Chapter 14

22 2 0
                                    

Charm's POV

Gulat na gulat ako nong inakbayan ako ni luke habang palabas ng gym, kinikilig ako na may halong pagtataka si kinilos niya dahil parang may sumaping anghel sakanya at niyaya ako mag breakfast hahahahaha, nong makalayo kami sa gym ay agad niyang tinanggal ang pagkaka akbay sa akin ano ba yan akala ko naman hanggang sa kumain kami ay aakbayan pa rin niya ako.....

'ahm luke' nahihiya kong tawag sakanya nong nasa canteen na kami

'yeah? mag-order kana, kung ano ang order mo ay ganon na din sakin, here's my card mauna nako sa upuan' parang walang interes na sabi niya sakin

(card po ang gamit sa canteen nila para bayaran ang mga foods dahil ayun ang patakaran sa University, siempre parang atm din yan nilalamanan para ma charge sa card ang mga binibili ng students)

wala naman na akong nasabi at umorder nalang ,at pumunta na kung nasaan ang pwesto ni luke dahil dadalhin nalang doon ang inorder ko, umupo ako paharap sakanya at nginitian siya nang pagkatamis ngunit parang wala siyang nakita psshh sungit

maya maya pa ay dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain

'luke bakit mo nga pala ko niyaya mag breakfast I mea---------' hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nong nagsalita siya

'bakit ayaw mo ba??'

'nakakapanibago lang kasi ahm hindi ka naman kasi ganto sa akin' nahihiyang sabi ko

'masanay kana' at nagulat talaga ko nong sabihin niya yun, anong masanay? eto na  yata ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay at nararamdaman kong malapit nako sa tagumpay na maging akin si luke.....

natapos kaming mag-almusal at sabay naglakad patungo sa mga klase namin, marami ang nagbubulungan na students na nadadaanan namin tssk inggit lang kayo hahahaa

'may practice na kayo sa afternoon diba??' tanong ko sakanya

'yeah'

'pag afternoon pwedeng manood ng practice niyo, pupunta ako dun mamaya ah hehehe'

'ikaw bahala, sige na dito na ang klase ko pumasok ka na rin' saad niya

'ah okay, see you later luke, goodluck sa studies hehe' sabi ko at tumango naman siya bago tuluyang pumasok sa kanyang klase, at ako naman ay naglalakad na may ngiti sa labi at hindi maiwasang kiligin, kinikilig ako sa treatment ni luke kahit may pagka masungit siya ay nararamdaman ko namang sincere ang mga sinasabi niya, pumasok akong may ngiti sa labi hanggang sa mag lunch break, maaga akong nag lunch dahil vacant ko nang 10:30 at kakaunti lang ang mga estudyante sa canteen, nahagip ng paningin ko si benj na may kasamang tatlong lalaki, siguro ay mga kaibigan niya yun dahil kahit malayo ako sakanila ay halatang-halata na nag-aasaran sila, hanggang sa makalapit sila sa gawi ko. palabas na siguro sila sa canteen buti naman

'oh charm, charm hindi mo kasama si yna?' tanong sakin ni benj tss malamang di ko siya kasama may nakikita ba siyang yna sa tabi ko

'hindi obvious naman diba' pilosopong  sagot ko

'ang sungit naman naka make-up lang kaya mukhang maganda' rinig kong bulong nong isang kasamahan ni benj at tumaas naman ako kilay ko

'hoy ikaw hindi kita kilala para magsabi ka  nang kung ano-ano sa harap ko' inirapan ko siya pagkatapos

'ha?? kausap ba kita eh iba tinutukoy ko hahaha tara na nga, benj una na muna kami' saad nito, at sinamaan ko pa ulit siya ng tingin bago sila lumayo

'pagpasensiyahan mo na ang mga yun charm ah hehe sige na una nako' pagpapaalam niya sakin at tinanguan ko lang, at nag-order nga akong foods pagkatapos kong kumain ay nagtuloy-tuloy na ang aking klase hanggang sa mag-uwian, ang alam ko ay 4:30 pa ang practice nila luke kaya naman umalis na muna ako nang university para pumuntang grocery at bumiling mga energy drinks para kay luke ang sweet ko na ba huhu bibili pa sana akong food pero practice nga pala nila kaya paniguradong hindi rin siya makakakain

My Super Rookie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon