Chapter 22

23 3 0
                                    

Khaly's POV

Nasa isang room na kami ngayon para mag warm-up dahil mayamaya ay kami na ang maglalaro laban sa Tethys University, napansin ko namang wala pa si benj nasaan na kaya ang unggoy na yun.

'leo, tawagan mo nga si benj anong oras na wala pa siya' saad ko kay leo

'sige, wait lang captain' nong lumayo siya para tawagan si benj ay pinuntahan ko naman si luke sakanyang pwesto, as usual parang wala siyang pakialam sa mundo kahit nakita ko kanina yung ginawa niya sa kapatid ko tsk dumadamoves ka na kay yna ngayon ,ah.

'isa ka sa mga aasahan ng team natin luke kaya sana ayusin mo ang laro mo, hindi ko na sasabihing galingan mo dahil masiyado ka nang magaling' saad ko sakanya kaya napatingin naman siya

'yeah, I know captain, don't worry I will be the best player of our game today' mahinang sabi niya ngunit napakataas ng confident

'hmmm talaga? kaya mo?' may hamong tinig ko sakanya

'yes,but in one condition khaly' aba may condition pa ang angas talaga neto kahit kailan

'ano bang condition yun?'

'after we win this game and I will be the best player, I will court your princess mr.team captain' nakangiting baling niya sa'kin sinasabi ko na nga bang malakas tama nito sa kapatid ko tss....

'bakit ako ang tinatanong mo ng ganyan, dapat ang kapatid ko luke haha' natatawang saad ko sakanya

'ganyan din ang sinabi mo kay benj non, alam ko naman yun pero yung logic na nagpapaaalam ako sayo dahil kapatid ka niya gets mo ba huh? Engineering ka pa naman tss' may bahid na inis at sungit na pagkasabi ni luke, tawang-tawa naman talaga ko sa kasungitam nitong batang to, ang iksi pa ng pasensiya hahahaha

'easy man hahaha, gets ko okay I'm just kidding basta ang sa'kin lang kung gusto ng kapatid ko ayos lang din sakin basta magpaalam ka rin sa parents namin' seryosong sabi ko sakanya

'afcourse khaly I know, I'm sure panalo na tayo mamaya, masiyado nakong may lakas para maglaro, give it to me later captain I will do my job' nakangiting saad niya at natuwa naman ako dahil alam kong determinado siya

'okay then, goodluck to you and to my sister, mag warm-up kana wag mo kong dinadaan sa kwento Villas' nainis naman siya sa sinabi ko kaya tumayo na siya at nag-umpisa ng mag push-ups, hindi naman nagtagal ay nakaabot si benj sa pagwawarm-up, hindi ko na siya sinermonan baka after na lang ng game, hanggang sa tawagin na kami ng isa sa mga staffs para sabihing mag ready na kami palabas at sumunod naman kami, ang nanalo sa first game ay ang Apollo lamang lang sila ng tatlong puntos sa Emmamuel, siguro ay hindi pa gaano sanay ang mga bagong players ng Emmanuek dahil puro rookies at sophomores ang meron sa team nila ngayong taon. bago kami lumabas papunta sa court ay tinipon-tipon muna kami ni coach

'sana ay sapat ang naging training at practice natin upang manalo sa larong ito, may tiwala ako sainyo tandaan niyo yan, 3,2,1.....'

'DELGADO UNIVERSITY FOR THE WIN!!!!' sabay-sabag naming sigaw at pumunta na sa court, hiyawan dito at doon ang naririnig namin ngunit hindi na namin inabala yun dahil dumeretso na kami sa bleachers upang ilagay ang ibang gamit bago nag-umpisang mag shooting, napansin kong napakatahimik at seryoso ni luke habang nagshoshooting siya, first time ko siyang makikitang maglaro at teammate ko pa.

'captain bwahahaha tingnan mo sa may medyo taas ng stadium may mga cheerers with uniform ang mga fans ni luke' bulong naman sa'kin ni earl kaya napatingin ako sa may medyo taas ng stadium at nakita ko nga ang tinutukoy niya, feeling ko ay mga taga Delgado rin sila, tagahanga masyado ni luke, grabe talaga appeal nitong lalaking to, hindi ko na lang pinansin dahil nga nag shoshooting ako, mayamaya pa ay tinawag na kami ng referee, si coach at ako pati na rin ang coach ng Tethys at ang captain nilang si Hugo Garcia, may mga rules na sinabi sa amin bago tawagin ang first five ng magkabilang teams, nauna ang team ng Tethys.

My Super Rookie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon