CHAPTER 29

13.6K 184 3
                                    


Chapter 29

Mikael's POV

*ring*ring*ring

"Hello Shane?" galit kong saad ng sinagot niya ang tawag ko

"Bakit bespren? Namimiss mo na agad ako?" biro niya

"Anong pinag-usapan niyo ni Clarisse?" tanong ko ulit

"Huh? Nagsorry lang naman ako sa kanya ah tsaka bakit ganyan ka naman magsalita bespren? May nangyari ba?" tanong niya

"Yun lang?" tanong ko ulit

"Oo, tsaka sinabi ko ding magbabakasyon muna ako sa Tita ko bakit ba? Mikael may nangyari ba na hindi maganda jan?" seryosong tanong niya.

"Sh*t sorry, si Clarisse kasi na-aksidente kanina, nabunggo siya ng truck." sabi ko

"WHAT? OH MY GOSH! Asan na siya? Okay na ba siya? Yung baby niya?" sunod-sunod niyang tanong.

"Relax relax. Nandito kami ngayon sa Bentley Hospital!" sabi ko

"Ok, cge pupunta ako jan." sabi lang niya saka binaba.

Nandito kami lahat sa waiting area dahil hindi pa kasi lumalabas yung doctor mula ng pumasok sila mga isang iras na ang nakaraan. Si Ma'am Lim at Ma'am Perez umiiyak sa upuan habang si Jeff palakad lakad, kanina pa siya, nakakahilo na nga eh at ako nakatayo lang dito.

Yung driver ng truck, nakakulong na siya lasing ba naman na nagdadrive habang may kausap pa sa cellphone niya buti nalang wala kami dun ni Jeff kung hindi baka mapatay namin yung driver na yun kaya pinaubaya na namin sa mga pulis.

Iniisip ko pa na baka naman kung ano na namang sinabi ni Shane kay Clarisse nung nag-usap sila. Pinagbintangan ko pa ang bespren ko ng wala sa oras ni hindi ko pa naka-klaro ang totoo.

After a while, nandito na din siya..

"Bespren asan na siya, oh my gosh! Kasalanan ko ata sana hindi ko nalang siya kinausap kanina. Huhuhu." hala umiiyak na 'tong bespren ko.

"ANO? IKAW? BAKIT KAYO NAG-USAP AH? ANONG PINAG-USAPAN NIYO? INAWAY MO SIYA NOH?" galit na tanong ni Ma'am Perez kay bespren at galit din niyang tinuro-turo si Shane kaya naman nilayo ko lang siya at niyakap patalikod sa kanila.

Buti nalang at nanjan si Ma'am Lim at Jeff para patahanin si Ma'am Perez..

"Hindi po wala po akong sinabi, hindi ko po siya inaway." umiiyak namang saad ni Shane. "Wala akong kasalanan bespren diba?" tanong niya sa'kin habang humihikbi pa din


"Wala." sabi ko lang habang hinahaplos yung likod niya

Nandito pa din kami sa upuan at sa kabilang banda naman sina Maam Lim at Perez.. Napatayo naman kaming lahat ng marinig naming bumukas ang Emergency Room.

"Doc, kumusta na po ang asawa ko? Yung baby po?" tanong agad ni Jeff nung pagkalabas ng doctor.

"As I said a while ago, hindi na nga po namin nailigtas ang bata. Ginawa na po namin ang lahat ng aming makakaya. I'm sorry pero wala na po ang bata." saad ng doctor.

"Yung asawa ko po Doc kumusta na?" tanong naman agad ni Jeff habang lumuluha.

"Yun nga ang gusto ko sanang unahin eh, kailangan niya ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya at isali mo pa yung sugat niya sa gilid ng tiyan niya dahil sa pagkabunggo niya. Type A po ang kailangan ng pasyente sino po ang type A sa'inyo?" tanong ng doctor.

"Type B ako." malungkot na saad ni Jeff.

"I'm sorry sir, hindi po pwede." sabi ni Doc

"Ako Doc, ako po ang ina pwede po ako." sabi ni Ma'am Lim.

"Sige po Misis. Sumunod nalang po kayo sa'min." sabi ni Doc

Pumunta na sila sa kabilang room. Pagkaraan ng 10 minuto.. Lumabas din sila.

"Hindi din ako pwede, anemic daw ako." malungkot na saad ni Ma'am Lim

"Sino sa inyo ang pwede? Please lang hindi ko kaya pag nawala pa ang anak ko." mangiyak iyak na sabi ni Ma'am Lim

"Type O ako." sabi ni Ma'am Perez

"Type O din ako." sabi ko naman, nakatingin kami lahat kay Shane na hindi pa sumasagot.

"A-ako, type A ako." sabi niya

"Please iha, parang-awa mo na tulungan mo ang anak ko." sabi ni Ma'am Lim at tumango lang naman si Shane

"Bespren samahan mo naman ako." sabi ni Shane sa'kin.

Oo nga pala takot pala siya sa ospital, basta sa mga dugo-dugo ganun kaya siguro hindi siya nagsasalita kanina. Tumango nalang ako at sinamahan siya sa room.

Nung kinuhanan siya ng dugo ay pinatulog talaga siya dahil ayaw niya ng injection kaya binantayan ko lang siya.

"Iho, okay na ba siya? Maraming salamat ah." sabi ni Ma'am Lim, tumango lang ako saka ngumiti.

"Kumusta na po pala si Clarisse?" tanong ko

"Nilipat na siya ng room, jan lang sa tapat ne'tong room na 'to." sabi niya at tumango lang ako

"Sige iho, bantayan mo muna siya ah." sabi niya saka lumabas na. Kaya binantayan ko lang siya

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon