Chapter 33Mikael's POV
It's been 2 years. Yup! 2 years na ang nakalipas. Madami nang nangyari sa panahong 'yon. (A/N: malamang! Hahaha)
Bale nandito pa rin kami sa company ni Ma'am Lim dito sa Australia, oo sumama talaga si Clarisse. Habang ako naman syempre patuloy pa din ang panliligaw ko kay Joy pero hindi niya ako pinayagang manligaw pero ako lang talaga itong mapilit.
Si Joy na nga pala ang successor ng companyang pinagtatrabauhan ko
"Joy can we go out tomorrow? Wala namang pasok bukas eh." tanong ko.
"Mikael ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na itigil mo na 'to tsaka may gagawin ako bukas." sabi niya
"Friends naman tayo diba? Hindi ba pwedeng friendly date lang?" tanong ko ulit.
Sinusundan ko siya ngayon habang naglalakad papunta sa office ni Mama niya.
Tinignan lang niya ako ng masama "May gagawin nga ako bukas diba?" pagsusungit lang niya.
"Okay okay, samahan nalang kita tapos kain tayo sa labas pagkatapos?" tanong ko ulit
"Ewan ko sa'yo, jan ka na nga." saad lang niya saka pumasok sa opisina ng Mama niya.
"Uy sunduin kita bukas ah, sasamahan kita." sabi ko nalang nung nakapasok na siya.
Clarisse's POV
"Hi Ma!" bati ko nang ng nakapasok na sa office niya.
"Oh? What can I do to my lovely daughter?" sabi niya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya saka ako sinalubong at pinaupo sa sofa niya.
"Wala naman hehe. Ano po pala yung ipapagawa niyo sa'kin bukas?" tanong ko
"Ahy oo nga pala may kliyente tayo. Ikaw nalang ang pupunta kasi may meeting ako bukas with the board of directors" sabi ni Mama..
"Last na 'to Ma ah pwede naman kasi si Mikael, saan daw yun?" saad ko
"Sa Telstra Restaurant, anak siya ng may-ari ng companya kaya pagbutihin mo anak." sabi ni Mama. Tumango nalang ako.
"Wala ka bang balak umuwi ng Pilipinas?" biglang tanong ni Mama
"Bat naman po napunta jan yung usapan?" tanong ko din
"Wala lang, wala ka bang balak balikan ang naiwan mong asawa dun?" tanong ulit ni Mama at ngumiti pang nakakaloko.
"May babalikan pa ba ako? Ni hindi nga tumatawag yung g*gong yun." oo na bitter na kung bitter nakakainis kasi siya eh.
"Oh-oh watch your mouth anak, bakit kasi hindi ikaw ang tumawag? Dahil ba jan sa nakita mong article tungkol sa kanya?" tanong ni Mama
"Yes Ma. Isa din yun." sabi ko nalang
Kasi nga last year may business magazine akong nabalitaan na ife-feature siya. Syempre I got so excited na basahin 'yun dahil nandun siya pero nalungkot lang ako ng nabasa ko na dahil may dinedate daw siya. Kaya ako nainis.
"Umuwi ka kaya ng Pilipinas para naman masorpresa siya." sabi ni Mama. Oo nga noh. Pwede din.
"Sige po, pag-iisipan ko po." sabi ko nalang.
Kinabukasan..
Palabas na ako ng bahay at nagulat ako dahil nandito si Mikael na nakatayo habang nakasandal sa kotse niya.
"Bat ka naman nandito? Di ba sinabi kong may pupuntahan ako?" inis kong saad. sa kanya.
"Diba sabi ko ding sasamahan kita sa pupuntahan mo and after your meeting saka tayo magdedate." sabi lang niya.
"Pumayag ba ako?" sarcastic kong tanong
"Sige naman na last na 'to uuwi na kasi ako ng Pilipinas sa Wednesday, sige na." sabi naman niya
Uuwi siya ng Pilipinas? Bat hindi ko ata alam yun?
"Oh bat ganyan mukha mo? Mamimiss mo ako noh?" lokong tanong niya
Nilagpasan ko lang siya, magtetrain lang kasi ako.
"Oh hoy, joke lang naman tara na kasi." sabi niya ulit
"Hmmm, sige na nga." sabi ko nalang saka sumakay na sa kotse niya
Nag-usap naman kami habang nagbabyahe. Uuwi kasi siya dahil namimiss na niya ang parents niya but if I know, may namimiss pang iba 'to.
Hindi naman kasi siya close sa parents niya dahil workaholic nga kasi ang parents niya kaya ganun.
Hanggang sa nakarating na kami sa Telstra Restaurant, hinahanap ko agad si Mr.Jayson pagpasok ko. Palinga-linga lang ako kasi nga hindi ko naman alam kung ang itsura niya.
"Excuse me Miss are you Clarisse Joy?" tanong nung naka uniform, nagtatrabaho dito.
"Hmm Yup." sagot ko naman.
"This way Miss." sabi naman niya sa'kin at tinuro ang daan.
Nung nakarating na kami. Wow, talagang may garden dito sa likod? At may nakita na ako na lalaking nakatalikod na nakaupo.
"There he is Miss, just go in there." sabi nung babae sa'kin
"Thank you." sabi ko nalang saka lumapit na sa kinaroroonan ng lalaking 'yon.
"Ahem.. Excuse me Sir." pauna ko.
Tumayo siya saka humarap sa'kin.
"Are you Clarisse Joy? Hello I'm Jayson Ken Perez." pakilala niya.
Jayson Ken Perez? Perez? At teka parang pamilyar yung mukha niya.
Nagshake hands lang kami.
"You look familiar." sabi ko habang nakikipagkamay.
"Yeah, you too." sabi din niya
"Oh, you were the girl at the party na natapunan ko ng drinks." sabi niya, oo siya nga si Mr. Pervert Waiter. Waiter nga ba? Eh sabi ni Mama, yung makakameeting ko ngayon ang anak ng may-ari? At wait nagtatagalog siya?
"Oh, so you were the Waiter Huh?" lokong tanong ko
"Haha, no, I mean yes." sabi lang niya saka kami nagtawanan.
----
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩
Romance♣Hanggang kontrata nalang ba sila? O mauuwi din sa totoong pagmamahalan?♣ -----