Benjamin's POV
Papunta na'kong gym ng makasabay ko si captain dahil sukatan ngayon ng jersey
''Hello captain, ano kayang number ang maganda kong kunin no?'' nagbibiro kong sabi sakanya
''benj kung sa tingin mo na ikaw mismo ang pipili ng jersey number mo nagkakamali ka'' saad niya
''huh?? bakit naman captain??''
''pano kung ang gusto mong number ay 4 tapos ako na pala nag mamay-ari ng number na yun sa team diba? kaya kung ano lang available na number ayun lang ang pipiliin niyo o ni coach para sainyo naiintindihan mo ba?'' pag papaliwanag niya sa'kin
''ganon ba? sayang naman hehe pero sige pogi pa rin naman ako kahit anong jersey number pa yan'' saad ko at mas binilisan niya naman ang lakad niya para maiwan ako abnormal talaga tong captain namin eh
nakapasok na kami ng gym at halos lahat ng teammates namin ay nandon na
''si luke na lang ang iniintay natin nasan naba siya?'' tanong ni coach sa'min pero bago pa man may sumagot sa amin ay nakapasok na siya ng gym, kabuntot niya si charm bakit kaya lagi magkasama tong dalawa na to, kahit halata naman na laging si charm lang ang may interes sakanya bwahahaha one sided love ang peg ah
''I'm here'' bigla naman niyang sagot, mukhang may hinahanap siya sa gym dahil palinga-linga siya pero lumapit na siya bleachers na kabuntot naman si charm
pagkatapos sukatan ang ibang mga players tulad nina earl, dennis, leo, at iba pa ay si captain naman ang sunod na tinawag ni coach
''no.4 obvious naman na kay Khaly na yun kaya sukatan niyo na siya'' utos ni coach sa mga manunukat
''Benjamin alfonso no.10 ka, nababagay ang number na yun sayo, power forward ka'' nakangiting baling sa'kin ni coach
gusto ko sanang umapela kaso nginitian ko na lang siya at sinimulan nakong sukatan
''Luke Christian no.11 ka, power forward ka rin, may tiwala ako sayo at nababagay sayo ang jersey number na yan'' saad naman ni coach kay Luke
''thanks coach'' sabi naman ni luke kay coach at tinanguan lang siya ni coach bago siya sukatan
''next month pa dadating ang mga jersey guys okay? at siguradong bagay sainyo lahat yun'' nakangiting sabi sa'min ni sandra
''pwede na kayong umuwi, see you on monday morning guys and again announcement may practice na rin tayo sa hapon ng 4:30 pm, have a happy weekend guys wag niyo rin kakalimutan ang pag-aaral niyo, nauna nang umalis si coach dahil alam niyo namang marami ring inaasikaso yun kaya you may now all go kitakits!!!!'' nakangiting dagdag ni sandra sakanya, pagkatapos non ay nakipagbatian pa kaming teammates bago umalis
''nasan si yna/kharyna captain?'' sabay naming tanong ni luke kay captain ngunit magkaiba lang kami ng pangalang sinabi, nag katitigan kami at sabay ding nag-iwas ng tingin
''witwiw mukhang iba ang ihip ng hangin ano nga earl?'' saad ni leo
''hays kaya nga tara umusod muna tayo baka may magsuntukan bigla'' sabi ni earl pero tiningnan siya ng masama ni captain
''biro lang pala hehe'' dagdag ni earl matapos siya tingnan ni captain
''nauna na si yna sakin sinundo siya ng parents namin dahil may aattendan kaming gathering at bakit niyo naman siya hinahanap??'' tanong sa amin ni captain
''na'ko ayan na humarap na kayo sa korte hehehe'' sabat ni leo
''ah wala naman may itatanong lang sana ko sakanya captain kaso wala na pala hehe sayang'' sabi ko
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Teen FictionWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare