Twinary POV
Ayun sa usapan ay nauna kami ni Sarquael bumiyahe papunta sa amin, si Sawyer na ang bahala sa anak ko kung sakaling mag tanong ito tungkol sa amin.
Inabot ng labing dalawang oras ang biyahe bago kami dumating sa lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki. As usual hindi pa rin nawawala ang seguridad ng Lugar na ito noon pa man pinara kami ng isang tanod hiningi ang lisensiya at QR code ng driver, kilala ko ang nagmamayari ng boses na iyun kaya sumilip ako sa nakaawang na bintana. Nagulat naman ito ng mag tagpo ang mata namin kaya ngumiti ito ng malapad bago kumatok sa mismong glass ng bintana.
Sumilip siya kapagkuwan ay napalatak ng tawa, "Oy Twinary, Ikaw pala yan Ethan papasukin niyo sila kilala ko to," Ang laki ng ngiti niya. Hindi na ulit tinuloy ng driver ang pagpapalabas ng lisensiya niya dahil pinagbuksan na kami ng gate.
Huminto ang sinasakyan namin sa may Tindahan kasi may bibilhin pa daw si Manong Driver nakipag kuwentohan pa ako kay Jamer, ang kaibigan ko noon na Isang opisyal na Tanod na ngayon. Pinakilala ko sa kanya si Sarquael at halatang nagulat pa ito.
"Aysos, noon umalis ka para mag hanap ng trabaho ngayon bumalik ka hindi lang sa professional ka na kundi may bitbit ka ng Asawa," Pabirong sabi niya. Sabay kaming tumawang dalawa ni Jamer.
"And I love him so much," Naudlot ang tawa naming dalawa ng sumingit si Sarquael na nagpa tahimik sa aming dalawa ni Jamer.
"Oo naman po hahaha, Alagaan mo itong Twinary namin ha," Sabi nito. Nagpaalam na ako kay Jamer ng umusog na ang sinasakyan namin tumingin ako kay Sarquael na ngayon ay hindi maipaliwanag ang mukha.
"You're jealous right?" Panunukso ko.
"Yes, I am and always," Nilamon ng tuwa ang buong katawan ko sanhi ng pag tawa ko ng malakas. Tinutukso pa kami ni Manong Driver kaya pinaghahampas ako ni Sarquael sa balikat.
Tumigil lang ito ng huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng maliit naming gate gawa sa kawayang buo. Tanaw ko ang bakuran namin na nooy pinagpugaran ng mga ahas ngunit umiba na ang itsura nito ngayon at mas lalong gumanda mga nakahalirang pananim na purong gulay sa bawat sulok ng bakuran dagdag mo pa iyung mga bulaklak.
Abot-abot ang kaba ko hindi dahil ipapakilala ko na kay Mama si Sarquael kundi sa katotohanang itinago ko sa kanya ang totoo.
Nagulat ako ng bumungad sa'min si Mama na may hawak na walis tingting na parang manghahanap ng away sa karatig bayan.
"Ma—" Hindi ko pa man naituloy ang sasabihin ko ng hampasin nito ako sa ulo mahina ngunit masakit.
"Ikaw Bata ka ah, anong sinabi mong wala kang girlfriend kasi hindi naman talaga girlfriend ang ipakilala mo sa'kin kundi kapwa mo lalaki heh!" Akmang hahampasin ulit ako nito ng humarang sa pagitan namin si Sarquael ngumiti ito pagkatapos ay binati si Mama.
"Good morning Yaya, siguro nakalimutan muna ako?" Ang kaninay madilim ang mukha nito ay napalitan iyun ng kagulohan.
Sinuri nito ng maigi ang mukha ni Sarquael kasunod ay ang pagsuri nito sa postura, bawat sulok ng katawan ni Sarquael ay hindi pinalagpas ni Mama hanggang dulo ng buhok nito ay hindi pumalya.
Bigla itong ngumiti ng malapad habang hinawakan ang magkabilang pisngi nito, "Sarquael? Ikaw ba talaga yan, naku naku ang alaga ko ang laki muna oh!" Kulang na lang ay papalakpak ito sa hangin habang tumatalon.
Ngumiti si Sarquael pagkatapos ay tumango, "Opo Yaya, ako po 'to si Sarquael," Napahiyaw si Mama sa tuwa, niyakap nito ng mahigpit si Sarquael pagkatapos ay pinapaulanan ng halik ang buong mukha nito.
YOU ARE READING
KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]
Roman d'amourA man who had dreams about his mother's health. A man with a golden spoon in his mouth is looking for a person whom can gave him kindness that day. ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ I am his assistant He is my boss His the one whom cannot control nor stop th...