Chapter 25Jeff's POV
It's been a week nung naconfirm na buntis si HonKo at ang hirap mag-alaga ng buntis.
"Okay ka lang HonKo?" tanong ko kasi naman ang dami naming niluto ni Mama tapos hindi siya kumakain. Ang hirap naman talaga ng may kasamang buntis oh. Pero asawa ko 'yan eh, anak ko ang dinadala niya. "Ayaw mo ba yung inihanda namin? Anong gusto mo?" tanong ko.
"Hindi naman sa ayaw ko kasi bat naman ang dami niyan? Baka mamaya maging dambuhala na ako tsaka gusto ko lang ng siopao yung gawa ni lola Mads." nakasimangot niyang saad.
"Siopao na gawa ni lola Mads? Sino naman yun?" tanong ko.
"Sa may tabi ng dagat yung tindahan niya, parati kami ni Mikael dati doon. Gusto ko nun, punta tayo dun." sabi niya kaya tumingin lang ako kay Mama.
Oo nandito pa si Mama, pina-move niya ang pag-alis nila dahil gusto pa daw niyang makasama si HonKo na magbuntis at ang sabi niya, gusto daw niya akong makitang nahihirapan dahil sa mga gusto at ayaw ni HonKo. Kaya yun next week ulit yung alis nila.
"Sige na, dalhin mo na 'yan at baka magtampo na naman sa'yo" sabi naman ni Mama.
"Tara na nga." sabi ko nalang.
Nung isang araw kasi, hinahanap niya si Mikael dahil gusto daw niya ng makita at kurutin yung ilong at pingutin yung tenga niya. Kahit ayoko dahil nandito naman ako, bakit pa siya maghahanap ng iba diba? Kaya wala na akong nagawa kung hindi tawagan si Mikael. Kahit nagseselos ako, okay lang para sa kanya.
"HonKo, yung contract natin naalala mo pa?" bigla kong tanong habang nagmamaneho.
"Hmmm." sabi niya saka tumango "Diba mag-eexpire na yun next week?" tanong niya
"Oo nga eh, akalain mo yun makakapag umpisa tayo sa contrata tapos ngayon.. Hahaha." sabi ko sabay tawa. Sa sobrang busy kasi ng lawyer ko ay hindi na niya naasikaso yun kaya naman hihintayin nalang naming mag-expire.
"Oh ito na ba yun? Bakit sarado?" tanong ko nang makarating kami.
"Hindi ko alam, tara katukin natin." sabi naman niya at bumaba na.
*tok*tok*tok
"Tao po." sabi ni HonKo
"Wala naman na atang tao dito eh." sabi ko habang nakatayo sa likuran niya. Napasimangot lang naman siya sa sinabi ko.
"Ako na nga ang kakatok." sabi ko nalang tapos nilakasan ko ang pag katok
*tok*tok*tok*tok*tok
"TAO PO, MAY TAO BA----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang nagbukas ang pintuan."SISIRAIN MO BA ANG PINTO KO?" sigaw na bugad ng isang matandang babae.
"Ah hi-hindi po." sabi ko nalang saka nagtago sa likuran ni HonKo. Nakakatakot kaya siya.
"Lola Mads, naaalala niyo po ba ako? Si Clarisse?" sabi naman ni HonKo
"Aahh, si Ms Ganda? Asan na si Mr. Pogi?" tanong ni lola. Ms Ganda? Mr. Pogi? Ano 'to, pageant ang peg nila?
"Aah ako lang po, tsaka si Jeff, asawa ko po." sabi naman ni HonKo sabay pakilala sa'kin.
"Asawa mo? Ahy hindi kayo nagkatuluyan ni Mr.Pogi?" tanong ni lola, eh mas pogi naman ako dun ah.
"Ahy hindi po eh. Lola pumunta po kami dito para bumili ng siopao mo." sabi ni HonKo
"Ahy iha matagal na akong hindi gumagawa ng siopao, hindi ko na kasi kaya dahil tumatanda na ako eh." saad ni lola
"Ahy ganun po ba?" sabi ni HonKo saka sumimangot.
"Lola sige naman na po, buntis po ang asawa ko eh magbabayad po kami kahit magkano." pilit ko kay lola.
"HINDI NA NGA KAYA DIBA? HINDI KO KAILANGAN ANG PERA MO." sigaw ni lola sa'kin, ang sungit naman ni lola oh.
"Sige po, salamat nalang po." malungkot na saad ni HonKo.
"Kung gusto mo iha, 'tong asawa mo ang pag-gawain mo." sabi ni Lola. ANO? Ako?
"Talaga po?" tanong naman agad ni HonKo, tumango lang si lola tapos tumingin sa'kin at nagpuppy eyes.
"Sige na nga." kaya sa huli ay pumayag din ako.
Pumasok na kami sa loob, may pagawaan pala talaga ang siopao. Sinimulan na namin ang paggawa.
"HINDI KASI GANYAN, GANITO OH!" sigaw na naman sa'kin ni lola, yung totoo lola? Ang laki ng galit mo sa'kin noh?
"Eh, teka lang po hindi ko pa masyado makuha eh." sabi ko nalang. Kasi nga tinuturuan ako ni lola pero hindi ko maintindihan. Ano bang alam ko sa paggawa ng siopao? Sa pagluluto nga sa bahay hindi ako marunong eh.
"EH WAG MO KASING LAGYAN NG MARAMING TUBIG!" sigaw ulit ni lola
"Oo na po." sabi ko lang
"GALIT KA IHO?" tanong ni lola
"Hindi po ah, kayo nga ang galit sa'kin jan eh." saad ko. Pagkaraan ng ilang taon este oras, sawakas natapos din.
"HoneyKo, hindi pa ba tapos 'yan? Gabi na oh? Gutom na kami ni baby." sabi naman ni HonKo, na nakaupo lang sa sofa ni lola Mads.
"Ito na po aking mahal na reyna." sabi ko naman. "Andito na." sabi ko sabay lagay sa plato ng apat na siopao.
"Yehey! Tara sa labas, maganda ang hangin sa labas oh." sabi niya sabay hila sa'kin.
"LOLA SA LABAS LANG DAW KAMI." sigaw ko kay lola.
"OO HINDI AKO BINGI!" sigaw din ni lola.
Lumabas na kami saka umupo sa bench na malapit sa dagat.
"Oh kainin mo na habang mainit pa." sabi ko kay HonKo sabay bigay nung gawa ko, kumuha naman siya ng isa sabay subo.
"Kain ka din oh, ang dami niyan eh." sabi niya kaya kumuha din ako at kinain. "Hmmm sharap ah." sabi pa niya
"Talaga?" tanong ko at tumango lang siya at pinagpatuloy yung nginunguya niya. "Salamat ah." sabi niya.
"Anything for you HonKo and for our baby." sabi ko naman.
Nung naubos na namin lahat ay bumalik na kami sa loob para magpaalam kay lola Mads. Alam niyo ba kung ilan ang nakain niya? Tatlo lang naman ang nakain niya at isa lang sa'kin. Pero ayos lang yun, dalawa na sila eh.
"Lola Mads, salamat ah. Uwi na po kami." paalam ni HonKo kay lola. Tumango lang naman si lola saka tumingin sa'kin at umirap pa ang sungit talaga ni lola oh.
"Salamat din po sa pagturo sa asawa ko kung pano gumawa ng siopao." dagdag pa ni HonKo. Tumango lang ulit si lola. "Pasalamat ka din." bulong sa'kin ni HonKo
"Salamat po lola." sabi ko sabay ngiti.
"HUWAG MONG PAHIHIRAPAN YANG ASAWA MO AH, DAHIL MAHIRAP ANG MAGBUNTIS!" sigaw ulit ni lola sa'kin.
"Opo." sabi ko nalang. Ang mean ni lola sa'kin noh?
"Oh siya, umalis na kayo at gabi na." sabi ni lola, kaya naman lumabas na kami ng bahay niya
"Salamat ulit lola Mads." sabay naming saad ni HonKo bago sumakay ng sasakyan ko.
At kumaway naman si lola.
----
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩
Romance♣Hanggang kontrata nalang ba sila? O mauuwi din sa totoong pagmamahalan?♣ -----