Yna's POV
Pagkatapos naming magdinner ay naligo na'ko at may tinapos akong maiksing power point para sa activity namin bukas at saka ko chineck ang mga social media accounts ko, habang chinecheck yun ay nakita ko na may notif ako sa ig kaya nag open ako ng ig at nagulat ako dahil may dm na naman sa'kin si luke, naalala ko yung binigay niya sa'kin kanina naubos ko na siya actually dahil may vacant ako kanina at tumambay ako sa mini garden ng school namin at dun ko kinain ang bigay niyang donuts hahahaha...... inopen ko ang dm sa'kin ni luke
Villas_Luke
:hey napapansin kong hindi ka okay lately, is it because of your bestfriend?
itsmeMaureen
: good eve!!!! i'm okay, it's just I'm a bit busy din how about you??
at maya maya lang ay nagreply agad siya
Villas_Luke
:I'm fine, are you free now?
pagkabasa ko non ay nagtaka ako free now? ngayong gabi???
itsmeMaureen:ngayóng gabi? whyy?
Villas_Luke
:do you wanna have coffee with me? don't worry I'll pick you up, just send me the address of your house na lang
naging O shape talaga ang bibig ko pagkatapos kong mabasa yun, tumingin muna ko sa orasan at 8:15 pm medyo maaga pa naman, at may malapit na coffee shop paglabas lang ng Village namin so why not, gusto ko rin naman magkape
itsmeMaureen
:ahm sure treat mo ba? hahaha jk
Villas_Luke
:tss just send me your address na lang i'll pick you up, mamaya ka na magtanong okay
natawa naman ako sa reply niya dahil mukhang nauubos na agad ang pasensya niya, at sinend ko naman sakanya ang address at village namin sabi niya na 10 minutes lang daw ay makakarating na siya samin kaya naman agad agad akong nagbihis nag cargo pants lang ako na gray and over size na sweater na color white at nag sneakers, nag powder na lang ako at nagperfume, dinala ko na rin yung wallet at phone ko at agad na tumakbo pababa sa hagdan at nagulat ako dahil nandon silang lahat owmaygad anong sasabihin ko.....
''san ang punta mo anak bakit nakabihis ka yata?'' tanong ni dad, nakatingin din sa'kin si kuya at mommy iniintay ang sagot ko
''ahm mag cocoffee lang po'' sabay iwas ko ng tingin sakanila
''ganitong oras na magkakape kapa? at sino namang kasama mo Maureen??'' madiin na sabi ni kuya
magsasalita na sana ko ng may narinig kaming sasakyang bumusina at agad namang lumapit si ate carla sa amin
''mam yna may naghahanap po sainyo sa labas, Luke daw po ang pangalan'' saad ni ate carla, napatingin naman ako kay kuya at nakatingin na din siya saking nakataas ang isang kilay hinga yna yna.......
''papasukin mo muna siya carla'' nakangiti namang sabi ni daddy
hindi naman ako nakapagsalita dahil maya maya pa ay pumasok na sa loob si ate carla at si Luke, nagkatingininan naman kami at nginitian ko siya, tumango naman siya at tiningnan ang parents ko pati na rin si kuya
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Fiksi RemajaWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare