Chapter 21Clarisse's POV
It's been a week mula nung party na 'yun na nakita ko ulit si Mikael at nakilala ko ang Mama ko. Nakatira na ngayon si Mama dito sa bahay namin. Oo kasama namin siya ni Jeff dito sa bahay namin. Hehe. Nasa kwarto ko siya naka-stay habang kami naman ni Jeff ay nasa iisang kwarto. Minsan nagkakahiyaan parin kami dahil hindi naman maiiwasan 'yun eh. Minsan nagpapakwento siya kung paano ang naging buhay ko.
Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag-uusap ng maayos ni Mikael. Nahihiya pa din ako sa kanya dahil sa mga nagawa ko. Kahit minsan nandito siya sa bahay namin dahil sa trabaho nila ni Mama. Nakwento sa'kin ni Mama yung companya doon sa Australia. Yun pala yung dahilan kung bakit niya kami iniwan dati ni Papa. At nalaman ko ding namatay pala si lolo (yung papa ni mama) at mag-isa namang anak si mama kaya sa kanya pinama yung companyang 'yon.
Naikwento ko na din kay Mama na naging kami ni Mikael dati at alam na pala niya dahil baka nasabi na din ni Mikael. Pero hindi ko pa naikukwento sa kanya yung tungkol sa contract namin ni Jeff. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya eh. Siguro, next time nalang.
Nalaman ko ding ipapamerge pala yung company ni Mama sa company nina Jeff.
"Hi Ma!" sabi ko at nakipagbeso sa kanya dahil galing akong trabaho ngayon habang si Mama ay kausap si Mikael dito sa sala.
"Hello 'nak, mukhang pagod ka ah!" saad ni Mama
"Hindi naman po masyado." sabi ko nalang tsaka ako napatingin kay Mikael na nakatingin pala sa'kin kaya nginitian ko lang.
"Hi!" bati niya
"Hello." sabi ko nalang, oh diba para kaming strangers.
"Can we talk?" tanong ni Mikael. Tapos tumingin ako kay Mama at tumango lang siya.
"Sige." sabi ko nalang
Tumayo siya tsaka ako inalalayang makalabas ng bahay papunta sa kotse niya tsaka nagdrive.
After a few minutes..
Nandito na kami sa tabing dagat. Lumabas na siya kaya lumabas din ako. Tahimik dito at maganda yung view at mahangin din. Pero awkward. Umupo siya sa may buhangin kaya umupo din ako.
"Hmm sorry." sabi ko nalang
"Para san naman?" tanong niya
"Ewan ko, feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa'yo." saad ko
"Ako nga dapat magsorry eh. Kasi iniwan kitang hindi manlang nagpapaliwanag kung saan ako pupunta at kung anong meron." saad naman niya. "Hindi pa maganda yung pag-uusap na'tin bago ako malayo sa'yo kaya nga miss na miss kita doon eh. Pwede pa hug?" tanong niya.
Ngumiti lang ako at tumango at niyakap lang niya ako
"Kasalanan ko 'to lahat eh, 'yan tuloy huli na ako. Hindi mo man lang sinabi sa'kin na kinasal ka na pala. Ganun na ba kalaki ang galit mo sa'kin?" tanong niya habang magkayap pa din kami.
"Actually, hmm.." sasabihin ko sana tungkol sa contract namin ni Jeff. Pero naisip kong wag muna sabihin. "Bakit kasi hindi mo sinabi sa'kin na pinapapunta ka sa malayo? Hindi naman kita pipigilan eh." pag-iiba ko nalang ng usapan.
Inalis ko na yung yakap ko kaya inalis na din niya ang yakap niya. Tumingin lang kami sa lumulubog na araw.
"Kasi balak ko kasi pagbalik ko. Makikipag balikan ako sa'yo at yayaing magpakasal. Pero huli na pala ako." sabi niya habang nakatingin pa din sa sunset.
BINABASA MO ANG
Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩
Romance♣Hanggang kontrata nalang ba sila? O mauuwi din sa totoong pagmamahalan?♣ -----