PROLOGUE

446 5 0
                                    

Twinary POV

SINALUBONG ko ang pagbubukang liwayway, kasalukuyan kaming na sa tabing dagat. Kakatapos lang din namin maligo kaya napag isipan naming maglakad lakad mona habang hindi pa matirik ang araw.

Kasama ko ang mga bata, si Aling Uring at Aling Suli. Ang mga bata ay masayang naglalaro habang kami naman ay matuling naglalakad.

"Kiki, kailan ka pa makakahanap ng trabaho?"

Mula sa dagat ay lumipad ang mata ko kay Aling Uring, "Hindi ko pa alam, kulang pa iyung ipon ko para lumuwas ng maynila." sagot ko naman kay Aling Uring habang nilalaro ng paa ko ang buhangin.

"Subukan mo kaya mag trabaho sa pinagtatrabahuhan ni Cris, malaki ang sahod don. Libre pa ang pagkain, ang gagastusin mo lang ay ang pamasahe mo pa-uwi dito sa atin." Suhestiyon ni Aling Suli.

"Anong klaseng trabaho naman iyun?"

"Sa pagkaka-alam ko, nakuha bilang waitress si Cris. Pero sabi niya naghahanap daw ng Janitress iyung boss nila." sagot naman nito.

Huminto ako at napa-isip bigla, Janitress? Pangalan pa lang kasi ikakahiya na, pero malaki din naman ang pakinabang ng Janitress. Gaya ng paglilinis ng kalat, paglalaba, at pag-aayos. See?

Walang problema sakin kung anong klaseng trabaho iyun, ang importante ay magka pera ako at maka-ipon para pambayad ng hospital.

Ilang araw na akong sinisingil ng hospital tungkol sa utang ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa nababayaran, paniguradong hindi pa makakalabas ng hospital si Mama kapag hindi pa bayad ang lahat ng utang.

Malungkot akong napabuga ng hangin, ako na lang ang natatanging pag-asa ni Mama, Dahil ako lang gagawa ng paraan para mapaayos ang kalagayan nito.

Hinawakan ni Aling Uring ang balikat ko ng mapansin nito ang pananahimik ko, "Hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa. Nandito ang diyos palaging gumagabay satin. Ipagdasal mo na sana ay makahanap ka na ng trabaho at sana ay mawala na ang malubhang sakit ng Mama mo." Malungkot na sabi ni Aling Uring.

Pinahid ni Aling Suli ang luhang tumulo sa pisngi ko, "Hijo, kung ano man ang gagawin mo, andito lang kami naka suporta sayo. May matatakbuhan ka kapag may problema ka. Kung kailangan mo ng tulong, nandito kami handang tumulong." bukal sa kalooban na sabi ng matanda.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko at kusa na lang iyun tumulo. Sana nga, sana nga matapos na itong paghihirap ko. Pagod na pagod na ako.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng kamote ng marinig ko ang katok mula sa pinto, inilapag ko mona ang hawak na tabo saka kamote sa ibabaw ng mesa. At tinungo ang pinto para pagbuksan ang kumatok.

"Oii, Twi. Kumusta?" Bungad sa kanya ni Cris.

"Ito unemployed pa rin, wala namang pinagbago." Malungkot kung sabi.

Naawa naman itong tumingin sa'kin, Oo na. Sanay na akong kaawaan ng ibang tao, hindi na iyun bago sa'kin.

"Nga pala, ano sadya mo dito?" pangingiba ko ng usapan.

"Sabi ni Aling Uring at Aling Suli naghahanap ka raw ng trabaho?"

Nagkibit balikat ako at tumango.

"May napili akong trabaho para sayo." halata sa mukha nito na sigurado ito.

"Ano?" na e-excite na tanong ko, pero hindi ko pinapahalata. Baka kasi sabihin nito na hayuk ako sa trabaho.

"Naghahanap si Boss ng janitress, total may nahanap na kaming janitor. Okay ba?"

"Pag-iisipan ko." Sabi ko at tinanggap ang binigay nitong papel.

KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]Where stories live. Discover now