Chapter 13Mikael's POV
Mag iisang buwan na ako dito sa Australia pero feeling ko nasa Pilipinas pa din ang utak at puso ko.
"Mikael can you get the folder I need to sign in the office of Mr. Chua? Thanks!" saad Ma'am Lim
"Sure ma'am." sabi ko at pumunta na sa office ni Mr Chua. Nang nakuha ko na ay binigay ko na agad kay ma'am Lim
"Thank you Mikael." pasalamat niya
"No worries Ma'am." sabi ko naman
Anyway si Ma'am Lim ay tumira dati sa Pilipinas at bumalik lang dito dahil siya ang heiress ng companyang ito. Balita ko nga may anak siyang naiwan sa Pilipinas eh. Yun ang sabi-sabi dito. Minsan may time na malungkot siya at ang lalim ng iniisip niya. Mabait naman si ma'am eh, parang magkaugali nga sila ni Joy eh. Hay namimiss ko lang si Joy eh.
*fast forward*
Nandito na ako ngayon sa apartment ko, I dial my bestfriend's number para may makausap ako.
*ring*ring*ring*
"Hello! Gud evening bes." bungad ko nang sagutin niya.
"Hmmm? Napatawag ka?" bagong gising pa ata ang bestfriend ko ah.
"Ahy pagod ang bes ko? At ano na naman ang pinagkakaabalahan mo?" tanong ko
"Mikmik naman, kagagaling ko lang sa photoshoot ko sa Subic at nakakapagod kaya pwede ba kung may sasabihin ka masalita ka na, makikinig ako." sabi lang niya
"Okay, napagod ka ata masyado ah. Anyway sige magku-kwento na ako dito. Alam mo namang bored na bored ako dito eh tsaka wala naman akong masyadong ikukwento eh. Kumusta na pala si Joy? Ahy hindi ko pala siya napakilala sa'yo alam mo bang miss na miss ko na siya. *sigh* May eleven months pa ako dito pero parang matagal pa ata yun ah, sige babye na parang wala naman akong kausap eh." sabi ko at binaba ko na dahil mukhang tulog naman na yung kausap ko eh.
Nagluto muna ako ng hapunan ko tsaka kumain. Nanuod ng mga ilang nimuto bago nagpunta sa kwarto para matulog.
Pag-gising ko ng umaga ay ganun pa din ang routine syempre. Breakfast. Take a bath. Then go.
Pagkarating ko sa company na tabi lang ng unit ko. Pumunta agad ako sa elevator dahil nasa 8th floor ang office namin. Pagbukas ng elevator nandun pala si Ma'am Lim na galing sa Ground floor.
"Goodmorning ma'am." bati ko tsaka pumasok na
"Goodmorning!" sabi naman niya
"ring*ring*ring
Wait! Cell phone ko yun ah. Nakakahiya! "Excuse me." sabi ko nalang at nilabas yung phone ko
"Hello?" sagot ko nagulat nalang ako nang nahulog pala yung wallet ko pagkakuha ko ng phone ko. Ano ba 'yan, nakakahiya talaga! Bakit clumsy ata ako ngayon?
Bumuka ito at nakita ang picture namin ni Joy. Napatingin din si ma'am sa nahulog kong wallet tsaka siya tumingin sakin at mukhang may ibig sabihin ang mga tingin nyang 'yon
"I'll call you later." sabi ko sa kausap ko sa phone at binaba na dahil si bes lang naman kasi 'yun.
"Is she your girlfriend?" tanong ni ma'am
"Ah ye-yes ma'am." sagot ko sa tanong ni Ma'am.
"If you don't mind, what is her name?" tanong niya ulit
"Clarisse Joy Lim" sabi ko, Lim? Magkaapelido sila?
Nagkatinginan kami ni ma'am na parang nag-uusap ang mga mata namin.
"Can we talk later in my office?" tanong niya
"Yeah, sure Ma'am." sabi ko nalang
Nang pagkalabas namin ng elevator ay sumunod lang ako sa kanya.
"What's her name again?" tanong niya ulit nang nakarating kami sa office niya.
"Clarisse Joy Lim po." sabi ko lang
"Oh my gosh! That's her. Anyway, you know naman siguro na may anak akong naiwan sa pilipinas right?" tanong niya
"Yun po ang naririnig ko sa mga empleyado dito." sabi ko nalang.
"Well totoo yun. Actually, iniwan ko lang siya sa tatay niya. Pagkaanak ko sa kanya, binigyan ko ng pangalan tsaka iniwan na sa tatay niya ni hindi ko na ulit siya nasilayan pa. Ang sama-sama kong ina. Kinakailangan ko lang naman gawin 'yun dahil itu-turn over na sa'kin itong company dati kasi nanghihina na si Daddy at wala din akong kapatid. Kaya ko 'yun nagawa. Para sa kanya naman 'tong lahat eh pero natatakot lang akong hanapin siya dahil baka pag nahanap ko siya ay kamumuhian niya ako." nangingiyak na saad ni Ma'am Lim. Tsaka anong ibig niyang sabihin? Anak niya si Joy? "Parang hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko ah." sabi niya, tsa ko binigay sa kanya yung isang box ng tissue.
"Hindi naman sa ganun Ma'am pero wala kasi siyang nakwento sa'kin tungkol sa Mama niya. Ang sinabi lang niya tungkol sa Mama niya ay iniwan siya sa tatay niya pagkaanak sa kanya. Kaya alam ko pong malaki ang galit niya sa inyo. Simula nung namatay yung papa niya, ang lungkot-lungkot na niya at mag-isa lang niyang inaalagaan ang sarili niya, buti nalang at may pinagkakaabalhan siyang trabaho niya." mahabang saad ko tsaka tumingin sa kanya habang nagpupunas ng mga luha niya.
"Oh my gosh, my baby. It's all my fault. I feel so sorry for what I had done to my family." sabi niya tsaka humagulgul ulit.
"Mikael, promise me. We will going to the Philippines next month to see my daughter." sabi niya
"Yes ma'am." sabi ko nalang
"We need to work hard to finish this business so that we can go back to Philippines next month." sabi niya, kasi may business pa kaming tinatapos at sabi nila 2 months daw bago matapos 'to pero sabi ni ma'am next month dapat matapos na daw namin.
"Sure ma'am." sabi ko nalang
Wait for me Philippines. Wait for us Joy!
Sabi ko na nga ba eh. Pagkadating ko palang dito at nung nakita ko si Ma'am Lim. May pagkahawig kasi sila at magkaugali sila ni Joy kaya ganun siguro ang tingin ko.
I can't wait for the coming month sana bukas na ang alis namin, hehehe. Wooooh! Magkikita na kami ulit ni Joy.
Here I come Joy, wait for me.
----
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩
Romance♣Hanggang kontrata nalang ba sila? O mauuwi din sa totoong pagmamahalan?♣ -----