CHAPTER 16

65 1 0
                                    


Sarquael POV.

MINULAT ko ang aking mga mata ng maramdaman kong may nakatingin sa'kin.

I saw Twinary with his worried face, "Ano'ng nangyari sayo?" napansin ko ang pamamaga ng mata niya.

Umiwas siya ng tingin sa'kin, "Tell me Twinary, ano'ng nangyari sayo?"


"Wala, walang nangyari sakin." Tumayo siya at inabot sa'kin ang food tray. "Kumain ka na, kailangan ko nang pumunta sa palayan." Pinigilan ko siya sa braso.


"Masyado itong marami at hindi ko 'to ma ubos, sabayan mo na lang ako." Walang imik na tumango siya at umupo sa paanan ko.


Tahimik siyang kumain hanggang sa matapos.


----


"Oyy! Twinary hijo, halika na dito! Sabayan mo kaming kumain!" Sabay na bumaling ang atensiyon namin ni Twinary sa isang matanda na babae.


Kinawayan niya ito pagkatapos naming bumaba sa bato. "Hijo, pagsabihan mo nga iyang boss mo na tulungan kaming mag araro." Puna ng matandang lalaki.


Pero hindi pa rin nag bago ang reaksiyon ng mukha niya, ngumiti ako 'tsaka bumaling sa matanda. "Sige po, turuan niyo na lang po ako kung paano mag araro po."


Napansin ko ang panlalaki ng mata niya dahil sa sinabi ko. "Sigurado ka? Baka mahirapan ka sa gagawin mo." Puna niya.


Nginitian ko siya, "It's ok, lahat kakayanin ko para sayo." Pambobola ko na ikina-ubo ng matanda. "Tara na po Manong." Aya ko kay manong sabay baba sa putikan.


Pero muntik na akong mapamura dahil sa nakakadiring putik na bumalot sa paa at damit ko. Pero ganito talaga ang buhay ng mga mahihirap, mula sa putikan hanggang sa pagtatanim ng palay. Hindi ko ininda ang pandidiri bagkus ay sumulong pa rin ako sa putikan kasama ng iba pa.


"Dito ka Hijo, pumuwesto ka sa likod ng kalabaw 'tsaka humawak ka dito." Iginiya ako ng Isa pang matanda sa likod ng kalabaw, may nakapuwestong kahoy don na hugis kahon na nagsisilbing panghukay. (A/N: Kayo na po bahala mag-isip, hindi ko kasi alam kung ano ang tawag don.)


Nong una ay nahihirapan akong itulak iyun pero kalaunan ay gumaan na kasi ilang beses din akong nagtulak hanggang sa lumambot iyung lupa. Bawat tulak ko ay nag-iiwan ng linya.




"Twinary hijo ano ginagawa mo! AHHHH!"


Lahat ng magsasaka na kasalukuyang nagtatanim ay napalingon sa sumigaw. Nakita ko si Twinary na masayang lumubog sa putikan habang sinasabuyan ng putik ang mga bata na kasama nito.


Dahil don ay nakikisabay na rin ang mga matatanda hanggang sumali na din ang mga magsasaka. Tumilapon sa mismong mukha ko ang putik na galing sa pangsasaboy ni Twinary, hindi na ako nagulat kasi ina-asahan ko naman na matatamaan din ako. Gumanti ako ng saboy hangga't pareho kaming nagsabuyan.


Rinig ko pa ang malakas na tawa ni Twinary, "HAHAHAHAH! Isa pa, talo ka pag tumigil ka!" Tinuro niya ako.


Wait what? Hinahamon ba niya ako? Pero kung ganon man.....why not?


I smirk, "Okay, kong sino man ang matatalo sa larong ito. Paniguradong gagawin ang parusa."


Naghahamong tumingin siya sa'kin, "Ano'ng parusa?"


"Sa akin na lang iyun." Pangmamalaki ko.


Umangat ang sulok ng labi niya, "Game!" Seryosong sagot niya.


KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]Where stories live. Discover now