CHAPTER 7

21.2K 326 14
                                    


Chapter 7

Clarisse's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko este namin pala. Nagmumukmuk at umiiyak. Alam niyo kung anong iniiyakan ko?

.

.

.

Break na kami ni Mikael myloves ko.

Wala naman akong alam na ginawa kong mali para makipagbreak siya sa akin ng ganun-ganun nalang. Huhuhu, kagabi pa ako umiiyak at ngayong umaga namamaga na 'yung mata ko.

Ayoko pang lumabas, baka makita ako ni Shane na ganito ang mata tapos magtatanong yun o kaya aasarin ako na namimiss ko si Jeff. Hmmmm, ewan ko ba doon andito pa din hanggang ngayon.

Si Jeff kasi may business training daw, 'yun yung sabi niya sa'kin eh. Pinagti-training na daw siya ng Grandma niya para mamanage niya ng husto yung company nila. Ewan ko ba doon kung bakit kailangan pa niyang magtraining eh graduate naman siya ng business administration at siya na nga ang pumipirma sa mga papeles na kailangan pirmahan dati ah.

*tok
*tok
*tok*

Hala! Pano pa yan? Baka si Shane 'yan. Makikita niya yung mata ko na namamaga. Anong nang gagawin ko? Kaya naman nagkumot nalang ako hanggang sa may tyan at pinikit yung mga mata ko.

Tapos biglang nagbukas yung pinto at may pumasok, bakit ka pa pumasok? At rinig ko ang mga yabag niyang papunta sa kinaroroonan ko.

"HonKo, magtatanghali na oh, tulog ka pa din?" bulong niya at tinaas 'yung kumot ko. Malamig kasi, boses palang alam ko na to si Jeff. At nang-aasar na naman. Ewan ko ba kung saan niya nakuha yang 'HonKo' na tawag nya sa akin.

"Bakit ang lamig naman dito, grabe ka talagang mag-aircon." bulong pa niya at lumayo na sa akin.

Ano kaya ang ginagawa niya at ano nalang ang sasabihin niya pag nakita niya yung mga mata ko? Siguradong magtatanong yan.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko tsaka siya hinanap ng paningin ko. At..at O_O kaya binawi ko lang agad ang tingin ko sa kisame. Pero alam kong nakita niya akong tumingin sa kanya.

"Ganda ng katawan ko ano, HonKo?" biro niya kaya tinignan ko lang siya ng masama tsaka umupo sa kama.

Ng nakabihis na siya ng nakasando at jogging pants niya saka siya lumapit sa akin. Napatingin din ako sa kanya gaya ng pagkatitig niya sa'kin.

"Oh anong nangyari sa mata mo? Nawala lang ako ng dalawang gabi namiss mo agad ako?" biro niya saka umupo sa harapan ko. Naiiyak na naman ako matapos niyang ipaalala kung bakit naging ganito ang mga mata ko.

"Uy nagjojoke lang naman ako. May problema ba?" panic niyang tanong matapos mapansin na naiiyak na ako.

"Wala na kami. Ang sakit pala." sabi ko lang at umiiyak ulit. Wala na bang katapusan 'tong mga luha ko? Niyakap niya lang ako habang hinahaplos yung likuran ko kaya napayakap nalang din ako sa kanya. Huhuhu, bakit ang bango niya?

"Tama na, hindi mo dapat iniiyakan yun. Tsaka nandito naman ako eh!" sabi niya kaya napatigil tuloy ako at tinulak ko siya at pinalo sa dibdib.

"Yan ka na naman eh, nagmomoment ako dito tapos sisirain mo lang."  saad ko sa kanya

"Joke lang naman para ngumiti ka na, hindi mo bagay ang nakasimangot. Tignan mo nga 'yang mata mo, ang pangit na." saad lang niya *pout*  "Gusto mo ikiss kita?" sabi pa niya

"Magtigil ka nga jan." patigil ko sa kanya

"Asan si Shane?" tanong niya bigla

Ouch ah, ako yung nandito at heartbroken na umiiyak pero si Shane ang hinahanap? Aray! Doble-dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon.

"Ewan ko, wala ba sa baba? Sa kwarto niya?" sunod-sunod kong tanong

"Wala eh. Nagtataka nga ako nung pumasok ako eh, ang tahimik." sabi niya

"Baka umalis. May date siguro." sabi ko nalang. Hindi siya nagsalita sa mga sinabi ko. Akala ko magagalit siya o maiinis pero nagulat nalang ako sa sunod na ginawa niya..

.

.

.

Niyakap niya ako sabay higa sa kama. Ang resulta nakadagan siya sa'kin pero pagkailan ng mga segundo, binaliktad niya ang pwesto namin kaya ako na ang nasa taas. Binangon ko ang ulo ko pero hiniga lang niya ulit sa dibdib niya sabay sabing..

"Tulog nalang tayo. Napagod ako sa training ko." sabi lang niya

"Eeeeeehhh ayoko na matulog. Papangit na naman 'yung mata ko." sabi ko at babangon na sana ulit pero hinigpitan lang niya ang yakap niya.

"Dito ka lang, samahan mo nalang ako dito kung ayaw mo matulog basta wag kang aalis. Namiss kasi kitang katabi matulog." sabi niya, kung makapag-biro talaga 'to. Mamaya maniwala na ako sa mga sinasabi niya eh.

"Oo na, tulog ka na." sabi ko nalang. Nagtataka ba kayo kung bakit close na kami ni Jeff?

Ganito kasi yun..

Last week..

Nandito pa rin si Shane sa bahay namin at oo alam ko na na ex-girlfriend ni Jeff si Shane at mukhang gusto pa din nila ang isa't-isa.

Mula nung inaasar ako ni Jeff, nakikipagkulitan at tinatawag na 'HonKo'. Dun na kami nagsimulang maging close. Pag nanjan kasi si Shane ang sweet sweet niya sa akin.

Sinasamahan pa niya ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin. At syempre sa kwarto parin niya ako natutulog, pero sa sofa siya natutulog. Pero pagminsan sinasabi niyang pagod siya at gusto niya sa kama, malaki naman yung kama kaya tabi nalang kami minsan.

At yun nga naging close na kami.

---

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon