Luke's POV
Nasa isa kaming room ng aking mga teammates at nag wawarm-up dahil mayamaya lamang ay mag-uumpisa na ang laban namin kontra sa Felicianna, tapos na akong mag warm-um kaya naman inirelax ko nalang ang sarili ko sa pakikinig ng music at iniisip ang paghalik ko kay kharyna kagabi, hindi ko kasi inaasahang sasabihin niyang mahal niya rin ako kaya sa sobrang tuwa ay nahalikan ko siya sa labi, napakalambot ng kanyang labi tss, alam kong maling gawin ko yun sakanya dahil hindi pa naman kami official na magka relasyon, akala ko ay mababastos ko siya dahil hinalikan ko siya ngunit masyadong matalino si kharyna para malamang masaya lang ako ng sobra kaya hindi ko sinasadyang mahalikan siya, hays namimiss ko na siya agad pero tiyak na manonood naman siya ng game kaya aayusin ko lalo ang aking laro para sa team at para sakanya....
Hindi nga nagtagal ay isa-isa na kaming pinalabas ng staff, napansin ko namang masama ang timpla ng utak ni benj dahil kanina pa siya kinukulit ni leo ay hindi niya pinapansin ito tss, sana hindi niya madala ang kagaganyan niya sa laro mamaya.
Nag-umpisa ang laro at talaga nga namang dikit na dikit ang laban namin, napansin ko ring halos lahat ng katunggali naming teams ay nanonood, tssk takot na ba kayo ngayon sa team namin kaya kayo nanonood , natapos ang first quarter na isang puntos lang ang lamang ng Felicianna sa amin, at nagulat naman ako dahil pinasok na ni coach si benj, habang kinakausap siya ni coach ay para bang wala siyang naririnig
'naiintindihan mo ba ako ALFONSO???!' medyo naiinis na sabi ni coach kay benj
'oho, naiintindihan ko coach'
'ayos ka lang ba Alfonso? bakit parang kanina ka pang wala sa mood? sana ay wag mong dalhin yan sa laro naiintindihan mo ba?'
'oho' tipid na sagot niya at napabuntong-hininga naman si coach
'okay team alam naman nating masyadong dikit ang laban ngayon, kung kaya natin ay tayo na ang lumamang sakanila naiintindihan niyo? basta ang mga pinractice natin okay? 1,2,3 DELGADO UNIVERSITY FOR THE WIN!!!' sabay-sabay nilang sigaw sa huling sinabi ni coach maliban sa akin at kay benj tss
Nag-umpisa ang second quarter, mahirap talaga kalaban ang Felicianna dahil magaling sila sa opensa at depense pero nasasabayan namin ito, ngayon ay nasa akin ang bola ngunit hindi ako libre upang tumira kaya nakita ko si khaly at sakanya ko ipinasa ito, lay-up quick 2 points for captain nice one, habang nasa court ay medyo naiinis ako kay benj dahil hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin pag nasakanya ang bola, libre na'ko ay hindi niya pa rin pinapasa sa akin.
'benj pasa kay luke bilis libre siya' saad ni khaly kay benj at narinig ko rin yun, ngunit sadyang wala sa wisyo si benj kaya dinribble niya lang ang bola hanggang sa may bumantay na sa akin kaya hindi na maaaring makagawa kami ng magandang play ano bang problema nang lalaki na yan, kung ganyan siya ay wag nalang siyang maglaro tss...
Nagtuloy-tuloy ang pagiging ganon niya, naiinis na'ko sa totoo lang, nakakawalang gana maglaro kung ganon ang teammate mo, kaya nang magkatitigan kami ni benj ay napakasama ng tingin na ibinigay ko sakanya, hindi ko mabasa ang isip niya dahil masama rin ang kanyang matang nakatingin sa akin, anong problema mo? nasa amin na ang bola ngayon at kailangan na naming makagawa ng play kaya naman inayos ko ang pagbantay kay timmy na taga Felicianna na isa ring small forward upang makashoot si earl, habang binabantayan ko siya ay naramdaman ng aking presensya si benj na nasa aking likuran, akala ko ay nandon din ang kanyang binabantayan ngunit nagulat ako ng may biglang tumulak sa akin ng napakalakas at agad akong nawalan ng balanse, kasabay non ay ang pag-alis ni timmy sa harap ko upang madepensahan nila si khaly ng maigi, kaya naman natumba nalang ako sa sahig at inaamin kong napakasakit non, isa lang ang tutulak sa akin at yun ay si benj dahil siya lang ang nasa likuran ko, punong-puno nako sayo tang**a hindi ko na palalampasin to...
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Teen FictionWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare