CHAPTER 39

13K 195 3
                                    


CPFH 39

Shane's POV

It's been a week mula ng dumating si bespren pero hanggang ngayon ay hindi pa din kami nagkikita kasi parehas na busy. Tinatanong niyo kung anong nangyari sa date namin ni Michael? Ayun okay naman, ang daldal niya at isip bata. Kung ano-anong kinukwento sa'kin pati ba naman nung tinuli siya. Ano naman paki ko doon diba? At marami pang iba na mukha nga siyang baliw na kwento ng kwento wala naman akong tinatanong.

Nandito pala ako ngayon sa aking condo kasama si baby Josh na naglalaro.

*ring*ring*ring*ring

"Hello?" bungad ko

(Bespren nakakatampo ka na ah, lumipat ka na pala ng condo hindi mo man lang sinabi sa'kin.) sabi niya

Eh kasi nga diba nandun ako dati sa condo niya nakatira pero nung nagbakasyon ako sa Tagaytay at bumalik dito sa Manila. Naisip kong lumipat sa mas malaking condo dahil hindi nalang ako ang titira kaya yun. Hindi ko na nasabi sa kanya kasi bihira naman siyang tumatawag.

"Ah oo lumipat na ako." sabi ko nalang

(Nakakatampo ka na ah, nandito pa man din sana ako sa DATI MONG CONDO at may dalang pangdinner.) sabi niya. HUH? At buti nalang talaga lumipat na ako.

"Ikaw din naman nakakatampo ka ah. Tumatawag ka lang pag may kailangan ka." sabi ko din.

(Ouch naman bespren. Hindi naman ah busy lang talaga ako, so asan ang bago mong condo at pupunta ako jan dahil sayang naman 'tong dala kong pagkain na dala ko.) saad niya

HUH? Anong sasabihin ko? Syempre magpapalusot na naman. Hindi pa kasi akong handang sabihin sa kanya.

"A-ah ano kasi na-nasa photoshoot ako ngayon, mga 1 week kami dito sa Palawan eh." sabi ko nalang. Hay, buti nalang gumana agad ang isip ko.

(Ahy ganun? Sige, ingat ka nalang jan sayang naman 'to tinake-out ko. Kanino ko naman 'to ibibigay?) tanong pa niya

"Kainin mo nalang o kaya ibigay mo nalang sa mga bata jan sa kalsada. Sige mag-uumpisa na ulit kami." sabi ko nalang saka binaba.

Hay, mukhang hindi ko pa kayang sabihin sa kanya. Hindi ko na ulit kayang masaktan dahil hindi lang pala ako ang masasaktan pati na din ang anak ko. At hindi ko kakayanin 'yon

"Mommiieee, gutom na ako." sabi ng anak ko, sabi sa'inyo eh marunong ng magsalita si Josh Hihi.

"Sige baby wait lang ah, papaluto tayo kay Nay Rose." sabi ko naman at nagpaluto na kay Nay Rose ng makakain namin.

*tweet*tweet* may nagtext?

From Michael
gudevening babe, may lakad ka ba bukas? Labas naman tayo oh!

'Yan na naman siya, ang kulit-kulit niya grabe at may kumalat pa sa internet na we are dating daw. Eh pa'no ba naman kasi sikat pala talaga siya sa larangan ng modeling at may fansclub ang loko dahil soccer player din pala siya, oh san ka pa? Kaya naman dineny ko nalang at iniiwasan ko na siya at baka mamaya awayin pa ako ng mga fans niya mahirap na.

Hindi ko nalang siya nireplyan.

"Mommy bat wala akong daddy?" biglang tanong ni Josh kaya bigla akong napatingin ako sa kanya at san naman niya nakuha yang tanong na yan?

"Ah kasi wala siya eh." sabi ko nalang natuto lang magsalita, kung ano-ano naman nang tinatanong.

"Kachi Mommy yung napapanuod kong mga bata may Mommy at Daddy, bakit ako mommy lang?" hay yan ang nakukuha niya sa kakapanunuod eh.

"Ah kasi baby ko busy ang Daddy mo, makikilala mo din siya pagdating ng panahon. Tara let's eat na?" tanong ko nalang saka siya binuhat.

"Hmm bigat mo na baby ko." sabi ko

"Lili? Pabuhat mo din kachi ako cha Daddy ko Mommy." sabi niya.

"Ahy hindi ka naman mabigat eh, joke lang yun." bawi ko din

Kumain na kami at pagkatapos kumain ay natulog na.

Clarisse's POV

"Really Ma? So kailan ko makikita?" excited kong tanong kay Mama.

Yung hiling ko kasing boutique kay Mama mukhang matutupad na. Hihihi!

"Hmmm, as of now ay ginagawa palang siya. So by next month siguro tapos na yun. Hopefully!" sabi naman ni Mama.

"Yehey, thanks Ma. I love you, so san ang location niyan?" nakangiting tanong ko pa din.

"Sa Philippines? Actually sa tapat ng building ng Perez Corporation" sabi ni Mama na nakangiti. Yung mga ngiti ko kanina ay unti-unting nawala at napalitan ng nganga.

"What? Why there?" yan lang ang nasabi ko

"Anong what why ka jan? It's time for you to face your life, your true world anak. Marami kang nakaraan na dapat pang ayusin at panahon na para ayusin mo. Binigay ko na sa'yo ang gusto mo at sana makatulong 'yon para sa'yo." sabi ni Mama

Kaya sa huli ay tumango nalang ako. Yeah, it's time for me to face my true world.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon