Chapter 15

18 3 0
                                    

Luke's POV

Umuwi ako nang bahay na para bang may kulang sa pagkatao ko tss, palagi na nga akong malungkot pero pakiramdam ko ay mas lumungkot pa ako, I'm not dumb para hindi mahalatang umiiwas sa akin si kharyna and I think I know her reason, at yun ay para hindi na maging cold ang treatment sakanya ni charm tss, sinubukan ko namang iwasan na lang din kanina si kharyna, ang totoo ay naging mabait ako kahit papaano kanina kay charm pero hindi ko talaga kaya na maghapon maging ganon kay charm, hinahanap hanap ko pa rin ang presensya ni kharyna, sa totoo lang ay siya ang nagpapa kumpleto ng araw ko, kahit na sa maikling panahon ko pa lang siya nakakasama ay inaamin ko na sa sarili kong may pagtingin ako kay kharyna tss, oo narinig niyo? diba hindi kasi nabasa niyo lang na may pagtingin ako kay kharyna, kahit siguro trenta segundos pa lang siyang makilala ng isang tao ay magkakagusto agad sakanya, at isa na ako don, nagka girlfriend na ko dati ngunit hindi ko naman sineryoso first year high school pa lang ako non at walang kamuwang-muwang sa ganon kaya naman tumagal lang kami ng tatlong buwan tss....

pag-uwi ko ay pumasok agad ako sa aking kwarto upang mag-aral, mahirap ang pinili kong course sabagay lahat naman ay mahirap talaga ang kaso ay medyo matagal ang aabutin ko bago gumraduate pero masaya naman ako dahil matagal ko nang pangarap maging doktor kaya kahit mahirap at matagal ay tatapusin ko ito, ngayon ay nakaupo ako sa aking study table at binabasa ang Netter's Clinical Anatomy ni John Hansen, marami akong natututunan kaya naman nalilibang talaga akong magbasa, noong napagod na ang aking utak sa pag-iintindi ay kinuha ko ang laptop ko at nag scroll sa instagram, agad na nakita ko ang isang stolen picture na kuha ni sandra sa isang shop, na may caption na she's a maze with no escape~perry at naka tag si kharyna doon, stolen shot ni kharyna yun na naka side view at may hawak na milktea, napakaganda kahit saang anggulo tss....

agad ko itong nilike, kahit a few seconds pa lang ang nakalilipas sa madaling salita ako ang unang nag like, nong tumingin naman ako sa messages ay madami pa rin ang nag ddm maski si charm ay mayroong dm sa akin ngunit wala akong pakialam, nakita ko namang online si kharyna, sobrang natetempt akong idm siya ngunit pinigilan ko ang aking sarili kung umiiwas siya sa akin siguro ay kailangan ko ring iwasan siya hays

maya-maya pa ay tinawag na ako ng aming katulong upang kumain as usual ako lang mag-isa ang nasa hapag lagi namang wala sila mom at dad, kung nandito naman sila ay puro sermon lang ang nakukuha ko sa hapag-kainan, natapos na kong kumain at lahat lahat ay naiisip ko pa rin si kharyna, kaya tinulog ko na lang kung anuman ang nasa isip ko.

kinabukasan naman ay ganon pa rin ang nangyari, pasok sa umaga upang mag practice, attend sa klase, kinukulit ni charm at practice ulit sa hapon, nakikita ko si kharyna ngunit sa umaga lang dahil hindi na siya pumupuntang gym sa hapon, tumitingin-tingin naman siya sa akin ngunit agad na iiwas ng tingin pagkatapos akong ngitian ng tipid, ganon ang nangyari sa loob ng isang linggo, wala naman akong magagawa dahil alam kong iniiwasan niya nga ako, kaya naman mas inayos ko na lang ang pagttraining ko upang pagdating ng mismong league ay handa nako

sabado ngayon ng hapon at wala akong magawa sa bahay ngunit mayamaya ay may tumatawag sa cellphone ko si earl tss ano na naman kayang kailangan nito

'hello' inaantok na sabi ko

'oh bakit parang wala ka sa mood? bahahaha sabagay lagi ka namang wala sa mood pero kahit ganon pogi ka pa rin pare' natatawang sabi niya sa telepono

'wala ka na bang ibang sasabihin?' bagot na sabi ko

'eto naman ang init ng ulo hahaha yayayain sana kita kila khaly basketball tayo hindi kasi pwede si leo, si anthon naman hindi nasagot, si benj naman wala pa kong number nong ulikba na yun hahaahha kaya ikaw na lang naisipan kong yayain kaya tara na, magkakalapit lang naman tayo ng subdivision eh pumayag kana hehe, sige na ibababa ko na to hintayin nalang kita sa labas ng village nila khaly ah byebye mister Villas see you' napakahaba niyang sabi tss paano pa ko makakatanggi kung ganong tao ang kausap, kaya naman naligo na ko at nagsuot ng basketball shorts at sando ko noong nasa Felicianna pa ko, tinakluban ko na lang ito ng itim na tshirt hindi na ko nagdala ng bola dahil paniguradong may mga dala naman sila, nagpaalam ako sa mga kasambahay namin dahil baka biglang umuwi ang parents ko at hanapin na naman ako, nagpatuloy ako mag maneho papuntang subdivision nila khaly at hindi nga ako nagkakamali dahil nag iintay na sa akin si earl doon, naka motor lang siya, nong nakita niya ang sasakyan ko ay ngingiti ngiti siya tss, bumaba muna ko para kausapin siya

My Super Rookie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon