Chapter 34

13 2 0
                                    

Yna's POV

Totoong pagod ako kaya hindi ko rin masyadong nakausap si luke, at hindi ko alam ang nangyari sa'kin kanina dahil parang nanlumo ako at nainis ng kaunti nang makitang nag-uusap sila ni charm at nakangiti parehas, hays dapat hindi ko nararamdaman ang pakiramdam na ganon, kaya umiwas nalang din ako para makapag isip-isip, sorry luke, miss na miss na kita pero magpapahinga nalang muna siguro ako at alam ko namang busy ka......

Nagising ako ng hating-gabi na sobrang sakit ng ulo, kaya umupo ako sa kama ko at hinipo ang noo ko, sobrang init ko, gusto ko mang tumayo ay hindi ko magawa, kaya ipinahinga ko muna ang ulo ko sa head rest at mayamaya ay tumayo na'ko para bumaba at uminom ng gamot, nanghihina ako at hindi ko na kayang tumaas kaya nahiga muna ako sa sofa namin sa living room at hindi ko namalayang nakatulog na'ko

'baby, wake-up anak ang taas ng lagnat mo' naririnig ko ang boses ni mom at bahagya niyang tinatapik ang pisngi ko kaya unti-unti akong nagmulat at nakita siya sa tabi ko samantalang nakatayo naman sila kuya sa gilid ng sofa kaya umupo ako ng ayos bago sila nginitian

'ang taas ng lagnat mo anak, pinapabayaan mo ba ang sarili mo?' seryosong saad sa akin ni dad

'hindi po dad, siguro po ay napagaod lang ako sa convention namin dahil halos wala akong tulog, pero okay naman po ako dad, I will take some rest today dahil wala rin po akong pasok today'

'sige umakyat ka na muna sa taas princess okay? aalalayan ka ni kuya mo at magpapahanda lang kami ng pagkain at gamot, take care of yourself loveyou' sabi ni dad sa akin at hinalikan ko muna sila ni mom sa pisngi bago nagpa-alalay kay kuya na tumaas sa aking kwarto, pagpasok namin sa kwarto ay pinahiga niya muna ako bago nilagyan ng cool fever sa aking noo

'yna, masyado mong binababad ang sarili mo sa pag-aaral kaya ka nagkakasakit, sana naman ay wag mong pabayaan ang sarili mo'

'sorry kuya, pero hindi ko naman po talaga pinapabayaan ang saril----'

'really huh? kaya pala nong nakaraan ay nagpasundo ka sa akin sa Venice ng hindi pa nakain ng dinner'

'hindi ko naman po kasi alam na makakalimutan ni luke yung dinner namin kuya' napapahiyang sabi ko sakanya

'yna, si luke ay kaya niyang alagaan ang sarili niya naiintindihan mo ba? kaya sana ay inaalagaan mo rin ang sarili mo, dahil hindi rin naman sa lahat ng oras ay magkasama kayo at iintindihin ang isa't-isa, parehas kayong busy pero sana wag mong ilaan ang oras mo na libre sakanya habang ikaw naman ay napapabayaan mo na ang sarili mo, priority mo ang health mo kharyna, naiintindihan mo ba?'

'sorry kuya' wala akong masabi dahil naguguilty din ako

'sige na, kumain ka ng marami okay? magpagaling ka, bibilhan kitang milktea at takoyaki pag uwi ko, loveyou' ginulo niya muna ang buhok ko bago siya umalis sa aking silid, may practice nga pala sila kaya maaga siya umalis, mayamaya naman ay pumasok si mom sa room ko kaya sinimulan ko nang kumain, sopas ang ipinaluto niya kay manang, pagkatapos ko namang kumain ay pinainom niya na'ko ng gamot

'thankyou mommy'

'it's my responsibility baby, take care always okay? I'm very sorry dahil busy kami lagi ni daddy mo at hindi na kita naaalagaan ng ay------'

'mom, it's not your fault, and lagnat lang naman po ito mawawala rin to mamaya okay? i love you' malambing na sabi ko sakanya

'no anak, may kasalanan din kami ni daddy mo sayo, pero promise babawi kami sainyo okay? i love you more my forever baby' hinalikan niya ko sa noo at nagpaalam na muna siyang lalabas siya, gusto ko sanang magbasa ng libro ngunit medyo masakit pa ang ulo ko kaya wala akong ginawa kundi mahiga, mayamaya naman ay tumawag sa akin si luke, nagulat pa muna ako bago siya sagutin

My Super Rookie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon