CHAPTER 12

65 0 0
                                    

PAGKATAPOS namin manood ng balita sa telebisyon ay sakto namang tinawag na kami ng mayordoma upang mag-agahan.

Kasalukuyan kaming kumakain ng may na-alala akong bagay na pamilyar sa'kin. Iyung tasa na hawak ni Sarquael kanina.

"May problema ba? Ang lalim ata ng ini-isip mo." Tanong nito sa kalagitnaan ng pag nguya.

Umiling ako, "Wala, may na-alala lang. Don't mind me, kumain na lang tayo." Hindi pa rin mawala sa isip ko ang bagay na 'yun.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong dumiretso sa kuwartong iyun. Pero nabigo ako ng wala na ito sa bed side table.

"Ano'ng hinahanap mo?"

"Iyung tasa."

Nagsalubong ang kilay niya, "Tasa? Ano'ng gagawin mo sa tasa ko?"

"Parang nak-AHHHH!" Agad akong napatakip ng mata, dahil biglang kumidlat.

"Twinary!" Kinulong ako ni Sarquael sa kanyang mga bisig. Para akong mabibingi dahil sa lakas ng ulan na tumatagaktak sa kisame.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya ng kumidlat na naman.

"Shhh, I'm here Twinary. Huwag kang matakot, nandito lang ako." Pampakalma nito sa'kin.

Nag linyahan ang kilay ko dahil sa memoryang dumadaloy sa isipan ko. Ano bang nangyayari sa'kin?

"Twi? ano'ng ginagawa mo d'yan sa ilalim ng mesa?" Tanong ko sa kanya ng mapansin ko ang panginginig niya.

Bigla akong umatras ng ilahad niya ang kamay sa harapan ko. Umiling ako, "No, I don't need you. Umalis ka na, hindi kita kailangan! Umalis ka na!" umiiyak na bulyaw ko sa kanya ng pilit niyang isiniksik ang sarili sa ilalim ng maliit na mesa.

"Twi, tanggapin mo ang kamay ko. Huwag kang matakot poprotektahan kita, nandito lang ako." Napansin ko ang luhang umagos sa mga mata niya.

"Umalis ka na, hindi kita kailangan." Pangtataboy ko sa kanya.

"Twi, I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat, huwag mo akong ipagtulakan please." Pumasok siya sa loob ng mesa at inabot ang kamay ko.

Binawi ko sa kanya ang kamay ko 'tsaka lumabas sa ilalim ng mesa. "Like my mother, like son, MONSTERS!" Galit na sigaw ko na ikinagulat niya.

"Monsters? Iyan ba tingin mo sa'min Twinary?" Naluluhang tanong niya.

Walang pag alinlangang tumango ako, "Both of you are monsters!" Pagkasabi ko niyon ay tumakbo ako.

Pero hindi niya ako tinantanan kasi hinahabol niya pa rin ako, nahuli niya ako pero buong lakas ko siyang tinulak at pinagpatuloy ko ang pag takbo. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkabasag pero hindi na ako nag-abalang lumingon. Ang gusto ko lang ay makalayo sa bahay na 'to at sa taong iyun.

"NO!!" napabalikwas ako ng bangon.

"Anak, jusko. Salamat naman at nagising ka."

Ha? Saan ako?

Nilibot ng paningin ko ang paligid.

Hospital?

Teka, ano'ng ginagawa ko dito sa hospital? Sa pagkaka-alala ko ay na sa kuwarto kaming dalawa ni Sarquael habang nagyayakapan.

"Ma, sorry kong nakatulog ako." Hinging tawad ko.

Nakita ko ang maluhang mata ni Mama, "Anak, jusko! Akala ko hindi ka na magigising, dalawang araw ka ng natutulog." Napakurap ako ng ilang beses.

"Ano?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Tumango si Mama, "Oo anak, dalawang araw kang tulog at hindi namin alam kung ano ang dahilan."

KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]Where stories live. Discover now