CPFH side-story [Expect the Unexpected] KrysJay

9.4K 128 2
                                    

CPFH side-story [Expect the Unexpected]

JAYSON

Sa isang iglap ay nawala ang kalayan ko. Parang binagsakan ako ng Eiffel tower dahil sa nalaman kong nakabuntis ako. Hindi pa ako handang maging ama. Hindi ko pa kayang iwanan ang kalayaan ko. Ayoko munang matali.

Pero wala akong nagawa. Ayaw ko namang ipagtabuyan siya dahil dinadala niya ang magiging anak ko.

"Hon, ano kayang magandang pangalan para sa baby na'tin?" tanong ng katabi ko.

"Isang buwan palang 'yan, ni hindi pa nga nating alam kung babae o lalaki yan eh." Sagot ko. Oo, naiinis pa din ako dahil hindi ko pa ding tanggap na may asawa na ako. Oo, kasal lang kami sa huwes pero kasal pa din 'yon eh.

"San ka pupunta?" tanong niya ng tumayo ako at dumiretso sa may pinto.

"Why do you care?" sabi ko at umalis na doon.

Pinakasal kami ng tatay niya at pinatira niya ang anak niya sa condo ko dahil mag-asawa na daw kami. Itong babaeng 'to naman ay sunod-sunod sa tatay niya or baka naman gusto niya talaga ako. Well, nanalo siya, nakasal na kami pero hindi ko siya ituturing na asawa dahil hindi ko siya mahal. Anyway wala sa bukabyolaryo ko 'yang salitang mahal.

Nagpunta ako sa bar na malapit tsaka uminom ng uminom hanggang sa malasing ako.

KRYSTAL

Hinintay ko siya hanggang sa dumating siya at inalalayan ko din papunta sa kama niya saka pinalitan.

Kinaumagahan, nagluto ako ng soup, pampatanggal ng hang-over niya saka nagluto na din ako ng almusal namin. Kahit brat ako dahil spoiled ako ni Dad, marunong din naman akong magluto dahil passion ko talaga ang pagluluto and besides kaka-graduate ko lang kaya ng HRM.

Actually pupunta na sana ako ng Italy dahil may tumanggap sa'kin sa inaplyan kong trabaho doon pero dahil sa nabuntis akohindi na ako natuloy.

Tinatanong niyo kung saan ako natutulog? Dito sa sofa. Wala naman na kasing ibang kwarto dito bukod sa malaking kwarto nya.

Nang mapansin kong bumukas ang pintuan mula sa kwarto niya saka ko naman pinatay na yung soup at hinanda na ito sa maliit na dining table niya.

"Good morning Hon, kain na." masayang bati ko pero tinignan niya lang ako saka umupo sa upuan ng dining table. Nilagay ko na yung soup sa harap niya tsaka umupo na din sa tapat niya.

"Pampatanggal ng hang-over." sabi ko lang saka nag-umpisa nang kumain.

Napangiti nalang ako nang naubos na pala niya yung soup pero nawala din ang ngiting 'yon nang tumayo na siya at dumiretso sa kwarto niya. Hindi ko na din tinapos ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. Nang naghuhugas na ako ng pinagkainan namin, narinig kong bumukas ulit yung kwarto niya at lumabas siyang nakabihis.

"San ka pupunta?" tanong ko.

"Sa trabaho malamang." sagot lang niya.

"Hindi ko alam na may trabaho ka pala." mahinang sagot ko.

"Tsss." yan lang ang sagot niya at tuluyang lumabas ng unit namin.

Ano namang gagawin ko maghapon dito? Malamang maglilinis, mag-aayos, maglalaba, lahat na ng gawaing bahay ginagawa ko na.

Nang mag-gagabi na, nagluto na ako ng hapunan namin. Pero sa kakahintay ko sa kanya hindi na ako nakakain at nakatulog na sa sofa. Ganya parati ang routine ko. Hindi ko alam kung ano ba ako dito? Asawa? O alila? Sa bagay hindi naman niya kasi gustong dito ako tumira. Ako ang may gusto kaya titiisin ko. Gagawin ko ang lahat para mabuo 'tong pamilyang 'to dahil ayokong lumaki ang anak namin na hindi kumpleto ang magulang. Ayokong maranasan niya ang mga naranasan ko.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon