Chapter 10

24 3 1
                                    

Luke's POV

Habang nagmamaneho ay para kong baliw na nakangiti, hindi ko rin alam ang nangyayari sa'kin pero inaamin kong naging napakasaya ko ngayong araw and that's because of you Maureen........

hindi ko napansing nasa harap na pala ko ng bahay namin at binuksan ng guard ang gate para makapasok ang sasakyan ko, pag pasok ko sa bahay namin ay agad kong nakita ang parents ko na masama ang tingin sa'kin

''saan ka nagpunta? hindi ka man lang nag paalam sa'min Luke it's late in the evening'' bati sa'kin ni mommy ang gandang bati talaga.....

''pumunta lang ng coffee shop'' sagot ko

''gabi na mag kakape ka pa? tapos hindi ka man lang nag paalam sa'min??''

''hindi naman ako mapapano, and please stop mom'' masungit na sabi ko

''ganan ba tinururo sa medicine ha??? unang linggo mo pa lang sa course na yan ay parang araw-araw kang bumabastos? sagutin mo nga ko luke'' madiin na sabi ni mom eto na naman kami palagi na lang ganito

''pagod ako kaya mag papahinga na'ko'' mag lalakad na sana ko ng pinigilan ni dad ang braso ko

''araw-araw ka na yatang bumabastos luke, maski ang mga bisita natin kanina binastos mo, hindi kana nahiya, business partner natin ang mga yun tapos mag iinarte ka lang don kanina?? what's happening to you!!!'' saad ni dad

''dahil kayo naman ang unang bumastos sa'kin kanina'' madiin na sagot ko

''saan ang pambabastos sa mga sinabi namin aber??''

''ayaw niyo na lang kasing deretsuhin sa'kin na gusto niyo na mapangasawa ko yung anak ng business partner niyo, what the fuck??? namatay si ate ng dahil sainyo at nakakalimutan niyo na ba agad kung bakit namatay ang kapatid ko???'' at pagkatapos kong sabihin yun ay sinampal ako ng malakas ni mom nice ako pa mali ngayon bullshit family....

''ang kapal kapal ng mukha mong sabihin yan sa harap namin luke, wala kang alam kaya wag kang mamintang!!!'' sigaw sakin ni mommy habang naiyak na at agad naman siyang nilapitan ni dad upang alalayan

''oo nga wala akong alam, lagi niyo namang sinasabi yan bakit kayo ba meron? meron ba kayong alam kung gano kahirap tanggapin sa'kin na nawala ang kapatid ko ng dahil sainyo? lagi niyo lang kasing iniisip ang mga sarili niyo, pero minsan ba inisip niyo rin ako?? si ate???yung talagang mga gusto namin kesa sa gusto niyo??" mangiyak ngiyak kong sumbat sakanila at sasampalin ulit sana ko ni mom pero pinigilan siya ni dad

''kung wala kang magandang sasabihin luke umakyat ka na sa kwarto mo at wag mo nang intayin na mag-init ang ulo ko sayo at hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin sayo'' saad ni dad

''oh well anong gagawin niyo sa'kin? ano nga bang gagawin niyo sa'kin? ipapakasal ako sa taong hindi ko kilala para sa business niyo na kayo lang ang nakikinabang?wala kayong kwentang mga magulang pathetic"  at sinuntok ako ni daddy ng malakas sa mukha, ang sakit non

''UMALIS KA NA SA HARAP KO BAKA MAKALIMUTAN KONG ANAK KITA LUKE'' malakas na sabi ng tatay ko

"Sana nga iba na lang ang parents ko, sana hindi na lang kayo, oras na ipilit niyo pa ko sa mga anak ng business partners niyo, mamili na kayo sa dalawang sasabihin ko, ang mawalan ulit kayo ng anak na tulad ng ginawa ni ate o mawalan kayo ng anak na kakamuhian at handang handa kayong kalimutan, dahil sa oras na may gawin kayo sa buhay kong hindi maganda mas mabuti pang mamatay na lang ako o di kaya'y abandunahin kayo sa buhay ko dahil sa mga makasarili niyong gusto, sarili niyo lang lagi pinapairal niyo, how selfish parents." nanlilisik ang kanilang mga mata pagkatapos kong bigkasin ang huling salitang sinabi ko ngunit nagdere-deretso nako sa kwarto ko at doon nilabas ang hinanakit na matagal ng nasa puso ko ang selfish niyo nawawalan nang gana ang buhay ko sa tuwing makakasagutan ko kayo, pero wala naman akong choice kung di ang lumaban nalang kesa maging sunod-sunuran sakanila........

My Super Rookie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon