Chapter 28Clarisse's POV
*Beeeeeeeeeeeeeeeeep
Napapikit nalang ako habang nakahawak sa tyan ko. NOOO! Hanggang sa..
Booooooooggssshhh!!..
Nanghihina na ako pero narinig ko pa rin ang boses ni Jeff, I knew it dadating ka..
"CLARIIIIIIISSSEEE!"
Nakikita ko nalang yung mga dugo dumadalow sa legs ko. Napaiyak nalang ako. Yung anak ko. Hindi..
Hanggang sa may ambulansya at binuhat na ako ni Jeff papasok sa loob ng ambulansya.
"HONKO NARIRINIG MO BA AKO?" sigaw niyang tanong sa'kin,,
Nanghihina na ako pero nakakarinig pa din ako kahit gusto kong magsalita at sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko at panay pa rin ang luhang tumutulo sa mga mata ko na hindi ko mapigilan.
"KAYA MO YAN HONKO, WAG KANG BIBITAW MAGIGING MAAYOS DIN ANG LAHAT. HINDI KITA IIWAN." sigaw niya ulit
Tumango nalang ako habang umiiyak pa din habang nakahawak yung kamay ni Jeff sa'kin. Hanggang sa pinasok nila ako sa hospital
"DOC ILIGTAS NIYO PO ANG ASAWA AT ANAK KO." sigaw ulit ni Jeff sa Doctor
"Mister sa kalagayan niya, hindi na po namin maililigtas ang bata sa sinapupunan niya dahil maraming dugo na po ang nawala." rinig kong sabi ng doctor.
Gusto kong magsalita at magmakaawa na iligtas nila ang anak ko pero walang boses na lumalabas kaya puro iyak nalang at iling ang nagagawa ko. Si jeff naman ay umiiyak na din at hindi na alam ang gagawin.
"Please Doc, gawin niyo po ang lahat." makaawa niya sa doctor..
"Sa kalagayan niya po mister, wala na po kaming maipapangako na maililigtas namin ang bata tsaka may sugat pa siyang natamo sa bandang tiyan niya. Kaya pirmahan niyo nalang po 'yan." sabi ng doctor at may binigay kay jeff na papel.
Hindi pwede. Hinawakan ko ang kamay ni Jeff para wag niyang pirmahan. Umiiyak na rin talaga siya habang ako nakahawak pa din sa kamay niya at umiiling-iling.
Gustong-gusto kong magsalita at magmakaawa sa kanya na huwag niyang pirmahan yun. Pero inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya at pinirmahan yun saka ako pinasok na sa loob.
---
Jeff's POV
"Sa kalagayan niya po mister, wala na po kaming maipapangako na maililigtas namin ang bata, tsaka may sugat pa siyang natamo sa bandang tiyan niya. Kaya pirmahan niyo nalang po 'yan." sabi ng doctor at may inabot sa'king papel. Hindi pwede, pero pag hindi ko pinirmahan 'to, baka mawala din sa'kin ang mahal ko.
Hinawakan ni Clarisse ang kamay ko at umiling-iling habang umiiyak pa din. Kaliangan kong gawin 'to Clarisse, sana maintindihan mo. Hindi lang ikaw ang nasasaktan, ako din nakikita palang kitang umiiyak nadudurog na ang puso ko pano nalang kapag nawala ka?
Oo mahirap magdesisyon lalo na kung nakikita mong ayaw pumayag ni HonKo sa nagawa ko. Pero nagawa ko na eh, sana tama ang naging desisyon ko. Patawarin mo ako HonKo, mahal na mahal kita, kayo ng anak na'tin..
to be continued...
---
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩
Romance♣Hanggang kontrata nalang ba sila? O mauuwi din sa totoong pagmamahalan?♣ -----