Chapter 30Clarisse's POV
"Baby ko halika dito, bakit ka ba lumalayo sa'kin?" tanong ko sa baby boy ko. Nandito kami ngayon sa madilim na lugar. Bakit kahit anong habol ko sa kanya hindi ko mahabol? "Baby halika na." sabi ko at naluluha na.
*mommyyyyy saad niya at umiiyak din kaya ako umiiyak na din.
"BABY KO!" sigaw ko at napabangon, panaginip lang pala.
Teka, anong nangyari? Nasaan ako?
"Anak huminahon ka." sabi ni mama at niyakap ako.
"Mama yung baby ko? Nandito pa din diba?" sabi ko habang hawak yung tiyan ko at umiiyak pa din habang si mama naman umiiyak din habang yakap-yakap pa din ako. Saka ko naalala yung mga nangyari sakin kaya tuluyan na akong humagolgol sa pag-iyak.
"Mama bakit ganun?" tanong ko habang lumuluha
"Ganun talaga ang buhay anak, kung hindi pa para sa'yo hindi pa ibibigay sa'yo." saad ni Mama.
Ganun ba yun? Eh bakit pa nila ako hinayaang mabuntis kung kukunin naman pala nila. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ulit ako. At nung nagising ako ay walang tao dito sa room ko at ngayon ko lang naramdaman yung sakit sa katawan ko lalong lalo na sa gilid ng tiyan ko, bakit ganun? Ahh yung pagkabunggo siguro..
Nauuhaw din ako kaya kahit nanghihina ako ay tumayo pa din ako para kumuha ng tubig. Nang nakainom na ako at babalik na sana sa higaan ko ng may narinig akong pamilyar na boses.
"Kasalanan ko ang lahat ng 'to!" iyak ng pamilyar na boses mula sa labas at dahil sa curiosity ko. Lumabas ako para silipin kung sino yun.
Sa tapat pala ne'tong room ko yung pamilyar na umiiyak at bukas naman konti yung pinto niya kaya sumilip ako.
"Hindi mo kasalanan, walang may kasalanan sa nangyari dahil aksidente ang nangyari." sabi ni Jeff?
Si Jeff at Shane? Bat magkasama sila dito sa kwartong 'to at magkayakap? At bakit naka hospital dress din si Shane? Nakatayo lang ako dito dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na namalayan na nag-uunahan na pala ang mga luha kong pumatak.
"Wag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto sa nangyari!" sabi pa ni Jeff habang magkayakap pa din sila. Tumango lang naman si Shane habang umiiyak pa din.
"Pwede dito ka muna?" tanong ni Shane at tumango naman agad si Jeff
Buti pa si Shane nababantayan niya. Eh ako? ako na asawa niya? Ako na nawalan ng anak? Ako na naaksidente?
Bigla nalang sumagi sa isip ko ang contrata namin, oo nga pala contrata lang ang lahat. May mga tanong tuloy sa isip ko na nabubuo, mahal ba niya talaga ako? Or should I say minahal ba niya talaga ako? Lalo tuloy akong nasasaktan sa mga nangyayari dahil sobrang sakit na ang nangyari sa pagkawala ng anak ko baka mamaya hindi ko na kayanin at mabaliw na ako nyan, hindi naman sana. Hindi ko na kayang panuorin sila dito kaya naman bumalik na ako sa kwarto ko.
Jeff's POV
Nandito na ako sa kwarto ni HonKo, umupo sa tabi niya saka hinawakan ang kamay niya. Tapos biglang tumawag si Grandma kaya naman napatayo ako at lumayo ng konti.
"Tulog pa siya Grandma." malungkot kong sabi
(Balitaan mo nalang ako apo ah, be strong apo.) sabi ni Grandma at binaba na.
Napatingin ulit ako sa kanya na natutulog pa din. Hanggang sa may narinig akong parang nagwawala sa kabilang room. Si Shane yun ah. Kaya naman pumunta ako sa room niya.
Tama nga ako. Umiiyak siya ngayon habang pinapatahan ng dalawang nurse. "Ako nang bahala sa kanya." sabi ko at tumango lang naman sila saka umalis na
Binantayan ko siya hanggang sa makatulog ulit siya. Nung tuluyan nang nakatulog ay bumalik na ulit ako sa kwarto ng asawa ko pero tulog pa din pero bakit parang basa yung mukha niya?
"Gising na ba siya iho?" nagulat lang ako kay Mom at Mikael na bagong dating.
"Hindi pa nga po eh." sabi ko nalang
"Sige iho uwi ka din muna para makapagpalit at kami naman ang magbabantay." sabi ni Mom kaya tumango nalang ako. Umuwi na ako sa bahay namin.
Maliligo na sana ako at habang namimili ako ng damit ko ng may nakita akong parang scrapbook sa dulo ng mga damit ni HonKo. Kaya kinuha ko ito tsaka binuksan.
Nakita ko lang yung picture na pinaultrasound namin dati tapos may nakalagay na caption..
"Hello baby, ang liit mo pa oh, hehe! Bilisan mong lumaki para makalabas ka na diyan excited na si Mommy at Daddy mo oh, pati yung dalawang lola mo. Kapit ka lang jan baby ah wag mong pahirapan si Mommy pati na din si Daddy." Yan ang nakalagay..
Sa next page. Picture ni Mikael. Ang caption niya..
"Yan si Tito Mikael mo, gustong-gusto kong kurutin yung pisngi niya at pingutin yung tenga niya hehe. Bakit kasi hindi nalang si Daddy mo? Yun tuloy nagselos. Pero kahit nagseselos siya, pinapunta pa din niya si Mikael dito bait ni Daddy mo noh?" yan yung caption niya at napangiti nalang ako habang naluluha na.
Next page. Yung pink at blue na maliit na shoes. Naalala ko 'to, yung pinag-aawayan namin kung anong bibilhin pero sa huli hindi din kami bumili dahil hindi pa namin alam kung anong gender niya no'n
"Ang cute nung pink no baby? Pero gusto ni Daddy blue kasi boy ka daw, girl ka naman diba? Hindi din kami bumili, Haha. Pero boy or girl ka man love ka pa din namin, we love you baby!" yanang nakalagay
Next page. Stolen picture ko na gumagawa ng siopao..
"Yan si Daddy oh, hirap na hirap gumawa ng siopao. Kaw kasi baby eh bakit siopao pa ang gusto mo at yung siopao pa ni lola Mads pero hindi na nakakagawa si lola kaya si Daddy na ang gumawa, galing ni Daddy ano?" yan ang nakalagay..Next page, wala na. Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako. Tama naman yung ginawa ko diba?
----
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩
Romance♣Hanggang kontrata nalang ba sila? O mauuwi din sa totoong pagmamahalan?♣ -----