Twinary POV
"Twinary, can you give this so Sir. Sarquael? His in the conference room on the 3rd floor. He need this document now." Sabi ni Secruby sabay abot sa'kin ng dokumento pagkatapos ay iniwan akong mag-isa sa loob ng opisina.
Tinapos ko ang aking ginagawa at siniguro kong malinis ang loob ng opisina bago ako umalis. Tahimik ang corridor ng madaanan ko ito at bumalik naman sa normal ang pakikitungo ng mga empleyado sa'kin. Kasabay ko pa sa elevator si Kyohi na halatang inutusan din kagaya ko.
"So, how are you Twi?" He ask while looking at the document he was holding.
Nagkibit-balikat ako tyaka tumingin sa aking repleksiyon mula sa stainless wall ng elevator, "I'm fine. Thanks to Sir. Sarquael." Sabi ko na siyang ikinatango niya.
"Saang floor ka?" Kapagkuwan ay tanong niya. Umangat ang aking tingin para tingnan siya. "Uhm... sa 3rd sa conference room." Sagot ko.
"Ayos! Doon din ang punta ko." Aniya at napahampas pa sa hangin kasabay ng pananahimik naming dalawa dahil bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ang isang binatang pamilyar sa'kin.
Muntik na akong mabuwal sa aking kinatatayuan ng mamukhaan ko siya, holy shit! What is he doing in here? Sa pagkaka-alala ko siya iyung strangherong hinatak ko nong hapon na iyun para humingi ng tulong upang matulungan si Secruby. Pero ano'ng ginagawa niya dito?
Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng lumingon siya sa'kin. Nahuli niya kaya ako? Palihim akong napa iling. Pagkatunog ng bell hudyat na lalabas na kami ay nauna na akong lumabas, muntik ko ng takbohin ang pagitan ng corridor at ang conference room dahil malapit ng magsisimula ang meeting. Pagkabukas ko ng pinto ay na sa'kin lahat ng mga mata pero hindi doon nakatuon ang aking aking atensiyon bagkus ay sa puwesto ni Sarquael at sa matandang kasama nito.
"Sir. Sarquael, your personal assistant is here." Ana'ng Department head. Akmang lalapit ako sa kanila ng humarap sa'kin ang matandang katabi ni Sarquael parang isang kidlat ang tumama sa buong pagkatao ko upang magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Mas lalo akong nanlumo ng tumingin siya ng diretso sa aking mga mata.
Matagal ko na siyang hindi nakita simula nong umalis kami ni Mama sa Lugar na iyun at hindi ko aakalain na magtatagpo pa ulit ang aming landas. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa para sana umatras ng mapansin kong lumakad sila patungo sa kinatatayuan ko.
"Hello, you must be my son's personal assistant. Twinary Herrerachy right? Nice to meet you." Ngumiti siya sa'kin pagkatapos ay inilahad ang kamay. Pinanlaputan ako ng pawis bago nakipagkamay sa kaniya.
Parang may tinik ang bumara sa aking lalamunan upang hindi ako makapagsalita, "H-ello po, Opo. A-ako po iyung personal a-ssistant ng a-anak mo p-po." Pinilit kong magsalita kahit nahihirapan ako at napakislot ang ng humigpit ang pagkakahawak ng kaniyang kamay.
"That's enough, he's my Personal Assistant Dad and also my- I mean, my childhood best friend also." Pumagitna siya sa'min at hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.
Tumango-tango si Mr. Kael pagkatapos ay hinawakan ako sa balikat, "I know you did your best, Twinary." Aniya pagkatapos ay nilampasan ako.
"Are you okay Twinary?" Sarquael ask.
Tumango ako bilang sagot tyaka binigay sa kanya ang dokumento. "I'm okay, pinapabigay pala ito ni Secruby sayo." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Do your best for the seek of the company." Dagdag ko pagkatapos ay tinungo ko ang pinto, sinundan lang ako ng tingin ng mga shareholders at hindi sila umimik ng tuluyan na akong lumabas ng conference room.

YOU ARE READING
KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]
RomantikA man who had dreams about his mother's health. A man with a golden spoon in his mouth is looking for a person whom can gave him kindness that day. ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ I am his assistant He is my boss His the one whom cannot control nor stop the fl...