Khaly's POV
Hindi ako makapaniwalang ipapahiya nina charm at parents niya ang kapatid ko, hanggang ngayon ay tulala pa rin ako sa nangyari
Flashback
masaya kaming nakikipag-usap ni yna sa mga kaibigan nila mom at kila mr and mrs. Honntiveros na naginvenst sa aming kompanya, napakalaking pera ang ininvest niya dahil sinabi niyang malaki ang tiwala sa amin kaya nagpapasalamat kami sakanya, sa kalagitnaan ng kwentuhan ay biglang dumating si charm kasama si luke
'hello everyone, hello mom and dad nandito po si luke' saad ni charm at napatingin naman sakanya ang lahat
'good evening baby, good evening luke bagay kayo tingnan' saad ng mommy ni charm, wala namang pakialam si luke sa sinabi ni tita che pero nakipagbeso siya kay tita
'ang pogi naman ng binatang yan' biglang sabi ni mrs.Coronel
'kaya nga bagay na bagay kay kharyna ano nga mare?' nakangiting sabi naman ni mrs.Eleazar
'tiyak na napakaganda at gwapo rin ang kanilang mga magiging anak pag nagkataon na magkatuluyan ang dalawang yan' nakangiting saad ni mr.Hontiveros at halos sumang-ayon nga ang lahat maliban kila tita che na masama na ang tingin
'mga mare at pare nahihiya na siguro sila kaya wag na nating asarin hihi' sabi naman ni mom, bigla namang nagsalita si tita che
'hindi ko alam kung saan kayo kumukuha ng lakas sabihing bagay si yna at luke mga mare at pare, oo maganda si kharyna ngunit mas maganda ang anak ko at tiyak na bagay sila ni luke kaya ang imposible naman ng mga sinasabi niyo' nakangiti ngunit may bahid na inis ang pagsasalita ni tita che na agad namang ginatungan pa ng kanyang asawa
'tama nga naman, alam niyo bang malapit na kaibigan namin ang parents ni luke at pinagkasundo na namin sila ng anak kong si charm, imbitado kayo pag kinasal na sila' saad ni tito at nagulat ako sakanyang sinabi, totoo bang pinagkasundo na sila?? napatingin naman ako sa kapatid kong nahihiya at ang mukha niya ay gulat na gulat, nakatingin din sakanya si luke na magsasalita na sana ngunit inunahan ni charm
'totoo po ang sinabi ng parents ko, siguro nga po pag naka graduate na kami ay magpapakasal na agad kami, kaya yna ngayon pa lang sinasabihan na kitang lumayo-layo ka kay luke, dahil kami ang tinadhana sana tandaan mo yan, by the way alis na po muna ko, pupuntahan ko yung iba naming friends hihi' at tumalikod nga si charm, nagulat ang lahat nang sabihin niya yun kahit ang parents namin, tumingin naman ako kay luke na halatang inis na inis sa sinabi ni charm
'good eve, excuse po' at agad nga siyang umalis upang sundan si charm, sinulyapan ko naman ang kapatid kong nakangiti ngunit biglang lumungkot ang mga mata, intensyon ba nilang sabihin ang mga yun sa harap ng ibang tao at sa kapatid ko?? ang alam ko ay wala namang ginagawang masama si yna na kahit kanino
'excuse po muna' biglang sabi ni yna at pumasok sa loob ng bahay
'excuse din po, have a nice dinner' saad ko, gusto kong sundan ang kapatid ko ngunit biglang natanaw ng mga mata ko sina sandra at earl
End of flashback
'Khaly anong nangyari???' nag-aalalang tanong ni sandra at doon lang ako natauhan
'kaya nga captain, nakita kong nagalit si luke kay charm, ano nga bang nangyari sainyo??' saad naman ni earl
Kinwento ko naman sakanila ang nangyari at nagulat sila, dahil ni isa sa'min ay hindi inaasahan ang ganong ugali nina charm sa harap pa ng ibang mga bisita
'omg, nasan si yna??' saad ni sandra
'hayaan na muna natin siya sandra, she needs air' tugon ko.
'walanghiyang charm talaga yan, dapat pala hindi ko sila inawat ni luke buysit!!!' sigaw niya
'anong ginawa ni luke kay charm??'
'galit si luke, eh, nirealtalk pa nga niya si charm buti na nga lang talaga hindi marunong manakit ng babae tong si luke kaya umalis nalang siya nong sinaway namin sila ni sandra' saad naman ni earl
'may pinagmanahan din pala ang charm na yan, parehas ng mga magulang niyang baliko ang bibig kung magsalita' ani sandra
'wag na kayong maingay, nandito pa ang pamilya ni charm baka marinig pa tayo, hayaan niyo nalang sila' saad ko naman
'khaly, kapatid mo na naagrabyado dito jusko naman, ganyan ba talaga kayo kabait ha!???' inis na tanong ni sandra sa'kin
'anong gusto mo? patulan namin? edi mas lalaki lang ang gulo non, mag-isip ka rin sandra' may bahid na inis kong sabi sakanya at pumagitna naman sa amin si earl
'tama na baka mamaya mag-away pa kayo, itigil niyo yan' seryosong saad ni earl at natahimik naman kami
'pero totoo ba yung sinabi ni charm sainyo? arrange marriage ang tawag don diba?' dagdag ni earl
'malay mo nag-iimbento lang yung babae na yun wag nga kayong maniwala sakanila' saad ni sandra
'paanong hindi maniniwala, eh, maski magulang ni charm sinabi, diba khaly?' tanong sa'kin ni earl
'walang makakasagot ng mga tanong natin, si luke lang' saad ko naman
Mayamaya pa ay lumapit sa amin si mommy at tipid na ngumiti
'mga anak, it's too late na uuwi na ba kayo? sorry dahil may konting conflict sa dinner ha' saad niya sa mga kaibigan ko
'ay nako tita wala po yun, si yna po ang concern namin dito' ni sandra
'pumasok na kasi siya sa kwarto niya anak, pero susubukan kong kausapin siya mamaya, siguro ngayon ay hayaan muna natin siya'
'hays, sana ayos lang siya, pero tita mauna na ho kami, sobrang sarap ng mga niluto niyo nabusog kami' saad ni sandra at bumeso kay mommy
'salamat po tita, ang sarap po ng foods grabe hehe dito na'ko titira sa susunod, maina na ho kami' nakangiting bati ni earl at yumakap kay mom
'mag-iingat kayo mga anak, khaly ihatid mo na muna si sandra sakanila' tugon naman ni mom
'tita ako nalang po ang maghahatid kay sandra, pagod na rin ho kasi si captain mula umaga hanggang gabi ay may ginawa siya, kaya mas mabuting magpahinga na muna siya hehe' sabi naman ni earl
'ganon ba, mag-iingat ha? sorry hindi ko na kayo mahahatid sa gate nandito pa kasi ang bago naming investor at may pag-uusapan pa' sabi ni mom
'okay lang po tita, mauna na po kami bye' paalam ni sandra at sabay-sabay nga kaming lumabas sa gate pata ihatid sila sa labas
'earl, sandra, mag-ingat kayo bukas na lang tayo mag-usap, salamat sainyo' sabi ko sakanila
'pahinga ka na captain, alam naming pagod ka' saad ni earl
'matulog ka na khaly, see you tomorrow goodnight' sabi ni sandra at humalik sa pisngi ko, medyo nagulat naman ako
'ang tamis naman non, wag niyo naman ako gawing third-wheel' nakangusong sabi ni earl at natawa naman kami
'sige na umuwi na kayo, magpahinga na rin kayo salamat ulit' sabi ko sakanila at tinapik ang balikat ni earl, habang ginulo ko naman ang buhok ni sandra at tuluyan na silang umalis
Nasa kwarto nako, ngunit hindi pa rin ako makatulog, gusto ko sanang kamustahin si yna para malaman kung ayos lang ba siya, ngunit baka ayaw niya muna ng kausap, kilala ko ang kapatid ko kaya sa mga oras na ito ay alam kong gusto niya na siya muna mag-isa, bukas ko na lang siguro siya kakausapin
Mayamaya pa ay dinapuan na'ko ng antok kaya natulog na nang mahimbing....
HAPPY NEW YEAR GUYSSS!!!!! SORRY FOR THE SHORT UD, BABAWI AKO SA CHAPTER 20, SANA PO PATULOY NIYO PA RING BASAHIN ANG STORY KO, AT SANA MAGING CRUSH NA KAYO NG CRUSH NIYOOOO✨
~Rose💛
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
TienerfictieWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare