Yna's POV
Mabilis nagdaan ang mga araw at ngayon ang laban ng Delgado sa Emmanuel University, nasa likod ako ng bleachers ng Delgado dahil mayamaya lang ay lalabas na ang magkabilang teams at magsisimula na ang laban, habang nag-iintay naman ay iniisip ko ang mga nangyari noong nakaraan, si luke ay nagpakilala na kila mommy dahil nagdinner siya sa amin noong isang araw, masaya at tanggap kami ng parents ko at ganon din si kuya, samantalang hindi naman namin ibinabalita sa lahat na may relasyon na kami ni luke dahil hindi naman din nila kailangan itong malaman, si benj naman ay nakikita kong masaya na kahit papaano ngunit hindi kami nagpapansinan at naiintindihan ko naman yun, samantalang si charm ay hindi ko nakikita at nakakausap man lang, namimiss ko na siya kung pwede lang bumalik kami sa kung ano kami dati hays...... natigil naman ang pag-iisip ko dahil tinawag na ng commentator ang dalawang teams kaya itinuon ko nalang ang atensyon ko sa court, ngunit nasa bleachers pala ang mga players ng team namin kaya nginitian ko sila
'oh, ang ganda naman ng cheerer natin bwahahaha' biro ni kiya earl sa'kin
'as if naman ichecheer ka earl, in your dreams' birong sabi naman ni ate sandra kaya natawa ako
'lahat kayo susuportahan ko kaya galingan niyo' saad ko naman at napatingin kay luke na nakatingin na pala sa'kin kaya ngumiti siya ng matamis na matamis ang pogi niya
'sus, kaya naman pala,eh, siguradong best player na naman si luke neto nandito ang inspirasyon niya eh' saad ni kuya earl at nagsihiyawan naman ang iba pa nilang teammmates, si benj at kuya khaly ay hindi yata naririnig ang usapan namin dahil nasa mismong court na sila at nag-shoshooting
'tsk, stop earl nahihiya na si kharyna sa pinagagagawa mo' sabi naman ni luke at nagulat ako ng isuot niya sa'kin ang varsity jacket niya na may apelyido at number niya sa likod kaya dumami ang mga taong nakatingin sa amin
'bagay sayo, you look pretty Maureen, watch our game okay? i love you baby' hinalikan niya ko sa noo pagkatapos niya sabihin yun at kumindat pa sa'kin bago siya pumunta sa court at mag warm-up, kung titingnan ko siguro ang sarili ko sa salamin ngayon ay pulang-pula na'ko, narinig ko naman ang mga bulungan ng iba kong katabi
'omg girlfriend ni luke ang magandang babae na yan? sabagay bagay sila kaso nakakainggit huhh'
'sayang taken na pala si luke pero kasi ang ganda naman ni ate girl kaya
deserve nila''awwww taken na si papi luke sayang'
at kung ano-ano pa ang naririnig ko sakanila, natutuwa naman ako dahil sinasabi nilang bagay kami ngunit nagfocus nalang ako sa game nila na hindi naman nagtagal ay nag-umpisa na, takbo rito, takbo ron, shoot, depensa, opensa, mga bagay na importante sa larong basketball at palaging ginagawa ng mga players, hindi ko maitatangging malakas ang team namin ngayong taon dahil ang 3rd placer last year na Emmanuel ay tinambakan lang ngayon ng aming team, hindi ko nga namalayang 4th quarter na pala at halos patapos na ang game, kasalukuyang na kay earl ang bola at ipinasa niya ito kay benj, akala ko ay lay-up lang ang gagawin ni benj ngunit nagulat at namangha ako ng mag dunk siya, wow ang taas niya tumalon at ang gandang highlight ng dunk niya, kaya napatayo ako at pumalakpak dahil sa ginawa niyang nakakamangha, muli namang naagaw ng Delgado ang bola at na kay luke ito ngayon, nasa labas siya ng line kaya malamang ay 3-points ang gagawin niya, bago niya ito itinira ay tumingin muna siya sa gawi ko kaya nagtitigan kami at nginitian niya ko bago niya itira ang bola at wow pasok, kaya pumalakpak ako ng malakas at ganon din ang mga manonood, natapos ang game at lahat ng ipinasok sa team namin ay nakakuha ng mga points at magandang game na naipakita, nagtaka naman ako dahil nawala bigla si luke ngunit hindi ko nalang pinansin at pumunta sa mismong bleachers nila upang icongratulate sila
'ang galing mo kuya'
'team natin ang magaling yna' nakangiting sabi niya at binati ko naman silang lahat dahil sa magandang performance nila, maski si coach ay kinausap ko at tuwang-tuwa siya sa resulta ng game
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Fiksi RemajaWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare