CHAPTER 28

21 0 0
                                    

Twinary POV

- Conference Room



"Now you can talk, nobody's around it's just you and me. Now, tell me... what happen?" Umupo siya sa Isa sa mga swivel chair at matiim na nakatitig sa'kin at hinintay akong magsalita.



"Kyuhi, naging third wheel ba ako?" Diretso kong tanong sa kanya. Nagsalubong naman ang kaniyang kilay.



"Alam mo, trabaho mo ang pagiging personal assistant ni Boss at hindi dapat pinagtutuonan ng pansin ang relasyon niyong dalawa kung meron man, may personal ka ding buhay na kailangan asekasuhin paglabas mo sa kompanyang ito kaya ka laging busy na naging dahilan kung bakit ulit bumalik ang chemistry nila Boss at ng secretary niya. Pero napapansin naman ng lahat na wala talagang namamagitan sa kanilang dalawa kundi isang secretary at boss lang. Hjndi na dapat bini big deal ang mga ganong bagay, you see...ikaw iyung naging sentro ng usapan na baka daw ay dahil sayo hindi na nila ulit nakikita ang dating si Secruby na maya't-maya kahit saan ay palaging nakabuntot kay Boss. Because being a secretary is his job not our boss lover. Hayaan mo'ko, pagsasabihan ko silang lahat na tumigil na sa paninira nila sayo. Well, lahat naman tayo may personal na buhay eh sadyang pino-point out lang talaga ng mga tao ang mali." Para akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ni Kyuhi.





"Siguro, kailangan ko nang dumistansiya kay Boss dahil ayaw ko magkaroon ng issue baka ako iyung maging dahilan ng pagkasira ng imahe ng kompanya." Sabi ko naman.





"Makinig ka Twinary, kung ano man ang sasabihin nila huwag kang magpapa apekto dahil iyun ang gagamitin nila laban sayo. Huwag mong ipakitang na aapektuhan ka. Dahil alam mo sa sarili mo na hindi totoo ang binibentang nila sayo, trabaho ang ipinunta mo at hindi ang pumalit sa puwesto ni Secruby, pareho kayong may trabaho at iyun ay ang pagiging Secretary at Personal Assistant at trabaho niyong sumunod sa sasabihin ni Boss. Kung gusto niya kayong dalawa na makasama kahit saan siya pupunta, hindi big deal iyun kasi trabaho lang walang personalan diba?" Sumimsim siya ulit ng kaniyang black coffee pagkatapos ay lumapit sa'kin at hinawakan ako sa balikat. "Kung may maninira man sayo, huwag kang magpapa apekto Twinary. Sabihin mo lang sa'kin kung may problema ka, makikinig ako. Tyaka ako na bahala kumausap sa kanila, bumalik ka na kay Sir. may lagnat iyun alagaan mo siya." Aniya at iniwan ako.





Parang pina-process pa ng utak ko lahat ng kaniyang sinabi, "Naku naman, trabaho lang naman ang pinunta ko dito at wala sa plano ko ang makipag relasyon kay Sir." Napahilamos ako ng palad sa mukha.





Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor ng makasalubong ko si Secruby, "Bakit nandito ka? Diba inutusan kitang tingnan si Sir?" Malamig niyang tugon sa'kin.



Yumuko ako, "Secruby, I'm sorry." Hinging tawad ko.



"Don't apologize, wala ka namang ginawang kasalanan. Leave it to us, kami na ang bahala ni Sir. Umasikaso nito." Aniya.





Hindi puwedeng uupo lang ako dito at walang ginagawa, "Ano'ng maitutulong ko Secruby?"



"Ang tangi mo lang magagawa ay alagaan si Sir. Habang wala ako." Iyun lang ang sinabi niya at iniwan ako.



Sarquael POV



"Sir, your father is here." Anunsiyo ni Secruby na siyang ikinawala ng emosyon ko. Bumuga ako ng hangin.





"Let him in." Sagot ko at tumango naman si Secruby.



Ilang minuto lang ay umiba ang atmospera ng buong opisina, "Son, ano iyung chismis na umabot sa tainga ko? Totoo ba lahat iyun?" Bungad niyang tanong.





KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]Where stories live. Discover now