CHAPTER 20

17.4K 248 8
                                    


Chapter 20

Jeff's POV

Nandito na kami ngayon ni HonKo sa room ko for this event. Wala paring nagsasalita sa'min at hindi ko pa rin maintindihan ang mga pangyayari kani-kanina lang. Nakaupo lang kaming pareho dito sa sofa.

"Okay! Anong nangyayari dito?" seryoso kong tanong sa kanya pero wala pa rin siyang imik. Wala ba siyang narinig? O hindi nakikinig? "Is he your ex?" tanong ko na naman at tumango lang siya. So, siya nga! Nagkita na sila.

Ano kayang iniisip ng HonKo? Baka naman bumalik ang nararamdaman niya sa lalaking yun? Mahal pa kaya niya? No way. Hindi pwede, ngayon pa na mahal na mahal ko na siya. Tsaka hindi ko na kakayanin pag nawala siya sa'kin kaya gagawin ko lahat para hindi siya mawala sakin. Sa kanya ko lang naramdaman 'to! Kaya hinding-hindi ko na siya papakawalan pa.

"HonKo are you okay?" tanong ko nalang. Tumingin lang siya sa'kin saka pilit na ngumiti. Lumapit ako sa kanya "Pwede pa hug?" tanong ko, baka kasi mamaya magugulat nalang siya o baka magagalit na yayakapin ko diba? Pero nagulat ako ng siya na mismo ang yumakap sa'kin.

"Bakit nagtatanong ka pa?" sabi niya kaya napangiti nalang ako sa sinabi niya saka niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ugh, bakit ang higpit ata ng yakap mo?" tanong niya pero hindi ako sumagot. "Gusto ko nang umuwi." saad lang niya.

"Hindi ka ba manonood? Matutuwa si Grandma pag nalaman niyang nandito ka at kasama ko." sabi ko

"Hmmm. Nahihiya ako eh! Tsaka wala naman akong damit na dala at alam mo namang hindi ako pumupunta sa mga ganyang event." sabi niya

"Wag kang mag-alala, akong bahala sa'yo HonKo. Tsaka ano ka ba naman kasama mo kaya ako." sabi ko para pumayag siya

"Sige na nga." sabi naman niya

"Wait lang." sabi ko para tawagan ang sekretarya ni Grandma para magpadala ng mga gagamitin mamaya ni HonKo.

After an hour..

Nandito na kami ngayon sa Event area. "Wait, ang daming tao." sabi ni HonKo, papasok na kasi kami ngayon sa loob ng mismong event. Pero 'tong kasama ko kanina pa hindi mapakali. Eh maganda naman siya. Ang galing nga pumili ng sekretarya ni Grandma eh. Bagay na bagay sa kanya. She look stunning tonight.

Hinawakan ko ang kamay niya sabay sabing "Wag kang mag-alala, kasama mo ako and you look amazing." saka naglakad na kaming magkahawak kamay papasok sa event. At tama nga ako dahil nasa kanya ang tingin ng mga tao. Pinunta ko muna siya sa table nina Mrs. Lim para ipakilala.

"Good evening po." bati ko sa kanila. Sina Mrs Lim, Mikael at Shane kasi ang nasa table.

Nakatitig lang naman si Mrs Lim sa asawa ko. Nagandahan siguro.

"Good evening din. Nasaan ang Grandma mo?" tanong naman agad ni Mrs. Lim sa'kin pero nakatingin pa rin siya sa asawa at ganun din ang asawa kay Mrs.Lim. Anong meron sa kanila?

"Ah masakit daw po ang ulo niya kaya ako este kami ang pinapunta niya. Anyway Ma'am this is Clarisse, my wife." pakilala ko kay HonKo sa kanila. Pero sa pagkasabi ko no'n..

"Excuse me." saad ni HonKo at dali-dali itong naglakad papalabas ng event area. Naguguluhan ako sa nangyari kaya susundan ko sana siya pero hinawakan ng mahigpit ni Mikael ang braso ko.

"Ma'am you should follow her. At ikaw naman pabayaan mo muna siya." sabi nya, ano bang nangyayari dito? Sinundan naman siya ni Mrs.Lim kaya ako at umupo nalang sa tabi ni Mikael.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon