Chapter 32

14 3 0
                                    

Yna's POV

Masaya kaming bumalik ni luke sa room na inookupa namin, at nauna na muna siyang naligo dahil magdidinner daw kami, ako naman ay nakatulala sa kisame dahil sa tuwang nararamdaman ko, hindi naman nagtagal ay lumabas na si luke sa banyo, damn he's hot, nakabihis na siya ng usual niyang fashion pero naka hoody siya ngayon at may tumutulo pang tubig sakanyang magulong buhok at nabighani ako lalo ng unti-unti niyang punasan ang kanyang buhok at tumingin sa'kin, napakagat naman ako sa aking labi ng wala sa oras

'hey, are you okay baby?' hindi ko naman napansing nasa harap ko na siya, kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama at tumabi siya sa'kin

'I'm okay mr.Villas' pagkasabi ko sakanya ay kinurot ko ang matangos niyang ilong

'hmm, sige na maligo ka na muna aalis muna ko sandali dahil aasikasuhin ko ang kakainan natin okay? i love you' mabilis niya kong hinalikan sa labi at lumabas na ng kwarto, ako naman ay agad na naligo, hindi nako nagtagal sa pagligo dahil naghanap pa'ko ng aking susuotin, nakita ko naman ang isang tube na black dress, hubog na hubog ang katawan ko ng suotin ko ito, ngunit napakaganda nito tingnan sa akin ng tingnan ko ang salamin ko sa salamin, nag light make-up lang ako at nag clip ng pearl sa gilid ng buhok ko, kinuha ko naman ang linen jacket kong kulay cream at isinakbit ito sa aking balikat, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, inaamin ko ngayong gabi na maganda ako sa suot ko, dahil siguro bumagay lang ito sa'kin kaya mukhang maganda ako sa paningin ko hehe,kinuha ko muna ang black purse ko bago ako lumabas, at saktong paglabas ko ay nakita ko si luke na may dalang isang bouquet ng yellow tulips, nakanganga siya at hindi kumukurap na nakatingin sa'kin kaya naman nilapitan ko siya at hindi pa rin nagbabago ang kanyang ekspresyon kaya natawa ako at niyugyog ko ang balikat niya upang mapansin niya ko

'ayos ka lang?' tanong ko sakanya, at nagulat ako ng hilahin niya ko upang yakapin, pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat

'tsk, you're beautiful, very beautiful ang ganda-ganda ng girlfriend ko, my future mrs.Maureen Kharyna Delos Reyes-Villas' pabulong niyang sabi sa'kin at nagtaasan ang aking mga balahibo, inaamin kong kinikilig ako sakanyang sinabi

'hmmm, ikaw naman ang pogi-pogi mo' kusa naman siyang humiwalay ng yakap sa'kin at hinalikan ako sa labi, it's a soft kiss at saglit lang din yun ngunit napakasarap sa pakiramdam ng kanyang halik, binigay naman niya sa akin ang hawak niyang bulaklak at nakangiti akong inamoy ito

'like it?' nakangiting tanong niya at tumango ako

'thankyou luke, i love you' nakangiting sabi ko at bumaling sakanya, nagulat naman ako dahil matamis siyang nakangiti at nakatulala sa'kin, nang matauhan naman siya ay niyaya na niya ko mag dinner, sumakay kami sakanyang kotse dahil medyo malayo raw ang restaurant na kakainan namin, hindi naman nagtagal ay nagpark na siya at inalalayan akong makalabas, nasa isang sikat na garden restaurant kami at nagulat ako dahil pagpasok namin ay halos walang tao kaya nagtaka ako at tinanong si luke

'bakit parang tayo lang ang tao luke?' inakbayan niya naman ako bago magsalita

'I rent this for tonight baby' wow.... kaya naman nag-init ang aking pisngi at tiningnan ang restaurant, puno siya ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak, bonsai, at kung ano-ano pang mga halaman, napakagandang pagmasdan ang lahat ng aking nakikita, mas lalo akong namangha dahil ng mag-umpisa kaming maglakad papunta sa enggrandeng table namin ay nagsilabasan ang mga iba't-ibang kulay na butterflies, mas lalo akong na-amaze, feeling ko ay naglalakad kami ni luke sa isang fantasy world habang magkahawak ng kamay, bigla namang narinig kong may nagtipa ng piano at nag-umpisa itong tumugtog, unang tipa pa lang ay alam na alam ko na agad ang napakagandang kanta ng westlife, one of my favorite love songs, beautiful in white, sobrang nakakainlove ang tugtog kaya bago pa'ko lumingon kay luke ay lumuhod na siya at nilahad ang kamay niya sa'kin

My Super Rookie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon