Yna's POV
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at namimili ng isusuot para sa dinmer namin mamaya, ang totoo ay hindi talaga ko maalam mamili ng mga bagay saking damit kaya tshirt at pants nalang ang sinuot ko, white fila tshirt at black na rip jeans at nag vans na lang ako, nilagyan ko na rin nang kaunting liptint ang aking labi at nag perfume nalang saka ako lumabas sa aking kwarto, wala pa si kuya sa baba parang mas matagal pa siya magbihis kaysa sa'kin hahaha...
'ang ganda mo naman hija' bati naman ni manang nong makita niya ako
'nako manang hindi po bagong ligo lang hahaha' pabirong sabi ko.
'kahit anong damit talaga ay bagay sayo, pero mas mainam kung nag dress ka hija' tugon niya at medyo nabigla naman ako
'hindi ba dinner niyong magkakaibigan yun? mas maganda kung nagdress ka hija mas pormal sa okasyon, suhestiyon ko lang naman' dagdag ni manang at nag-isip naman ako, feeling ko ay tama siya
'ahm saglit lang po ha titingnan ko kung may bagay sa akin na dress' nakangiting sabi ko at bumalik sa'king silid, nag-umpisa akong maghanap sa aking closet, hindi ko talaga tipo ang mga dress pero marami akong dress at si mommy ang bumibili sa'kin, masiyadong nakaladlad naman ang dibdib o di kaya'y strapless ang meron ako sa closet medyo nahihirapan tuloy akong mamili, ngunit mayamaya ay may umagaw ng atensyon ko, isang hanggang tuhod na gray dress, may strap ngunit manipis lang at pag sinuot ko ito ay huhulma ang katawan ko pero eto lang ang pinaka simpleng mayroon ako kaya kinuha ko na at sinukat, humarap naman ako sa salamin pagkatapos ay bumagay nga sa'kin, nagsuot lang ako ng black sandals na bumagay sa dress, medyo nahiya pa nga ako dahil nga kita ang hulma ng aking katawan doon, naglakad naman ako pababa pagkatapos kong magpalit at sakto naman dahil nasa baba na si kuya, agad ko siyang nilapitan, bagay ang kanyang simpleng suot na khaki shorts na brown at longsleeves na white
'Goodevening kuya, ang pogi ah' agad kong bati sakanya
'tss napaka bolera mo, pero you look gorgeous and hot sa suot mo, buti at naisipan mong magdress akala ko ay tshirt at jeans na naman ang suot mo hahaha' pinuri niya nga ako ngunit may asar talaga sa dulo
'Eh, ganon naman ang suot ko kanina kuya pero ang sabi ni manang mas maganda raw siguro kung magdress ako dahil dinner daw' tugon ko sakanya
'well tama naman si manang princess, sobrang ganda mo ngayon, and by the way nice necklace'
'bigay ni benj to sa'kin kuya' nakangiti ko namang sabi
'wow, oo nga pala sakanya galing yan buti maganda ang taste niya sa pagpili' natatawa niyang sabi at natawa rin ako
'pero kuya nasan na si ate sandra sa Venice na lang ba siya mismo hindi mo susunduin?' tanong ko sakanya ng maalala na kasama pala namin si ate sandra sa dinner
'yeah sa Venice na lang, kakausapin ko rin kasi siya tungkol sa alitan nila ni charm kaya niyaya ko siya' saad niya
'tara na yna dahil on the way na rin sila' dagdag ni kuya at nagpaalamuna kami kay manang at ate carla, alam naman ng parents namin na magdidinner kami kasama ang iba naming kaibigan ngayon dahil nagpaalam na kami, nasa Cebu rin kasi sila ngayon may mga meetings, inalalayan ako ni kuya na makasakay sa sasakyan hanggang sa marating namin ang Venice, noong palapit na kami sa entrance ay nakita ko agad si ate sandra ang ganda niya sa suot niyang simpleng purple na dress at kulot ang dulo ng kanyang buhok, agad siyang kumaway sa'min ng makita kami
'goodevening gorgeous' bati niya sa akin at niyakap ako
'ang ganda mo ate sandra' saad ko sakanya
'alam ko na yun pero walang makakatalo sa kagandahan mong taglay yna, ang ganda ganda mo' nakangiti niyang sabi sa'kin
'ehem' ubo naman ni kuya natawa naman ako
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Novela JuvenilWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare