Benj's POV
Hays Monday na naman ibig sabihin klase na naman, mas gusto ko pang magtraining na lang maghapon hehe, tamad talaga ko mag-aral pero nakakapasa rin naman kasi medyo madali naman yung mga exams sa management, may practice kami ngayong umaga dahil may laro kami bukas laban sa Felicianna balita ko magaling daw ang mga yun, sus hindi tatalab sakin ang mga yun ako pa ba, ako lang naman si Benjamin Alfonso bwahahahahha.
Nakarating ako ng maayos sa university at dumeretso sa gym, nagulat naman ako dahil halos lahat ng mg teammates ko ay nandon na, kahit na medyo maaga pa, at mukhang mga good mood ang mga mokong
'aba maaga tayo ngayon ah, good mood ka rin ba katulad ng mga nag-gwapuhan nating teammates' masayang bati sa'kin ni leo
'hehe siempre naman good mood ako, eh, bakit nga pala good mood ng mga yan?'
'ewan ko rin hahahaha nahawa ako sa mga ngiti nila kaya good mood na rin ako, siguro may mga jowa na kaya ganyan ang mga yan' saad ni leo at nakipagkwentuhan naman muna kami sa isa't-isa bago mag practice, naging maganda at ayos naman ang practice namin dahil na rin sa kanilang mga mood kaya maganda ang naipakita namin.
Pagkatapos mag practice ay dumeretso ako sa unang klase, siempre ano pa nga bang gagawin ko edi matulog sa klase hehe, agad naman akong sinapak ni thoru dahil siya ang katabi ko at nasa kabilang row ang dalawa ko pang kaibigan
'ano ba inaantok ako' saad ko sakanya
'wala ka na ngang ginagawa sa bahay niyo kundi matulog maski ba naman sa school bwahahah' pang-aasar naman ni thoru sa'kin, hindi ko siya pinansin dahil inaantok talaga ako hehe
Mayamaya ay pumasok na ang aming terror na prof na si ser.Simon prof namin siya sa Business Math tss puro talak na naman yan panigurado
'Good morning class, na-checkan ko na ang mga test papers niyo, grabe ang iba sainyo parang hindi ako nagturo ng maayos dahil halos walang mga tamang sagot, sana man lang pinag-isipan niyo muna ang mga hinuhulaan niyo, jusko nagbigay na nga ako ng 20 items na multiple choice hindi niyo pa inayos' medyo pagalit na boses niya sa'amin, binigay niya naman isa-isa ang nga test papers namin alphabetical order, 65 items ang midterm exam namin sa Business Math, 65 items lang pero para ka nang pinagsukluban ng langit at lupa dahil sa hirap hehe, nakatupi ang mga test papers namin nang ibigay at hindi nako nagsayang ng oras para buklatin dahil alam ko sa sarili ko ang kahahantugan non hehehe
(Hello guys!!!! kung napapansin niyo sa story ko jh and college lang ang meron, hindi ako nagbase sa curriculum natin ngayon na may SH. Yung story ko is after junior high automatic college na agad, naabutan ko po kasi sa UAAP College basketball non is wala pang SH students, kundi mga graduate pa lang po sila sa junior high and rekta na sa college, mas magiging madali po kasi kung sundin ko yung nakasanayan kong format specially sa mga basketball leagues ayun lang naman po enjoy reading :>)
'tingnan niyo lang ang scores niyo at reviewhin pagkatapos ay ibalik niyo sa akin' striktong sabi niya at may tumili namang babae na classmate ko sa may di kalayuang pwesto
'Owmaygadddddd ang taas ng nakuha ko huhu worth it yung puyat ko!!!' saad niya na hindi ko naman siya kilala hehe
'what's your score ms.Suarez?' tanong ni ser.Simon
'62 out of 65 ser!!!!!'
'oh, nice third to the highest' saad ng aming prof wow may mas mataas pa pala sa 62
'ms.Collins what's your score?' tanong ni ser sa nerd kong kaklase, hehe ang sama ko ba, siya si thalia maganda naman kaso typical nerd talaga siya, ayoko na idescribe alam niyo naman yung itsura ng mga nerd bwahahaha
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Dla nastolatkówWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare