Yna's POV
Pinapasok kami sa isang room ng ibang mga staffs na nasa Apollo University, lahat ng teams ay nandito dahil opening mamayang 9 am, wala pa si benj dahil ang alam ko ay umuwi ang parents niya, kung ako ang tatanungin kung ano na kami ni benj ay nililigawan niya ako pero sinabi ko na sakanyang hanggang magkaibigan muna kami dahil hindi pa ako handa makipagrelasyon, sumang-ayon naman siya na maging magkaibigan kami ngunit liligawan niya pa rin daw ako kahit na ayoko pang pumasok sa isang relasyon. Nakipagkilala na rin siya sa mga parents ko at alam din nilang hanggang magkaibigan lang muna kami, naglalayag ang isip komg biglang tumabi sakin si kuya earl
'ayos ka lang ba yna? parang ang lalim ng iniisip mo?' tanong niya sakin
'ayos lang ako kuya, excited lang ako sa game niyo mamaya, galingan niyo ha?' nakangiting tugon ko sakanya
'oo naman makakaasa ka, namimiss mo na bang maglaro ng basketball?'
'siempre kuya, mahal ko ang sports na yun pero mas okay siguro na sa pag-aaral ko na muna ituon ang lahat ng oras ko, pero habang buhay ng nasa sistema ko ang basketball'
'ang galing mo pa naman magbasketball hehe, kamusta na kayo ni benj?' bigla niyang tanong
'ayos lang po kuya, magkaibigan kami'
'friends lang kayo? diba nanliligaw siya sayo?'
'opo, pero sinabi ko saknyang kaibigan lang muna kuya dahil hindi pa ako handa sa relasyon'
'ganon ba? ayos yun ah, kayo ni luke kamusta kayo?'
'ahm hindi ko alam kuya'
'hays, masiyadong tahimik si luke ano? kahit siguro feelings niya sa isang tao hindi niya maexpress ng todo' saad ni kuya earl
'kaya nga po kuya, pero sana maging maganda ang laro niyo mamaya galingan niyo ha' nakangiti kong sabi at iniba ang usapan
'oo naman kami pa ba hehe, punta na muna ko sa locker ilalagay ko lang mga gamit ko yna' paalam niya sakin bago ako iwan, nahagip naman ng mata ko si luke na palabas ng room nang team namin, hindi ko alam ngunit sinundan ko siya, mukhang papunta siya sa canteen, habang sinusundan siya ay kaliwa't kanan ang mga tilian ng mga babaeng nakakasalubong niya ngunit kahit isang ngiti ay hindi niya maibigay sa mga ito masiyadong masungit ngunit hindi talaga nawawala ang pagiging magandang lalaki mo luke...ano ba itong naiisip ko sakanya, tumigil ka kharyna, bulong ko sa aking sarili, mayamaya ay napatigil siya dahil sa isang magandang babae, matangkad siya mukhang model at mukhang may lahi siyang amerikana dahil blonde ang buhok at light brown ang mga mata, para akong nakakita ng dyosa, nagkaharap sila ni luke at nakita kong napatigil talaga silang dalawa, hindi ako malayo sakanila ngunit nakatago ako dahil baka makita ako ni luke, mayamaya pa ay nagsalita ang magandang babae, naririnig ko ang usapan nila
'Luke, it's nice to see you here' nakangiting bati sakanya ng babae magkakilala sila? magkaano-ano kaya sila
'long time no see Adrastea' narinig kong pagbati ni luke pabalik sakanya
'Hindi na'ko magtataka na varsity ka, well sa galing mong yan, wala na yatang nakakatalo sayo tama ba ako?'
'tss, same old ea huh? nahihimigang sabi ni luke sakanya mukhang close sila
'oh, well ako pa rin to luke hahaha ang maganda mong ex hmm' ex ni luke ang magandang babaeng yan wow......
'puppy love ea, correction sa ex'
'hindi ka pa rin nagbabago, you're so sungit pa rin hahaha, btw sa Apollo Univ. na ako nag-aaral, ikaw sa Delgado right?' tanong sakanya ni adrastea
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Genç KurguWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare