CPFH side-story [I Love You Besfriend] (part 1) ShaMik

14.2K 169 4
                                    

CPFH side-story [I Love You, Besfriend] (part 1)

SHANE

Nung nalaman niya na anak nga niya si Josh, halos araw-araw siyang nandito sa apartment namin. Kulang na nga lang matulog na nga dito at tumira na eh.

Tinatanong niyo ba kung anong relasyon namin ngayon? Well, mommy at daddy ni Josh, yun lang. mag-besfriend pa din.

"Nay, sigurado na po ba kayo?"  tanong ko kay Nay Rose, kasi naman uuwi na siya. Tumatanda na daw siya at nandito naman na daw ang daddy ni Josh.

"Oo anak, alam mo naman na kami mga matatanda, mas gusto namin sa probinsya kaysa dito sa syudad."  sabi lang niya.

"Okay po, ihahatid ko na po kayo."  alok ko.

"Iha, wag na kaya ko pa naman."  sabi pa nya.

"Nay naman, kahit sa istasyon ng bus lang po."  pilit ko.

"Oo na nga, ikaw talagang bata ka mamimiss ko kayo ni Josh."  sabi niya, kaya naman kinuha ko na si Josh na nanunuod ng tv at pumunta na sa sasakyan.

Nung nakarating kami sa bus station, nagpaalam na kami. Syempre laking pasasalamat ko dyan kay Nay Rose, kaya binigyan ko din sya ng pera.

At nung umuwi na kami. Naabutan namin si MikMik na nanunuod ng TV.

"Hey buddy, san kayo pumunta?"  tanong niya, Linggo kasi ngayon kaya nandito yan.

"Nanay gone. She went back to pwovince."  utal na sabi ni Josh, nakakasalita na siya pero putol-putol.

"Ooh."  sabi naman ni MikMik saka kinandong si Josh. At ang gagawin ko lang ay magluto ng makakain namin..

"Wag ka nang magluto, lalabas tayo. Diba buddy?"  tanong niya kay Josh

"Whew to Daddy?"  tanong naman ng bata.

"Hmmm, where do you wan't? Sa mall, Star city o Enchanted Kingdom?"  tanong niya.

"Sa Kings Park."  sabi niya.

"Huh? San yun?"  tanong naman ni MikMik. Haha, hindi nya alam?

"Sa Park?"  sabi lang ni josh

Napatingin naman sila sa'kin na parang nagtatanong kung saan yun.

"Near at the JYP Resort."  sabi ko nalang.

Kaya ayun, nagpumunta na kami. Nakipaglaro, takbuhan, kilitian at kung ano-ano pang ginagawa namin sa Park.

At nung pag-uwi namin, pagod lahat.

Si Josh nga nasa sasakyan palang kami ay tulog na ito. Pati nga din ako napapapikit na din pero hindi ko hinahayaan pumikit yung mata ko.   

"Bespren, let's get married."  nagising ng tuluyan ang diwa ko nung narinig ko yun mula sa kanya.

"Ano na namang trip 'to MikMik?"  saad ko.

"Gusto kong mabuo 'tong pamilyang 'to. Lumalaki na yung anak na'tin."  sabi pa niya

"Alam mo naman ang sagot ko dyan diba?"  sabi ko lang.

"Bakit ba ayaw mong magpakasal tayo?"  tanong niya habang pina-park yung sasakyan.

"Ni hindi mo nga ako nililigawan. At hindi mo din ako mahal."  sabi ko nalang at bumaba na at binuhat ko na din si Josh papunta sa apartment namin.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon