CHAPTER 40

13.8K 195 20
                                    


Chapter 40

Jeff's POV

"Apo naman kailan mo ba ibabalik si Clarisse dito?" 'yan na naman si Granma oh ang kulit kulit, ulyanin na ata.

"Grandma, hindi ko maibabalik dito si Clarisse kasi hindi ko naman siya tinago tsaka hindi ko nga alam kung babalik pa yun eh nakalimutan na ata tayo." saad ko ng malungkot

"Huhuhu, anong nangyayari sa buhay na'tin apo ko buti pa ang magulang mo pabakasyo-bakasyon nalang." sabi ni Grandma habang yakap ako.

"Magbabakasyon? Sino?" tanong ko

"Mga magulang mo nga." ulit ni Grandma. I don't care dahil wala naman silang pakialam sa'kin eh.

"At bakit naman sila magbabakasyon?" tanong ko

"Aba hindi ko din alam." sabi naman ni Grandma na nakaupo sa sofa ko na nagpupunas ng luha. Oo ganyan parati si Grandma pag namimiss si Clarisse.

"Baka may kailangan sila kaya magbabakasyon dito." sarcastic kong saad

"Siguro nga, kung 'tong kumpanyang 'to ang kukunin nila aba hindi ako papayag. Mahal na mahal namin 'to ng Grandpa mo." sabi pa ni Grandma.

Naikwento ko naman siguro sa inyo na hindi maganda ang relasyon ng pamilya namin. Alam niyo ba kung bakit? In short, ayaw ni Grandma at Grandpa dati sa bagong asawa ni Papa, oo ako ang unang anak ni Papa. Ang Mama ko? Patay na dahil namatay nung pinanganak ako. At si papa naman ay nag-asawa ulit kaya ako lumaki kina Grandma and Grandpa. Kaya si Grandma galit sa anak niya at ganun din ako, galit ako kay Papa.

*ring*ring*ring

Akala ko sa'kin kay Grandma pala.

"Hello? What can I do for you?" sagot niya sa telepono

Habang ako naman ay bumalik na sa swivel chair ko at pinagpatuloy ang kanina pang nauudlot na kailangang pirmahan.

"Aaaaahy, balae ikaw pala. Ahy sorry naexcite eh. Kamusta na?" nakakagulat naman si Grandma oh, bat ba hindi lumabas 'to, kung makatili parang wala ng tao dito ah.

Teka lang.. Balae? Isa lang naman ang tinatawag niyang balae eh. Si Mama?

"Ahy oh? Totoo? Sure na yan balae?" sunod sunod na tanong ni Grandma habang nakatingin sa'kin na nakangiti.

"Ahy excited na ako. Sige sige, hay sawakas." anong sawakas?

"Sige sige babye, ingat din kayo." sabi ni Grandma at binaba na.

"Si Mama ba yun Grandma?" tanong ko agad. Tumango naman siya at ngumiti uli.

"Anong sabi?" tanong ko naman ulit

"Baka daw uuwi si Clarisse next month." sabi niya habang ako hindi pa din makapaniwala dito.

"Oh natulala ka na jan? Hindi ka ba excited?" tanong ni Grandma sa'kin. Umiling lang ako at pinagpatuloy ulit ang pagbabasa sa mga papers sa harap ko kahit wala ng pumapasok sa utak ko kung anong binabasa ko.

"Apo may naging problema ba kayo ni Clarisse bago kayo nahiwalay? Maliban sa nakunan siya." tanong ni Grandma.

"Sinabi ko naman sa inyo dati pa Grandma diba?" sabi ko naman

"Oo na, yung pumayag ka sa kagustuhan niyang pumunta doon dahil gusto din niyang makasama ang Mama niya at sa space space niyo okay, sabi mo eh sige mauna na ako may gagawin pa pala ako." paalam na ni Grandma saka lumabas na ng opisina ko.

Ngayon napaisip ako na pumayag ako sa kagustuhan ng mahal ko dahil alam kong doon siya liligaya. Pero naisip ko ba ang sarili ko? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pwedeng oo dahil sasaya na ako pag alam kong masaya ang taong mahal ko at pwedeng hindi dahil hindi ko inisip ang magiging buhay ko kapag wala ang taong mahal ko sa tabi ko.

At napaisip din ako na may naging problema ba kami bago siya umalis? Wala naman diba? Ako nga dapat ang magtampo sa kanya dahil hindi man lang ako tinatawagan diba?

Napatingin nalang ako sa papel sa drawer ko. Yun yung contrata na pinirmahan namin. At yung annulment paper na pipirmahan dapat namin after nung contract namin. Pero hindi pa nagagalaw ito at wala akong balak pirmahan.

Mikael's POV

Bakit ba lahat ng tao ngayon parang iniiwasan ako, una tinawagan ko si Joy kahit mahal ang load pero sabi niya busy siya pati si Shane busy din at nasa Palawan daw. Ano ba yan. Wala man lang magawa.

Kaya sa huli napag-isip-isip ko na maglakad-lakad nalang sa mall. Pumunta muna ako dito sa Booksale para makatingin ng babasahin, sports at business magazine lang naman ang titignan ko dito. Kaya naman hinanap ko agad kung saang banda ang magazine na yun pero habang naglalakad may babaeng tatanga-tanga na hindi tumitingin sa dinadaan niya kaya naman iniwasan ko ito.

Pero sa pag-iwas ko sa kanya may nakabangga naman ako sa kabilang banda.

"Ooooouuucchh!" tili niya, ano ba 'tong babaeng 'to. Ang ingay naman.

"I'm sorry Miss." sabi ko nalang

"Bakit ba kasi ang daming taong hindi tumitingin sa dinadaanan niya?" sungit niyang saad.

"Nagsorry na nga lang." bulong ko.

"May sinasabi ka?" tanong niya

"Wala ah, sabi ko sorry ulit hindi ko sinasadya. Sige." sabi ko nalang at naglakad na papalayo sa kanya.

"Hmmm!" pagsusungit lang niya saka naglakad na din papalayo.

Ano ba yan, wala na tuloy akong ganang maghanap ng mga magazine kaya naman pumulot nalang ang kung akong business magazine doon saka binayaran at umalis na doon.

*ring*ring*ring

"Hello?" sagot ko

(Pre si Aaron 'to, classmate mo nung High School?) bungad niya.


"Pano mo nakuha ang number ko?" tanong ko

(Kay Shane, Hoy kasal ko bukas wag kang mawawala ah. Si Shane kasi hindi daw makakapunta eh.) sabi niya. Aaron was a good friend sa'min ni Shane nung highschool.

"At ngayon mo lang talaga sinabi ah at sino naman 'yang papakasalan mo? Don't tell me si Jasmin yan?" tanong ko, sila kasi bago kami nag-graduate dati ng highschool.

(Oo pre. Hahaha, akalain mo yun? Uy wag kang mawawala bukas ah ititext ko nalang yung address. Sige.) sabi niya.

"Sige sige, congratz pala." sabi ko nalang

(Salamat pre, sige.) sabi niya at binaba na.

Lokong 'yon, ngayon lang ulit tumawag. At ikakasal na ang loko. Hmmm, siguro ang gagawin ko ngayon ay? Bibili ng regalo. At ano namang ireregalo ko? Kitchen stuff? Ano naman? Oven? Refrigirator? O Dinning table? Ano naman 'tong iniisip ko. Parang OA na masyado ah.

Hmmm pang baby nalang kaya, oh diba mas magandang idea yun. Wahahaha. Kaya naman pumunta na ako sa department store saka dumiretso sa pang-baby section.

At may nakita akong mag-isang batang lalaki na naglalaro sa balls-balls at mukhang naliligaw ata ah.

"Hello baby, asan ang kasama mo?" tanong ko. Tinignan lang niya ako at pinagpatuloy ang paglalaro niya. Pero nung tumingin siya sa'kin parang..parang.. May naramdaman akong.. parang..hindi ko maipaliwanag.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon