CHAPTER 52

12.2K 182 0
                                    


CPFH 52

Jeff's POV

It's Sunday today at nandito lang kami sa bahay ni HonKo. Pero pansin ko sa kanya na mukhang may problema siya. Pero hindi ko nalang pinapansin o tinatanong. Gusto ko kasi siya ang magsabi sa'kin. Kahapon pa siya ganyan, mula nung dumating ako dito sa bahay ganyan na siya. Laging tulala na parang may malalim na iniisip at panay ang buntong hininga.

Nanunuod kami ngayon dito sa sala ng comedy pero ako lang ang tumatawa, mukha naman akong ewan neto eh.

"HonKo? Are you okay?" tanong ko ulit sa kanya kaya tumingin naman siya sa'kin at tumango at ngumiti pero halata namang pilit yun.

"Is there any problem?" tanong ko saka siya inakbayan.

"Wala. Pagod lang siguro ako." sabi lang niya. Pinatong naman niya yung ulo niya sa balikat ko.

"You know, sabi nila pag may nililihim daw ang isang tao pumapanget daw siya." biro ko sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin habang naniningkit ang mga mata..

"Okay I'm just joking. Pero kung may problema ka kahit ano pa man yan. Makikinig ako sa sasabihin mo, andito lang ako para sa'yo HonKo, mahal na mahal kita tandaan mo yan." sabi ko saka siya niyakap.

"Wala nga sabi eeeeh." sabi naman niya tapos niyakap din ako. Ang bango naman ng leeg ng asawa ko kaya hindi ako makapagpigil eh. Hinalik-halikan ko lang ang leeg niya..

"Je-jeff." sabi lang niya.

"Anong sabi mo?" lokong tanong ko at hinalik-halikan ulit.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong naman niya habang ako patuloy lang sa paghahalik ko sa leeg niya.

"Ahem, mukhang susunod ka naman pala sa'min kuya eh." rinig kong may nagsalita sa likod. Kaya naman napatayo kaming dalawa ni HonKo.

Yung kapatid ko lang naman kasama sina Grandma, Mom at Dad.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi man lang ba kayo marunong kumatok? O mag-doorbell?" inis kong saad sa kanila.

Napangiti lang naman sila.

"Kanina pa kaya kami kumakatok at nagdo-doorbell. Eh hindi naman pala naka-lock. Naku apo mag-lock kasi kayo para okay lang kahit anong gawin niyo dito sa bahay niyo." sabi ni Grandma

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" tanong ko ulit.

"Wala lang, sabi ko sa kanila bibisitahin kita tapos yun sumama din sila. Gusto din kasi nilang makilala ang asawa mo." sabi ulit ni Grandma.

"Hi Miss beautiful, long time no see. How're you?" tanong ng kapatid ko

"Okay lang naman, hehe. Kaw talaga musta naman ang mag-ina mo?" tanong naman ni HonKo at napakamot naman ng ulo 'tong kapatid ko.

Ng biglang...

*ring*ring*ring

"Speaking. Excuse lang ah." sabi nya at lumabas ng pinto

"So it's true, you're already married. Hindi mo man lang sinabi sa'min anak." sabi ni Mom

"Yes we're married, I tried to tell you but you're always busy anyway. Pa'no ko naman masasabi diba?" sabi ko nalang

"Ahy nagpadeliver pala ako para may pagkain tayo. Alam ko naman kasing biglaan 'tong dalaw namin eh. Hehe. Nanjan na yun maya-maya" sabi ni Grandma.

At yun, dumating na nga agad.

Nandito na kami ngayon sa dinning table habang kumakain, yung kapatid ko wala na. umalis na, hinahanap ng fiancée. Oo ikakasal na sila next year kasi ngayong year na 'to, ako muna ulit, hehe.

"I heard that you're the owner of one of the most prestigious shop here?" tanong ulit ni Mom kay HonKo

"Yes po." sagot naman ni HonKo

"So, kumusta naman? Sabi nila, marami daw talagang nagshoshop dun gusto ko tuloy mapuntahan." sabi naman ni Mom.

Ngumiti lang si HonKo "Kung gusto niyo po samahan ko po kayo anytime." nakangiting saad ni HonKo.

"Thanks iha, by the way just call me Mom. Hindi ka man lang kasi pinakilala sa'min ni Jeffrey." sabi ni Mom

Ngumiti lang ulit si HonKo .

"Kaya pala patay na patay 'tong anak namin sa'yo iha eh ang ganda mo pala talaga sa personal. Gusto ko na tuloy magka-apo sa'inyo." sabi naman ni Dad.

Yan din ang gusto ko eh pero papakasalan ko muna ulit siya. Nahiya naman si HonKo sa sinabi ni Dad.

"We're working on that Dad" sabi ko nalang at hinawakan ang kamay ni HonKo.

"Naku bilis-bilisan niyo na at tumatanda na ako." sad naman ni Grandma.

At nagtawanan nalang kami..

Hanggang sa umalis na sila. Nandito kami ngayon sa kwarto namin, umupo siya sa kama at bumuntong hininga..

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ko ulit sa kanya saka umupo sa tabi niya.

Tumango lang naman ulit siya saka ngumiti ng pilit "I'm just tired."

"I love you HonKo, gawa na tayo baby." biro ko. Hinampas niya lang ako sa dibdib

"Chansing ka HonKo ah, joke lang yun. I'm willing to wait hanggang sa handa ka na." sabi ko nalang saka niyakap siya at pinahiga sa kama.

"Pa'no kung hindi na pala ako mabuntis?" tanong niya bigla habang nakayakap pa din ako sa kanya na nakahiga.

"Eh di try and try, hanggang sa may mabuo" sabi ko nalang

"Pervert ka talaga." sabi lang niya pero niyakap din ako.

Clarisse's POV

Bakit kasi hindi ko masabi sa kanya. Baka madis-appoint? Baka iwan na niya ako at maghanap ng iba.

Gustong-gusto pa naman niya na magkaanak na kami, pati na din yung mga magulang niya at si Grandma. Anong gagawin ko?

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon