga gusto kong malaman kahit masakit pa ang isasagot niya. Kakayanin ko!
To: Mikael
Mag usap naman tayo oh.... Sa starbucks bukas, 5pm.. maghihintay ako...
Message sent..After 1 hour akong nakatunganga sa cellphone ko para hintayin ang text niya pero wala hanggang sa nakaramdam ako ng gutom. Kailangan ko na talagang kumain ng tama.
Kaya naman bumaba ako para kumain ulit. Pagkababa ko ay wala ng Jeff. Kaya kumain nalang ako. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na ang aking pinagkainan tsaka lumabas sa may garden para mag pahangin bago matulog.
Naglakad-lakad ako, at nang napagod na tumigil ako pero nakatayo parin ako kasi walang maupuan. Tumingin lang ako sa langit..
"Wow! ang daming stars. Sana isa nalang ako sa kanila, para hindi na ako nahihirapan ng ganito." kausap ko ang sarili ko
"Sino bang nagsabing hindi nahihirapan ang mga stars?" nagulat nalang ako sa nagsalita sa may likuran ko. Napatingin ako, at nandun si Jeff na nakatayo din habang nakatingala.
"Kanina ka pa jan? Tsaka pano mo naman nasabi na nahihirapan sila?" tanong ko lang.
"Oo kanina pa ako, sinusundan kita eh. Pano ko nalaman? Ewan ko din, yun yung alam ko eh." sabi niya at lumapit sa akin
"Sira ka talaga bakit mo naman ako sinusundan?" tanong ko
"Ewan ko din, yun 'yung ginawa ng mga paa ko eh." seryoso niyang saad. "At sabi din ng puso at utak ko na kailangan ng asawa ko ang comfort ng mister niya." dagdag pa niya. Anong nakain netong lalaking 'to?
Nagulat nalang ako nang yakapin niya ako mula sa likod ko sabay sabing..
"Ganon mo ba siya kamahal at nagkakaganyan ka?" saad niya ulit. Ano ba nangyayari dito?
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko din alam ang sasabihin ko. Ganon ko ba talaga kamahal si Mikael at nagkakaganito ako?
"Hayaan mo na sya, nandito naman ako eh. Tutulungan kitang kalimutan siya." sabi nya at hinarap nya ako sa kanya at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa mukha ko at... hinalikan niya ako sa labi..
It was a gently soft sweet kiss ever..
After a seconds.. Naghiwalay na kami at parehas na hingal. Bakit niya ginawa 'yun? At bakit ako nagrespond?
----
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩
Romance♣Hanggang kontrata nalang ba sila? O mauuwi din sa totoong pagmamahalan?♣ -----