Luke's POV
Pagmulat ko ng mga mata ko ay si Kharyna agad ang nasilayan ko, nagkatitigan kami at hindi ko inalis ang paningin sakanya, nakikita ko kung paano siya unti-unting mamula tss
''ahh good afternoon'' mahinang bati niya at nag iwas agad ng tingin
''what are you doing here?'' tanong ko naman sakanya habang nagkukusot kusot pa ng mata
''ano bang ginagawa sa library diba nagbabasa hindi natutulog'' natatawa naman nyang sagot pilisopo
''oo nga pero bakit nandito ka sa pwesto ko?''
''ah masama ba sige lilipat nalang ako sorry'' mabilis siyang tumayo at hinawakan ko naman agad ang braso niya para pigilan siya, sabay pa kaming napatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya
'' I'm just kidding masyado ka namang seryoso, sige na m---maupo kana'' sabi ko at binitawan ang braso niya
''hmm sige salamat'' tipid na ngiti niyang sabi medyo nakonsenya naman ako sa sinabi ko feeling ko nagalit siya sa'kin tsss
nong naupo siya ay naupo na rin ako at kinuha ko sa bag ko ang isang pack ng gummy worms mahilig ako kumain ng ganito pero yung sour flavored ayoko sa may asukal na gummy worms tsss....
''you want this? iyo na para hindi ka mabored sa pagbabasa'' alok ko sakanya at nilagay sa mismong harap ng librong babasahin niya
nagulat naman muna siya bago nagsalita
''kumakain ka nito? hahahaha favorite ko to salamat ah'' matamis na ngiting sabi niya at nginitian ko naman siya ng tipid dahil inaantok pa rin ako kaya tutulog na muna ulit ako, pinatong ko ang ulo ko sa dalawa kong braso na nasa lamesa pero maya maya pa ay
''hindi ka pa ba naglulunch luke?'' tanong niya inaantok talaga ko
''mamaya nalang siguro I'm sleepy'' tugon ko at hindi na siya sumagot pa, siguro nagbabasa na siya
.......................
naalimpungatan ako at nagmulat ng mga mata, paglingon ko kay Kharyna ay tulog na din siya habang nakabukas pa ang librong binabasa niya at hawak niya pa sa isang kamay niya pero tulog na tulog siya parang isang anghel ang mukha niya, napakaamo tss...
pinagmasdan ko lang siya habang natutulog ang sarap pagmasdan ng maamo niyang mukha kaya kung kanina ay siya ang nakatingin sa'kin habang nakapikit, ngayon naman ay siya na ang tinitingnan ko, naalala ko pa yung binigay niya sa'kin kanina nakakatuwa dahil hindi naman ako mahilig sa matatamis pero naubos ko ang laman ng box na yun na dalawang cupcake at isang brownies, masarap ang pagkakagawa hindi gaano katamis maski ang toppings kaya nga hindi nako nagluch dahil nabusog ako at mas lalo akong napangiti ng may nakalagay na letter sa ibinigay niya sa'kin 'have a nice day Mr.Villas, I know you are not into sweets, but sometimes sweets is better specially for our daily dosage of energy, have a great day and good morning✿ ' tss nasaulo ko pa yun grabe.......
maya maya pa ay hindi ko napansing nasa harap ko na yung charm medyo masama ang tingin niyang nakatingin sa'kin at tumingin din sa bestfriend nya
''for heavens sake naka ilang phone calls ako kay yna at kung san-san ko na siya hinanap nandito lang pala kayo sa library!!!'' medyo malakas na sabi niya
'SILENCE!' sigaw naman ng librarian sakanya pero hindi niya pinansin at nakatuon ang pansin niya samin
''Luke, kasama mo pala tong bestfriend ko hahaha ang galing ah nag-alala ako tapos ganito lang maaabutan ko'' sarkastiko ang pagtawa niya at hindi ko nagustuhan ang sinabi niya dahil para namang may masama kaming ginawa sakanya
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Novela JuvenilWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare