CHAPTER 55

12.2K 184 6
                                    


CPFH 55

Jeff's POV

"Maybe that's the answer to your problem." sabi ni Angel habang nandito pa din kami sa Bar habang nakatingin sa papel.

"'I'll go first, take care of my beloved cousin oppa." paalam niya saka binigay sa'kin yung papel na hawak niya.

Napatingin ako kay Clarisse na tulog. 'Bakit hindi mo naman sinabi sa'kin 'to? Mamahalin pa din naman kita kahit hindi tayo pwedeng magka-anak ah. Ikaw nalang ang baby ko habang buhay, ayaw mo ba nun?' Sabi ko sa isip-isip ko habang nakatitig sa natutulog kong asawa.

Binuhat ko nalang siya palabas ng bar. Saka pinasakay sa dala kong sasakyan. Nang nakarating kami sa bahay ay binuhat ko nalang ulit siya papuntang kwarto. Pinahiga sa kama at inalis ang sapatos niya.

Umupo muna ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha, hinaplos ang buhok niyang tumatama sa mukha niya saka ako nagsalita habang nakatingin sa tulog kong mahal.

"Iniisip mo bang hindi na kita mamahalin pag nalaman ko 'to? Kahit kailan ay wala akong inisip na dahilan para mahalin kita. Mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Hindi kita iiwan HonKo" bulong ko at hinalikan yun noo niya.

Umalis na ako sa kwarto niya at pumunta sa kwarto ko..

Clarisse's POV

Nagising nalang ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. At napabangon ako ng wala sa oras nang maidilat ko ang mga mata ko kung nasan ako. Anong nangyari?

"Aaaarrggghhh!" napahawak ako sa ulo ko, sh*t ang sakit ng ulo ko.

Pa'no ako nakarating dito sa kwarto ko? Tanging naaalala ko lang ay... tinawagan ko si Angel. Siya siguro ang naghatid sa'kin dito.

*tok
*tok
*tok

Rinig kong bumukas ang pintuan pero napapikit ulit ako dahil sa kirot na naramdaman ko sa ulo ko.

"Thanks couz ah, pa'no mo pala—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung nakita ko kung sinong pumasok

"Inumin mo muna 'to oh pampaalis ng hang-over." sabi niya saka lumapit sa'kin. Umupo sa kama ko at binigay sa'kin ang isang tasa na may lamang hindi ko alam.

"Salamat." sabi ko nalang saka ko kihuna ito. Ininum ko na ito at napapikit nalang ako ng malasahan ko ang lasa niya. Ano ba yun!

"Andami mo sigurong nainom noh? Hindi ka man lang nagtawag." sabi niya, seriously? Nakikipagbiruan na siya sa'kin ngayon na parang walang nangyari?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Hindi ka lang ba magpapasalamat dahil hinatid at binantayan kita dito sa bahay mo?" saad niya na ikinalungkot ko.

Ouch, bahay ko daw. Oo nga pala, tapos na ang kontrata namin.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" tanong niya na naguluhan ako. Anong hindi sinabi? Kaya kumunot lang yung noo ko. "About your check-up result." sagot niya na ikinagulat ko. How did he knew? Pano niya nakita, teka asan na yung bag ko? Napayuko nalang ako ng marealize ang mga nangyari.

Nahihiya ako sa kanya at naalala ko na naman yun.

"I'm sorry, ayoko lang naman kasing sabihin sa'yo kasi..kasi.." sabi ko habang umiiyak na naman pero hindi niya ako pinatapos magsalita.

"Yun ba ang rason kung bakit ayaw mong magpakasal ulit tayo? Dapat pinaliwanag mo sa'kin kung bakit ayaw mong magpakasal sa'kin hindi yung iiwan mo nalang ako." sabi niya. Habang patuloy pa din ang mga luha kong umaagos. "Hindi naman importante sa'kin yun eh. Basta mahal kita, mahal mo ako, ayos na sa'kin yun. At ikaw nalang ang baby ko habang buhay." dagdag pa niya saka ako niyakap.

"Teka teka yung inumin ko baka matapon" sabi ko at tumawa lang siya.

"So mahal mo pa rin ako?" nakangiting tanong niya.

"Kahit kailan naman hindi nawala yun eh." sabi ko nalang at tumayo na.

"Sabi ko na nga ba hindi mo matitiis 'tong gwapong-gwapo mong pinakamamahal eh. So tuloy ang kasal?" tanong niya at niyakap ulit ako sa likod

"Hmmm, pag-iisipan ko muna." biro kong saad.

"Huh? Kailangan pa bang pag-isipan yun?" tanong niya habang yung mukha niya nakapatong sa balikat ko

"Oo naman, pero..pero..." takot na boses kong sabi..

"Don't worry, hinding-hindi kita iiwan at ipagpapalit sa mga magagandang babae jan sa tabi-tabi *ouch" pinalo ko kasi siya. So may balak siyang tumingin jan sa tabi tabi?

"Hmm maghanap ka na nga lang jan." sabi ko at lumabas na ng kwarto.

"Ito naman si HonKo! Joke lang yun, kailan ba ako tumingin sa iba? Ikaw lang kaya ang tinitignan ko." saad naman niya na ikinangiti ko.

Tanggapin ko nalang yung alok nyang kasal sa'kin. Alam ko namang anjan siya parati para sa'kin eh. At mahal namin ang isa't-isa.

-----


soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon