CHAPTER 20

40 0 0
                                    

Still Sarquael POV



INABOT sa'kin ni Secruby ang isang box ng inhibitor pagkatapos ay umupo siya sa single sofa. Nagkibit-balikat siya at pinag cross ang dalawang paa, "Ano ba talaga ang nangyari Sarquael?" Naguguluhan niyang tanong.





"Walang nangyari." Sagot ko.



"Eh? Kung wala nga'ng nangyari hindi ka sana tumatakbo palabas ng cabina na tanging towalya lang ang suot mo. Huwag kang mag sinungaling sa akin Boss." Seryosong tanong nito.



Nagkibit-balikat ako, "Seryoso ka na nga dahil tinawag muna akong Boss." Sagot ko naman sabay lagok ng dalawang dapleta ng inhibitor.



Hindi malakas ang epekto ng pheromones ni Twinary sa akin dahil nakalayo na ako sa kaniya bago pa man ako malunod sa malakas na amoy na iyun. "Secruby, are you an alpha or an omega?" Napansin kong bumadha sa mukha niya ang gulat pero kalaunan ay binawi niya ang pagkagulat at pinalitan ng seryosong mukha.





"I'm an omega." Sagot niya pagkatapos ay nag-iwas ng tingin sa'kin.





Natahimik naman ako sa naging sagot niya, "W-what? You're an omega?" Oo na, paulit-ulit Sarquael? Rinig mo naman ata sagot niya.



Tumango-tango siya, "Kumusta ang pakikipag-usap Kay Twinary tungkol sa presentation next week?"





"Maayos naman, hindi naman siya nag reklamo at sumunod naman siya sa mga pinagsasasabi ko."



"I see, so can I go back?" Tanong niya sabay turo sa pinto.



"Puwede ka na umalis at isa pa, can you give Twinary some of my inhibitors?" Sabi ko at tinuro ang isang cellophane na puno ng inhibitors.



"Sure, I'll ask my twin brother to give him some." Aniya tyaka kumuha ng tatlong box.



Umangat naman ang kilay ko.



"Don't worry, he's an alpha kaya malabong may mangyari sa kanila. As of now, matulog ka na pasado alas dose nang madaling araw na."





Twinary POV



He ran away from me, ganito pala ang pakiramdam kapag tinakbuhan?



"Twi? ano'ng ginagawa mo d'yan sa ilalim ng mesa?" Tanong ko sa kanya ng mapansin ko ang panginginig niya.



Bigla akong umatras ng ilahad niya ang kamay sa harapan ko. Umiling ako, "No, I don't need you. Umalis ka na, hindi kita kailangan! Umalis ka na!" umiiyak na bulyaw ko sa kanya ng pilit niyang isiniksik ang sarili sa ilalim ng maliit na mesa.



"Twi, tanggapin mo ang kamay ko. Huwag kang matakot poprotektahan kita, nandito lang ako." Napansin ko ang luhang umagos sa mga mata niya.



"Umalis ka na, hindi kita kailangan." Pangtataboy ko sa kanya.



"Twi, I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat, huwag mo akong ipagtulakan please." Pumasok siya sa loob ng mesa at inabot ang kamay ko.

Binawi ko sa kanya ang kamay ko 'tsaka lumabas sa ilalim ng mesa. "Like mother, like son, MONSTERS!" Galit na sigaw ko na ikinagulat niya.



"Monsters? Iyan ba tingin mo sa'min Twinary?" Naluluhang tanong niya.



Walang pag alinlangang tumango ako, "Both of you are monsters!" Pagkasabi ko niyon ay tumakbo ako.



KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]Where stories live. Discover now