CHAPTER 35

13.6K 168 15
                                    


Chapter 35

Clarisse's POV

"Oh, so you were the Waiter Huh?" lokong tanong ko

"Hahaha no, I mean yes." sabi lang niya saka kami nagtawanan.

"Pa'no—" hindi niya ako pinatapos magsalita

"Let's take a sit first at ikukwento ko sa'yo kung bakit ako naging waiter." saad niya saka ako inalalayang umupo. Wow! Gentle man si kuya.

"It was just a stupid dare of my friends." sabi naman niya saka umupo din sa harap ko. Napatango nalang ako magtatanong pa sana ako pero wag na nakakahiya.

"I'm sorry again for what I had done to you when we first met." sabi pa niya

"It's okay, past is past tsaka hindi mo naman field ang pagwewaiter diba?" biro ko nalang

Tumawa lang naman siya bago nagsalita. "Tama, so ikaw ang anak ni Ma'am Lim?" tanong niya

"Hmm yup, so can we start? So that we finish early may pupuntahan pa kasi ako eh." sabi ko nalang

"Okay!" sabi nalang niya

Nag-umpisa na nga kami sa business namin. At mabilis ding natapos dahil tamad si author sa mga ganito -_-.

"So, mauna na ako. Salamat sa time." sabi ko nalang

"Can we have a lunch together before you go?" tanong niya nung inaayos ko yung bag ko.

Pa'no si Mikael doon? Napatingin ako sa watch ko, 10:57 palang naman, sige na nga.

"Okay." sabi ko nalang kaya yun nagtawag na siya ng waiter para kunin ang pagkain na inorder niya.

"Let's eat Miss Clarisse." sabi lang niya

"Clarisse nalang masyadong pormal ang Miss Clarisse." sabi ko naman

"Okay, Clarisse, let's eat." sabi naman niyakaya tumango at ngumiti nalang ako.

"So ilang years kana dito?" biglang tanong niya

"Hmmm 2 years na, how 'bout you?" tanong ko

"Since I was born." sabi lang niya

"Ows? Bakit alam mo magtagalog?" tanong ko, naintriga ako eh. Ngumiti lang siya saka nilunok ang kinakain niya bago magsalita.

"Malamang Pilipino ako diba?" sabi lang niya

"Sabi ko nga." sabi ko nalang, walang kwentang kausap.

"So, wala kang balak magbakasyon sa Pilipinas?" tanong ko ulit

"Hmmm, ewan." sabi naman niya, wala talagang kwentang kausap.

"Wala ka bang uuwian doon? I mean diba nandito parents mo? Mga cousins ganun?" tanong ko ulit. Yan, tanong tanong din habang kumakain para hindi awkward.

"Hmm, my Grandma and my older brother were there but we're not close." sabi lang niya. Ito na ang pagkakataon kong tanungin ang kanina pang bumabagabag sa utak ko.

"Oh you have a brother? What's his name?" try to calm down para hindi niya mahalata.

"Jeffrey, Jeffrey Kent Perez. Why?" tanong niya

Jeffrey Kent Perez?

Magkapatid sila? Ni hindi man lang niya sinabi sa'kin na may kapatid pala siya kaya pala medyo magkamukha sila.

"Ah wa-wala lang baka kasi kilala ko." sabi ko nalang, oo kilalang-kilala ko dahil asawa ko yun. Ahy hindi, ahy oo pala, ahy ewan. Hanggang sa natapos kaming kumain.


"So can I go now?" tanong ko nalang


"Okay, hatid na kita?" tanong niya

"Thanks but I have a friend there waiting for me. Sige babye. See'ya!" sabi ko nalang at tumayo na

"Sige bye. Ingat." sabi naman niya

Kaya naglakad na ako papunta sa sasakyan ni Mikael.

Mikael's POV

Hay ang tagal naman ni Joy. Matawagan nga muna si bespren

(Hello?) sagot niya

"Uy bespren, long time no talk." Biro ko

(Oh napatawag ka ata?) tanong niya

"Masama bang tawagan ang pinakamamahal kong bespren?" sabi ko nalang

(Hay naku tigil tigilan mo nga ako jan, anong kailangan mo?) tanong niya, 'tong bespren ko talaga kilalang-kilala na ako

"Ito naman, uuwi kasi ako sa Wdnesday pwedeng makituloy muna jan sa Condo mo?" tanong ko

Tapos mga ilang segundong katahimikan, anong nangyari dun?

"Uy bespren." sabi ko ulit

(Ah, ano hindi pwede kasi ano, magulo. hanapan nalang kita ng condo.) sabi niya at bakit nauutal 'tong bespren ko? May tinatago 'to. Aalamin ko nalang pag naka uwi na ako.

Hanggang sa nakita kong paparating na dito si Joy.

"Okay. Sige bye, see you soon!" sabi ko nalang

(Bye.) sabi naman niya saka binaba na.

"Oh kumusta ang meeting?" bumaba ako ng sasakyan

"Okay lang. Sorry medyo natagalan." sabi niya pero teka bat parang...

"Are you really okay?" tanong ko ulit dahil parang hindi siya okay.

"Oo nga, tara na nga. San ba tayo pupunta?" tanong niya

"Okay, san mo ba gusto?" tanong ko nalang

"Ikaw ang nagyaya tapos ako tatanungin mo?" sarcastic niyang saad. Napakamot nalang ako ng batok.

"Fine sa City nalang tayo." sabi ko nalang

Sa City kasi nandun lahat, as in lahat lahat, shopping mall, restaurants, games, parks at iba pa..

"Okay, kaw bahala." sabi lang niya.

At yun nagpunta na nga kami. Pero 'tong kasama ko medyo malayo ang isip..

"May problema ba? Uwi nalang tayo" sabi ko nung nakarating na kami

"Wala, tara na nga." sabi niya at nauna nang naglakad kaya sinundan ko nalang.

Pumunta siya sa park at umupo sa may bench kaya umupo din ako sa tabi niya.

"Okay, may problema ka. Namimiss mo na siya noh? Magbakasyon ka na din kasi." sabi ko nalang.

Tahimik pa rin siya.

"Wag mo kasing isipin ang mga mangyayari pag-uwi mo at wag kang matakot harapin yun." sabi ko ulit sa kanya. Tumingin lang siya sa'kin habang nakakunot ang noo.

"Pinagsasabi mo jan?" sabi lang niya

"Wala, hehe. tara na nga at nagugutom na ako." sabi ko at tumayo na at sumunod naman siya..

Maganda naman ang date namin na 'to kahit wala sa sarili 'tong kasama ko. Inenjoy ko na talaga kasi alam kong ito na ang huli. Uuwi ako ng pilipinas para makalimutan na siya ng tuluyan. Tanggap ko na, na hindi kami para sa isa't-isa at tanggap ko na, na hindi na niya ako kayang mahalin tulad ng dati na napalitan na ako ng asawa niya, ang swerte lang ng gag*ng 'yun.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon