Chapter 38

11 2 0
                                    

Yna's POV

Pagkatapos kong makita ang isang photo kung saan nakahubad sina luke at charm habang natutulog ay mas lalo lang gumunaw ang mundo ko, pumunta ako sa restroom ng university para umiyak nang umiyak, sobrang sakit ng nararamdaman ko deserve ko ba talaga to? mayamaya ay pinakalma ko muna ang sarili ko bago pinunasan ang mga luhang nasa mukha ko, paglabas ko sa restroom ay nakita kong nakasandal si luke sa isang pader, nagkatinginan kami at nakita ko ang mga pagod niyang mga mata, may sugat din siya sa gilid ng labi niya, nakipagsuntukan kaya siya??......

'baby' malambing niyang tinig ng tawagin ako, ayoko siyang lingunin dahil nakatalikod na'ko sakanya, maglalakad na san ako ng hawakan niya ang braso ko

'baby please, let's talk i miss you so much, kaya kong magpaliwanag sa lahat ng nakita mo just please give me time to talk to you' rinig na rinig ko ang sinsero ng kanyang boses, gusto na namang tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko ito

'b----bitawan mo'ko luke may klase pa ako, tsaka na tayo mag-usap' hihigitin ko na sana ang braso ko sa kamay niya ngunit niyakap niya ko mula sa likuran, inaalis ko ang mga kamay  niyang nasa aking baywang ngunit mas lalo niya lang hinihigpitan ang pagyakap sa'kin, sinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat, at narinig ko ang mahina niyang paghikbi, luke please stop crying.......tumulo na rin ang luha ko dahil hindi ko na mapigilan ang emosyong nararamdaman ko

'mahal na mahal kita kharyna at hindi ko kayang gawin yun sayo, si charm yun, si charm ang may kasalanan kung bakit may kumalat na photo, kahit na nasa higaan ko siya at nakahubad siya rin ang may kasalanan non, kahit patayin niyo pa'ko ngayon totoong walang nangyari sa'min, kahit lasing ako alam ko ang tama sa mali, please believe me baby, ikaw na nga lang ang meron ako mawawala ka pa ba sa'kin' sa huling sinabi niya ay tila ba pagod na siya at may hinanakit sa salita niya, paano ako maniniwala sayo kung ako ang nakakita ng harapan?? alam kong nasasaktan din siya pero pano naman ako? ang nararamdaman ko?? ang makitang magkasama ang boyfriend at bestfriend kong nakahubad sa higaan, napakasakit na non, ang kumalat pa ang picture nilang ganon, mas dumoble lang ang sakit na nararamdaman ko........

'bitawan mo nalang muna ako luke, pagod din ako, pagod na pagod na'ko mag-isip' umiiyak na sabi ko, pinaharap niya ko sakanya at pinunasan ang aking mga luha

'i love you kharyna, alam mo naman kung gaano kita kamahal, sana maniwala ka sa'kin, kung gusto mong wag muna akong makita at makausap sige, gagawin ko, pero hihintayin kitang makinig sa mga sasabihin ko, mag-iingat ka lagi, i love you baby' hinalikan niya ang noo ko, napakasarap sa pakiramdam ng ginawa niya, damang-dama ko ang pagmamahal niya kahit sa paghalik lang sa aking noo, hindi nagtagal ay unti-unting binitawan ang mukha kong hawak ng kanyang mga kamay, tiningnan ko siya sakanyang mga mata

'sa ngayon hindi ko alam kung ano o sino ang papaniwalaan ko, mabuti pang hayaan mo na muna ako, wag ka nang magpapabugbog kung kani-kanino at wag mong kakalimutan ang finals mo, galingan mo, masakit ang makita kang nasa ganyang posisyon luke, pero uunahin ko na munang ayusin ang sarili ko bago ulit humarap sayo, ang sakit kasi, ang sakit-sakit------hindi ko madigest sa utak ko, totoo man yun o hindi ang sakit pa rin kasi luke, namimiss na kita pero mas nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ko sayo kaya sorry din'  kitang- kita ko sakanyang mga mata ang pag-aalala at lungkot nito...... huminga ako ng malalim bago ipagpatuloy ang sasabihin sakanya, hinawakan ko ang kanyang pisngi na ikinagulat niya, hinawakan ko rin ng bahagya ang kanyang sugat sa gilid ng labi

'gamutin mo ang sugat mo ha? wag ka na ring umiyak dahil babawas ang kapogian mo, i love you, but you are the reason why my heart is broken into pieces, una na muna ako bye mr.Villas' pagkatapos ko sabihin yun ay mabilis akong naglakad papunta sa aking unang klase, gustong-gusto kong yakapin ka pero mas nangingibabaw yung sakit na pinaramdam mo sa'kin luke, I'm sorry.....

My Super Rookie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon