Yna's POV
It's sunday afternoon at naisipan kong tumulong na maglinis ng bahay, umalis kahapon ng tanghali sila mom for out of town meetings at umalis naman si kuya dahil sinamahan niya si kuya earl sa mall at nasa bahay lang naman ako kasama si ate carla, manang florintina at si cheeky, miss na miss kona si cheeky nagkasakit siya kaya naman kahit labag sa loob ko nong una ay pinaubaya muna namin siya sa veterinarian ng halos isang linggo.
habang naglilinis ay bigla kong naalala ang mga kaganapan nong friday night hanggang ngayon hindi ko pa din expect ang mga nangyari at ang isa kong problema ngayon ay baka nagalit na naman sakin si charm, nong magpapaalam sana ako sakanya ay masama ang tingin niya sa akin, kaya naisip kong wag nalang muna siyang kulitin, at alam ko ding gustong-gusto niya si luke dahil inamin niya sa akin nong nagkabati kami nong friday ng umaga kailangan ko bang iwasan si luke para hindi na siya magalit o magtampo sa akin?? ang daming pumapasok sa isip ko at hindi ko alam ang aking gagawin........
maya maya pa ay natauhan ako nong umakyat sa kinauupuan ko si cheeky at nahiga sa aking hita, hinaplos ko ang kanyang ulo at maya maya pa ay nakatulog na siya, naglalakbay pa rin ang aking isip at naalala kong nag dm sa akin si luke nong friday night, inaamin kong natuwa ako nong nabasa ko yun subalit hindi ko nalang siya nireplyan dahil may bumubulong sa isip ko na baka maling replyan ko pa siya dahil nag-aalala talaga ako ng lubusan sa bestfriend ko
sumapit ang gabi at nilaan ko nalang ang oras na iyon sa aking pag-aaral, nong makauwi si kuya ay may dala siyang pizza and ice cream para sa amin nila manang kaya naman nakipagkwentuhan muna ko sakanila bago mahiga sa kama ko, siguro nga'y magiging tama ang desisyon kong umiwas nalang kay luke dahil ayokong makita ang kaibigan kong masaktan at ayoko din na magalit pa siya sakin, kaya naman buo na ang desisyon kong umiwas nalang kay luke kahit mayroon sa isip kong nagsasabi na hindi naman kasalanan kung mag-usap kami bilang magkaibigan, pero simula bukas ay hindi ko na lang siya papansinin at iiwasan nang bumilis ang tibok ng puso ko sa tuwing makikita ko siya.....
Kinabukasan
Maaga akong nagising kaya sumabay ako kay kuya papasok ng university
'sa umaga mo nalang turuan si benj okay? dahil baka maging hectic sa sched. mo kung pati hapon ay maglalaan ka ng oras para don' panimula ni kuya
naisip ko namang tama si kuya at bukod don ay gusto ko na ring iwasan si luke at makakatulong nga iyon upang hindi na din lumapit lalo ang loob ko sakanya.....
'okay kuya, nakikita ko namang napakabilis ng improvement ni benj' nakangiting sagot ko sakanya
'yes bukod sa matangkad siya ay nakikita ko ang pagpupursigi niya kaya naman hanggang friday mo nalang siya aalalayan sa mga basic skills yna, at para din mas makapag focus kana sa studies mo, pero ngayon palang ay nagpapasalamat nako sayo' nakangiting saad naman ni kuya medyo nalungkot naman ako dahil one week nalang pala ako makakasama sakanila sa pagppractice nila pero okay lang yun.....
nakarating kami sa university at pumasok papuntang gym, as usual early bird ang kuya ko kaya sila kuya earl at kuya leo palang ang nandoon at si kuyang janitor na nililinis ang court
'Goodmorning captain ,goodmorning beautiful lady' bati saamin ni kuya leo
'morning' saad naman ni kuya
'good morning kuya leo and kuya earl' nakangiti namang sabi ko
'kamusta ang date niyo ni luke nong friday maayos naman ba yna hehehhe' agad na tanong ni kuya earl at nagulat naman ako sa sinabi niya
'ano nagdate kayo?? nako hindi man lang magkwento oh' kunwari namang tampo ni kuya leo at natatawa naman ako dahil sa mga kalokohan nilang sinasabi
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Teen FictionWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare