CHAPTER 40

41 0 0
                                    

Twinary POV

As the sun tanned the rice field with its golden rays, sa gitna kami mismo nagtagpo ni Sarquael kong saan naroon ang mga magsasakang nagtatanim.

"Parang magandang magtanim ng palay, 'no?" Tanong ko pa habang nakahawak sa—para hindi liparin ng hangin."

Oo nga, Twinary. Makakatulong tayo sa mga magsasaka." Sumangayon naman ito sa sinabi ko.

nabutan kami ng mga magsasaka ng isang kumpol ng palay para itanim. Hinati namin dalawa iyun at nagsimula na kaming magtanim nagbibigayan kami ng binhi at binalot ng kasiyahan ang paligid. Habang nagtatanim kami ay napansin ko ang mga magsasaka, parang nagugutom ang mga ito.

"Parang kailangan natin silang tulungan hindi lang sa pagtatanim, kundi pati na rin sa kainan." Bulong ko kay Sarquael ng tumigil ito.

Tiningnan nito ang mga magsasaka na ngayon ay walang tigil sa pagtatanim kahit tumitirik na ang araw, hindi pa nga kami nagtatagal dito ni Sarquael ay ramdam na ramdam na namin ang init, paano na lang kaya ang mga magsasaka na halos buong araw bilad sa araw para lang may ma ani? 

"Tama ka. Ano sa palagay mo ang pwede nating gawin para naman tumigil muna sila," Bulong nito pabalik. 

Walang pagdalawang-isip na tinulungan namin ang mga magsasakang asikasuhin ang lupa at itanim ang mga binhi. Pagkatapos ay nagbigay kami ng oras para makatulong sa mga asawa ng magsasaka sa paghahanda ng tanghalian.

"Kumusta, ate? Paano kami makakatulong sa pagluluto?" Tanong ko kay Manang Joelita na ngayon ay naghahanda ng kakanin. 

"Salamat at dumating kayo. Tara, magluto tayo ng masarap na ulam para sa mga magsasaka." Sabi naman ni Mama, inalalayan pa namin si Mama sa daan lalona't madulas ang daan paibaba. Kahit matirik ang araw ay hindi natin kung malambot ba o matigas ang lupa lalona't umuulan ng malakas kagabi.

Nagsimula na kaming magluto ng lutong-bahay at sabay-sabay na nagtrabaho sa kusina kasama ng mga Asawa ng magsasaka. Habang nagluluto, nagkwentuhan ang Ilan, pinakilala ko sa kanila si Sarquael at halatang nagulat ang lahat kaya sobrang hiya ang naidulot niyon Kay Sarquael dahil doon ay masaya ang samahan naming lahat.

"Ang saya-saya naman dito. Parang pamilya na tayo." Sabi ni Sarquael pagkatapos naming mahatid ang mga pagkain sa Isang Kubo. Pinaypayan namin ang mga pagkain gamit ang cellophane na itinali sa dulo ng barbeque stick. 

"Oo, Sarquael. Maganda sa pakiramdam na makatulong at maging bahagi ng komunidad dito." Sagot ko pa at pinagpatuloy ang ginawa.

Habang nag-aalab ang init ng tanghalian, puno ng ngiti ang mga mukha ng mga magsasaka at kanilang pamilya. Sa ilalim ng kakaibang araw sa araw na ito, napatunayan ko na ang pagtutulungan at pagmamahalan ang nagbubuklod sa Isang komunidad.

Nagpaalam si Mama na may kukunin lang sa bahay kaya nagpatuloy kami sa pakikipag kuwentohan. 

Kaming lahat ay nagulat ng marinig namin ang kagulohan sa ibaba.

Siniko ako ni Sarquael, "Twinary, ano kaya yung ingay sa baba? Parang may nangyaring masama."

"Teka lang, Twinary, baka kailangan tayo doon." Inalalayan ko bumaba si Sarquael pagkatapos ay sabay kaming tumakbo papunta sa pinagmulan ng kagulohan. 

Sinalubong kami ni Mama, habol pa nito ang hininga ng makalapit sa amin, "Anak, iyung apo ko, biglang sumulpot mula sa balcony at napadpad sa bubong ng van! Tumawag na ako ng tulong-naku jusko, ibaba niyo siya sa van baka ano pa mangyari sa kanya," Habol hininga nitong sabi, pinapakalma ni Sarquael si Mama habang ako naman ay tumungo sa pinagka gulohan. 

"Paano ba napunta ang Bata na yan sa bubong ng van?"

"Tumalon yan mula sa balkonahe ng bahay ni Twinary,"

KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]Where stories live. Discover now